Prologue

49 8 1
                                    

Warning: This chapter contains violence, abuse and vulgar words that readers might find offending and upsetting. Read at your own risk!

"Tama na po! Aray! Masakit po!" humihikbi ako sa sakit at nag mamakaawa na sa aking Tito dahil sinasabunot niya ang buhok ko at kinakaladkad papunta sa kwarto samantala si Tita ay may dalang tubig na sumusunod samin.

Nung binitawan ako ni Tito ay agad namang lumapit si Tita at sinabunot din ang buhok ko gamit ang isa niyang kamay. Inumpog umpog niya ako sa pader at ramdam ko na dumudugo ang labi ko.

"Tama na po," mahina kong pag mamakaawa at narinig kong tumawa ang dalawa na para bang demonyo pero dahil sa ginagawa nila sa akin ay hindi maipagkakaila.

Hindi ko alam ano ba dapat kong gawin. Nanginginig ako sa sobrang kaba at lalo na alam ko na ang gagawin nila sa ulit.

Bigla akong napabalik sa wisyo nung tinawag ang pangalan ko ng isa kong kasama.

"Black," napattingin ako sa kaniya at para bang nababasa niya ang mga mata ko at tinuro si Commander X na nasa harap namin.

We're here at the Main Head Quarter of Abilio Cryptic Agency (ACA) because Commander X called us to come over.

"Pinatawag ko kayo para sa bago ninyong misyon." Commander X said as Dixie, his secretary, gave us one by one a black folder.

Black folder means a difficult mission.

Binuksan ko ang folder na hawak ko maging ang mga kasama ko at bumungad sa akin ang identity ng tatlong tao.

"You will be sent to a different location of Head Quarters covered by ACA to do your mission. I'm looking forward to your success. Good luck and God bless." Ani Commander X at iniwan na kami.

Tatlong Mafia Boss ang mga gustong ipatapos ni Commander X at madali lang naman patumbahin. Sinerado ko na agad ang folder at naka tayo pa din dito sa gilid.

"Madali lang ba yung sayo, Black?" lumingon ako kay di ko kilalang kasama ko na nag tanong sakin. "Bakit pa ba ako nag tanong sayo? Eh ikaw nga ang unang natatapos sa lahat ng gagawin o kung may nga ipapatumba si Commander X. Iniisip ko. Hmm? Madali kaya ang ginagawa mo kaya natatapos mo agad?" sarkastikong sabi niya sa akin. "O may favoritism si Commander X?" hinawi niya ang buhok niya at ngumiti siya sakin na para bang ang lalim ng pinanghuhugutan at puno ng sarcastic na tono saka umalis agad.

Tumingin ako sa paligid at kita ko ang mga kasama kong agents sa loob. Nag uusap sila samantala ako naka tago sa itim na maskara at tanging tango o iling lang ang magagawa ko. Gustuhin ko man silang kausapin pero alam kong magagalit si Commander X.

Konti lang sakanila ang kilala ko. Yung mga madaldal lang ang mga kilala ko dito pero yung iba ay may sari sariling buhay o di kaya parang nakatahi rin ang mga baba pero di tulad sakin na bawal talagang mag salita. Pero ako lang ang kailangan mag tago.

Utos ni Commander X na bawal ako mag salita upang di malaman kung sino ako sa likod ng aking suot. Walang nakakakilala sakin kundi siya. Siya lang ang nakaka alam kung sino ako at kung ano boses ko. Kahit kasarian ko ay walang nakaka alam. Kung may nakaka alam man ay sigurado wala na silang buhay sa susunod na mga segundo o minuto.

Isa ako sa mga asset ng ACA pag di na kakaya ng mga kasama ko ang gagawin nila palihim nilang sinasabi iyon sakin at ako tumatapos ng walang kahirap hirap. Pero kahit palihim ay nalalaman pa din ni Commander X. Kung tutuusin nga ay mas madadali ang mga ginagawa nila kesa sa akin.

"Black pumunta ka ng opisina ngayon na," rinig kong sabi ni Commander X na nanggagaling sa airpods na konektado sa kanya.

Naglakad na ako ngayon papunta sa opisina niya at ang mga kasama ko ay nag si alisan na din pero may mga natitira pa din.

"Saan ka naka assign?" rinig kong tanong ng isang kasama ko sa iba din naming kasama.

"Sa Baguio ako naka assign. Yellow naman ang kulay ng folder ko ibig sabihhin ay madali lang kaya sana kayanin ko," rinig kong usapan nila. Pero patuloy pa din ang paglalakad ko.

Nung nakadating na ako sa harap ng opisina ni Commander X ay kumatok ako at pumasok.

"Hi there, Black." Bati sa akin ni Commader X nung pumasok na ako sa opisina niya. Tinuro niya sa akin na umupo na sa may upuan malapit sa table niya kaya lumapit ako at umupo.

"As you can see," panimula niya. "I will still assign you here in Manila since yan ang gusto ni Lyxrhen lalo na daw at nag aaral ka pa. But when you graduate I gurantee that I can also assign you to different areas or headquarters if gusto mo pa tumuloy dito sa ACA. Lalo na no one still knows na estudyante ka palang at ikaw ang pianaka bata." Tumango lang ako sa sinabi ni Commander X.

"Bakit naman po kailangan silang patumbahin?" nagtataka kong tanong sa kaniya.

Pinatong niya ang dalawa niyang siko sa mesa. "Sakanila nag tatrabaho ang tito at tita mo noon na inaabuso ka," bigla akong napatahimik sa sinabi ni Commander X. "Sinabi sa akin ni Lyxhren na hanggang ngayon ay binabangungot ka pa din ng ginawa nila sayo. Kaya I wanted to give you this may it help you to have justice for yourself. Baka kilala din nila ang totoong pagkatao mo kaya I want to give you this task," ramdam kong iiyak ako pero alam kong may maskarang itim na nag tatago ng identity ko kaya napa ngiti ako kahit hindi niya ito nakikita.

"Thank you Commander X. Sobrang laki na po ito para sa akin," masaya kong sinabi sa kaniya.

"May this not affect your studies, Miss Black." Tumango ako sa kaniya.

"Thank you talaga Commander X." Lumabas na ako ng opisina niya na may malaking ngiti sa labi at wala akong pake kung hindi nila ito nakikita.

Dumeretso ako sa sasakyan ko at pinaharurot na ito papalayo. Malalaman ko din ang katotohanan tungkol sa sarili ko kaya dapat lang na paghandaan.

Agent Series#18: Behind that Black MaskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon