Warning: This story contains a lot of typographical and grammatical errors, Please be warned.
...
Prologue:
Naghihintay ang dalagang si Vivienne na lumabas ang doctor na sumuri sa kaniyang ama.
Habang kumakain silang magpapamilya nang tanghalian bigla na lamang hindi makahinga ang kaniyang ama kaya agad nila siyang dinala sa pinakamalapit na ospital.
Biglang bumukas ang pintuan ng kwarto at lumabas ang doctor na sumuri sa kalagayan nang kaniyang ama.
"Are you the daughter of Mr. Augustine?" tanong nang doctor kay Vivienne.
"Yes po doc." sagot nang dalaga. "What is my father's condition?"
"Your father is stable. But he has to take these medicines." wika nito at sabay abot nang isang reseta kay Vivienne. "If he doesn't take those medicines. Your father's condition may get worse."
"Ano po bang sakit ng itay ko?" nag-aalalang tanong ni Vivienne.
"Heart failure iha." sagot nang doctor sa tanong ni Vivienne.
"Does my father need an operation?"
"If his condition improves due to taking medication no surgery needed." tumango ang dalaga sa winika nang doctor.
"Sige po doc... Thank you." pasasalamat ni Vivienne, tumango lamang ang doctor at umalis na.
Napatingin ang dalaga sa resetang ibinigay sa kaniya nang doctor. 'Mukhang mahal ang mga ito.' naisambit niya sa kaniyang isipan.
Walang trabaho sa probinsya na malaki ang sweldo dahil hirap din sa buhay ang mga tao sa probinsyang iyon, kaya napagpasyahan ni Vivienne na sa maynila magtrabaho.
Tinawagan niya ang kaniya ina para sabihin ang kalagayan ng ama niya at ang mga sinabi nang doctor sa kaniya.
Sinabi niya rin sa kaniyang ina, na ito muna ang magbantay sa kaniyang ama dahil pupuntahan niya si Mildred, si Mildred ay nagtatrabaho sa maynila kaya naisipan niya na baka may alam itong trabaho doon.
Hinihintay niya na lamang ang kaniyang ina na dumating para makaalis na siya.
Ilang minuto ang nakalipas dumating ang kaniya ina, agad niya itong niyakap.
"Anak mag-ingat ka sa pupuntahan mo ahh.. Hintayin ka namin ni papa mo dito." sambit nang kaniyang ina na si Alyanna.
"Opo mama saglit lang naman po ako dahil magtatanong ako kay ate Mildred kung may magandang trabaho sa maynila." sabi naman ni Vivienne.
"Magtatrabaho ka sa maynila? Anak lalayo ka sa amin?" nangilid ang luha nang kaniyang ina. "Pwede naman dito ka na lamang magtrabaho anak."
"Mama wala naman pong trabaho dito na malaki ang sahod, alam niyo naman po na hirap din po sa buhay ang iba dito." sabi ni Vivienne sa kaniyang ina."Kaya sa maynila po ako magtatrabaho para malaki ang sahod, tapos makakabili na po tayo nang gamot ni papa. Saka mapapagawa na natin ang bahay. Ayaw niyo yun mama?"
"Anak gusto ko pero bakit kasi sa malayo..." umiiyak na sabi nang ina.
"Mama hindi pa nga po sure kung may pwede akong pagtrabahuhan doon." natatawang ani naman ni Vivienne.
YOU ARE READING
The Billionaire Obsession
FanfictionVivienne Aella, a young and determined girl, finds herself working as a maid for a famous billionaire, Zandrius, desperately trying to earn enough money to support her sick father's medical expenses. Zandrius has become completely obsessed with her...