Chapter 19

10 2 0
                                    

Bumaba na ako ng sasakyan at agad naman ako binati ng Bellboy.

Halong pagod at antok na ang nararamdaman ko lalo na at ilang oras lamang ako naka tulog kagabi at sa sobrang traffic ay halos malapit na mag madaling araw ng nakarating ako dito sa Lipa.

"Hi a reservation under Philomena Zarriyah Mercado," sabi ko ng nakarating agad ako sa Reception.

"Good Evening, Maam Meracdo. May I have a valid ID please," tumango ako sa kaniya at agad na hinanap ang ID ko sa maliit kong bag saka binigay sa kaniya.

"Thank you, Maam." Nakangiti niyang sabi at binalik ang tingin sa may screen ng kanyang computer.

Ang tatlong bagahe na dala ko ay nakalagay naman sa cart at binabantayan din bellboy na nagbaba ng mga gamit ko kanina.

Ilang minuto lang ay nag-salita ulit siya at inabot sa akin ang keycard. "Here is your room key, Ma'am. A Presidential Suite good for a month. May you enjoy your stay!"

Kahit na pagod ako ay ngumiti pa din ako sa kaniya. "Please asssit, Ma'am and bring her luggage to her room," sabay senyas sa bellboy na nasa likod ko at tumango.

Nauuna siyang maglakad papunta sa elevator at sinundan ko siya. Pinindot niya ang elevator at hindi nagtagal ay bumukas din ang mga pinto. Pinauna niya akong pumasok at sumunod na din siya.

"Ma'am what is your room number please?"

Tinignan ko agad ang Keycard at may naka lagay na room number.

"Three Hundred and Eighty-Eight," maikli kong sagot at pinindot niya ang third floor.

The hotel is too huge which they have two buildings. It is divided according to what suite you are staying. So since I am staying in a Presidential Suite which really cost too much it is in the Tower Two which where I am currently.

Hindi nagtagal ay nakadating na kami sa tamang floor kaya kusang bumukas ang elevator at naunang lumabas ang bellboy saka ako sumunod. Dalawang beses kaming lumiko at nakarating na din sa harap ng pinto ng kwarto kung saan ako mag sta stay.

Lumapit ako sa pinto at binigyan naman ako ng dadaanan ng bellboy at tinap ang keycard ko para makapasok.

Nang binuksan ko ay alam ko agad na sulit ang isang buwan na magiging stay ko dito lalo na at malawak lalo na at pagbukas ng pinto ay agad na bubungad ang malawak na salas. Pumasok na ako agad para maipapasok ng bellboy ang mga maleta ko pero hanggang sa sala lamang.

"Thank you," pagpapasalamat ko nung natapos niya ang pagbaba mula sa cart ang mga maleta ko.

Ngumiti siya sa akin. "Welcome, Ma'am Mercado. May you enjoy your stay here in the hotel,"

Agad kong binuksan ko ang bag ko at kumuha ng isang libo at iaabot na sa bellboy na ikinalaki ng mata nito.

"Sorry Maam but it is a big amount and we don't accept tips," agad akong umiling at ngumiti.

Halos ilang minuto din bago ko siya nakumbinsi na kunin ang pera hanggang sa wala na siyang nagawa. "No I inssist please take it," tinanggap niya nalang at nilagay sa bulsa ang pera dahil sa pagpupumilit ko.

"Thank you soo much, Ma'am. May you enjoy your stay once again" sabay lakad niya papalabas ng pinto at pagclose nito.

Hindi na ako naka antay at agad na hiinayaan na matumba ang sarili ko sa sofa sa sobrang pagod mula sa byahe at antok.

Ang akala ko ay makakatulog lamang ako ng ilang minuto sa sofa kung hindi lamang may tumawag sa phone ko.

Nakapikit ang mata kong kinakapa ang bag ko na asa gilid ko lamang at minulat ang mata ko kahit sobrang antok ko at deretsong sagot nalamang ng tawag ng kahit hindi ko na tinignan kung sino man ang tumatawag sa akin dahil hindi pa kaya ng mata kong imulat sa sobrang antok.

Agent Series#18: Behind that Black MaskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon