Chapter 17

9 1 0
                                    

"Up next to our recognition! The Second Year College from Bachelor of Science in Real Estate Management," nung tinawag na ang year ko ay tumayo na ako at gnun din ang mga kaklase ko at ka blockmates na iba.

Naglakad na kami papalapit sa may stage at nakita ko na duon nag aantay si Papa sa akin kaya masaya akong lumapit sa kaniya nung bigla akong binangga ni Ophelia kaya napatingin tuloy ako sa kaniya. Tumigil din siya sa paglalakad at nakataas ang isang kilay niyang naka tingin sa akin.

"Hanggang dito ba ta-tanga tanga ka?"

"Hanggang dito ba di mo alam ang dinadaanan mo?" sabay ko s pag-iinarte niya.

"Baka nakakalimutan mo?" sabay lapit niya sa akin ng naka cross arms.

"Baka nakakalimutan mo din. Wag mong isipin na teryotoryo mo to," tumalikod na ako sa kaniya at mabilis na naglakad papalapit kay Papa.

"Nakikipag aaway ka nanaman?" babala nito sa akinn.

"Hindi kaya pa," natatawa kong sabi.

"Sinasabi ko talaga sayo, Philomena Zarriyah. Alam kita mula ulo hanggang paa," napatawa nalang tuloy ako sa sinabi ni Papa dahil tama siya.

Nakapila na kami ngayon dito sa gilid ng hagdan at hinihintay na ako na ang susunod na umakyat sa stage.

"With the average of One point Seventy-Five, Philomena Zarriyah Mercado, Dean Lister's Award."

Umakyat kami ni Papa ng nakangiti at inabot kay Papa ang medal ko.

"Talino talaga ng anak ko," bulong na sabi ni Papa at ngumiti lamang ako sa kaniya.

Habang nasa taas ng stage ay nakikita ko na nasa dulo si Tita Mia, Martin at Commander X na masayang pumapalakpak. Naka suot lamang sila ng sunglasses at cap upang hindi makilala.

Nung natapos na kami kuhanna ni Papa ng picture sa taas ng stage ay bumaba na kaming dalawa at hinatid ko muna si Papa sa kinauupuan niya kung saan ay katabi niya din mismo sina Commander X, Tita Mia at Martin.

"Congrats, iha." Masayang pag-bati ni Tita sa akin gamit ang mahina niyang boses.

Tumayo siya at yumakap sa akin. "Thank you, tita."

Kumawala siya sa pagkakayakap at agad akong tinignan na pang-asar ni Martin. "Matalino ka pala bata?" inirapan ko nalang siya at natawa siya.

"Asset namin yan kaya naka complete package," agad siyang sinapak ni Papa kaya napatawa ako.

"Complete package i-sako kaya kita?" pabirong babala ni Papa kaya lahat kami ay natatawa.

"Sapakin mo ng malaks yan pa," pang-asar ko pa kay Commander X at natatawa si Papa. "Babalik na po ako ng upuan ko." Paalam ko at naglakad na pabalik sa upuan ko.

Halos ilang oras din ng matapos ang recognition kaya tumayo na ako at lumapit sa kinauupuan nina Papa at agad na inasar si Martin ng medal ko.

"Magkakaroon din ako niyan," naiirita niyang sabi. "Hintayin mo lang," dagdg niya pa kaya mas lalo akong napatawa.

"Deretso na po tayo sa pina reserve kong restaurant," masayang tumango lahat at naglakad na papalapit ng sasakyan.

Si Papa ang nasa driver seat samantala si Commander X ang nasa Passenger Seat samntala kaming tatlo ay nasa likod lamang at ako ang nasa gitna.

"Alam ko dapat ako diyan sa window seat," pakikipag away ko kay Martin.

"Anong ikaw? Kita mong andito na ako diba? Eh di dapat ako na dito," sabat niya.

"Nakakairita ka. Alam mo yung ang sarap mong sapukin," napairap nalang ako at napatingin kay Tita Mia na nagpipigil tumawa.

"Para kayong mga bata. Alam niyo-" hindi ntuloy ni Tita ang sinasabi nung biglang dinugtungan ni Commander X ang sinabi ni Tita Mia.

Agent Series#18: Behind that Black MaskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon