Chapter 9

9 1 0
                                    

Kumakain ako ngayon ng pananghalian sa restaurant ng hotel ng biglang may nag salita sa likod kaya napalingon ako.

"Dito ka lang pala makikita, Ms. Philomena Zarriyah Mercado." Nakita ko si Philip na nakatayo at may hawak na teddy bear at chocolates kaya ramdam ko ang tinginan ng mga tao dito sa loob ng restaurant.

Nakasuot siya ng jacket na kulay brown, white na shirt at naka slacks lang na kulay itim.

Napatayo tuloy ako mula sa kinauupuan ko at tinignan siya na nakakunot ang noo.

"Bakit may ganyan ka naman Mr. CEO?" takang taka kong tanong sa kaniya.

"For you," nakangiti niyang abot sa akin.

Kinuha ko naman ito at pilit na napangiti.

"Para saan to Mr. CEO?"

"Oh, Ms. Mercado. A welcome offering for coming into our hacienda yesterday," napakunot tuloy noo ko sa kaniya.

"Apaka sweet naman ata kung ganito ibibigay mo, Mr. CEO sa mga visitors ng hacienda niyo." Hindi siya sumagot sa akin at naka ngiti lang.

Ilang minuto lang ay nag salita siya.

"I think I disturb you while eating," umiling ako sa kaniya at ngumiti. "Then I think siguro naman napag isipan mo ng mag invest sa hacienda?" nag-lakad ako papalabas ng restaurant not to make a scene.

"Then what do you think is a good reason for me to invest, Mr. CEO? Wala pa akong nakitang magandang reason kasi para mag invest sa hacienda niyo," ramdam ko na sinusundan niya ako kaya tumigil ako sa paglalakad at lumingon sa kaniya kaya nung umikot ako ay sumabay ang buhok ko at napahawi ito sa balikat ko.

"Good reason? Then I will turn you around the hacienda," tumango ako sa kaniya nung sinabi niya iyon.

"Then I will just fix myself, Mr. CEO. Please wait for me in the lobby," tumalikod na ako sa kaniya at nag simula ng maglakad papalyo sa kaniya.

"Alamin mo ang kiliti ng kalaban mo para mabilis mo ito mapaikot sa kamay mo," seryoso akong nakikinig kay Commander X nung sinasabi niya ang mga iyon.

Nandito kami ngayon sa conference room ng bahay namin at lalo na nga ay tinetrain ako bago ipakilala daw ng lubusan sa ACA.

"Ikaw ang pinaka bata kaya ikaw din ang itatago ang identity para hindi ka maliitin ng mga kalaban," nililista ko din ang mga sinasabi ni Commander X para may notes ako.

Nag-bihis nalang ako ng white pants, blue spaghetti na top at nag cardigan na kulay white para hindi masakit sa balat ang sikat ng araw. Kinuha ko ang flat sandals shoes ko na kulay blue at sinuot na. Hinayaan ko nalang ang buhok ko na bumagsak at sinuklayan ko lang ito para malinis tignan. Hinablot ko nalang din ang maliit kong sling bag na nasa kama na at nilagay ang waalet, sunglass at phone ko saka lumabas ng room dala ang key card.

Nang nakarating ako sa lobby ay naka upo duon si Philip at halatadong pinag titinginan ng mga babae sa gilid kaya nilapitan ko na siya at nakangiti.

"Sorry for letting you wait, Mr. CEO." Nakangiti kong sabi sa kaniya.

"It's fine. Shall we go?" tumango lang ako sa kaniya t tumayo na siya sa upuan.

Hinawakan niya ako sa bewang kaya tinignan ko siya ng hindi man lang lumilingon.

"Hindi ako informed na ganito na pala tayo ka close Mr. CEO," mahina kong sabi sa kaniya.

"Magiging pa lang Ms. Mercado,"

"Parang kahapon lang at tinatawag mo akong Philomenna ngayon ata ay masyado mo ng pinormal sa pamamagitan ng Ms. Mercado, Mr. CEO."

"Unless you call me with my name then I call you back using your name, Ms. Mercado." Napailing nalang ako sa kaniya hanggang sa maka labas na kami.

Agent Series#18: Behind that Black MaskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon