Amethyst's (AJ) P.O.V.
FINALLY. Last week na ng school!! So far so good, transfer ako, pero walang nagtangkang gumawa ng hindi kanais-nais sa akin. Wow, kanais-nais, ang lalim ah...anyway, let me tell you how I 'stayed strong' all these months.
*flashback*
Pumasok ako sa classroom, first day palang ng school. Grabe ang daming nakatitig! Artista?? Hindi, panget. Joke.
So, bago pa ako makaupo sa upuan ko ay biglang tinawag ako ng aming adviser na ang pangalan ay si Miss Lesse B. Yan. I'm not kidding, that's her real name. She introduced me as Amethyst Jade Emblem Stone, at tumawa silang lahat. Yung isa, si Jaydee Lovato (yes, Lovato), ang Top 1 sa class, biglang sumigaw,
"Kaya pala mukha syang bato!" (OUCH!!!)
What did I do? I simply smiled. Tumahimik ang class. Of course. Pwede ko naman gamitin ang beauty ko kahit ganito ang pangalan ko e. Panalo nga ang class ko sa previous school ko sa intrams dahil ako ang muse nila (HAHA).
And then I spoke up.
"Hi, guys! As Miss Yan said, My name IS Amethyst Jade E. Stone. You can call me AJ. And if anyone...I repeat, ANY. ONE. of you gets in my way...."
Ang tahimik ng class a...continuing...
"...I will make sure. That you. Do NOT. Graduate."
Well, judging by their faces, my speech worked. Pati nga si Miss Yan, na dakilang chinita, nakita ko rin ang mata.
*back to the present*
And that's how I survived these early months.
I even got three best friends. Sila si Samantha Benson, Ally Celon, and ever-self-conscious Amanda Brooke. Halos lahat dito sa RMHS, Fil-Am, kaya masaya...unlike my previous school, OP kasi ako dun e...purong Pinoy silang lahat.
How about Jaydee? I guess I've taken care of him...here he comes now...
"Miss Stone...anong ginagawa mo dyan?", tanong nya.
"Nakaupo, humihinga, nagiisip, nagci-circulate ng dugo, nakatingin sa'yo, ikaw Mr Lovato, ano'ng ginagawa mo?", came the reply.
<----- PILOSOPONG PAKIPOT
"At ano naman ang iniisip mo?"
"Kung paano ko ba na-manage na talunin ka sa pagiging Top one."
Aba, tumahimik ang suplado. Hmmm...kung may sabihin kaya akong obvious sa kanya?
"Bakit mo ba 'ko laging pinapansin, may gusto ka ba sa'kin?"
Hehe, nagblush. Wala paring masabi, AHAHAHA.
"Kuya, kita po kasing namumula kayo no, inum ka muna kuya ng tubig, salamat ha!"
Umikot si Jaydee at lumabas ng classroom.
"Huy Assumingero, balik dito!!!"
Ouch, di na 'ko pinansin. Buti na lang nandito na si Samantha. Teka, ba't sya lumuluha?
Lumingon sya sakin, then spoke up, "Best, sila Ally at Amanda.."
"Bakit ka umiiyak, Best?"
Tumigil sya sa pag luha. "Si Ally at Amanda nga, tange!"
"NAMATAY?!"
"Sana."
Hala, ano'ng nangyayari sa babaeng 'to?
"Huy! Ano ba, anong nangyayari sa'yo ba't ka nagkakaganyan? Ano'ng nangyari kay Adik(Ally) at Asungot(Amanda)?"
"Huh?"
"Sumagot ka!"
"Kasi-"
"Tumahimik ka!"
Gosh, I'm loving myself.
"HUY, ANO BA, NAGE-EXPLAIN NA NGA E!"
Ah, okay, tuloy lang, di na kita pipigilan.
"O, go."
Huminga sya nang malalim at nagsimulang mag rap.
"Sinabihan nila ako nang walang kwenta, hindi ko raw sila pinapakopya sa test, hindi daw ako namamansin kapag kausap si Aaron, sa kanila lang daw si Aaron at ako daw ang rason kung bakit lilipat na sila ng high school next school year."
Three words.
"Okay like, WHAT?!"
Paano naman kaya magagawa ni Ally at Amanda yun kay Sam, e bestfriends sila since kinder palang?! Ako nga, this school year palang dumating sa life nila bilang BFFs, tapos ako pa yung hindi ginanon. Hayst. Buhay...
BINABASA MO ANG
One Last Time [ON HOLD]
RomanceAmethyst Jade Emblem Stone. Who in their right mind ang magkakagusto sa isang babae ba napaka-mabato ng pangalan? A literally stony name alone is a turn-off, paano pa kaya ang sassy attitude nya? Parang mahirap naman ata para sa kanya ang magkaroon...