Yo pipol! XD ok, OA no? Ayos lang ahehehehe.
:)))______________________________________ :)))
Samantha's(Sam's) P.O.V.
I can't possibly even BELIEVE those two said na wala akong kwenta! Kung meron mang walang kwentang kaibigan, SILA yon! Akala ko ba yung plastik, non-living thing?! Bakit ba meron akong nakita na plastik na naglalakad, humihinga at NAGSASALITA pa?
Buti nalang, kahit na transfer si Amy (Amy tawag ko kay Amethyst, AJ din kasi nickname ng kuya nya, at parang pang-lalaki naman ata yung AJ), parang nahahalata ko'ng hindi sya plastik at ma-pride. Yung mga ma-Pride kasi kailangang ibabad pa sa Zonrox!
Amy understands me, but I don't feel like living anymore. Ngayon, habang naglalakad ako sa tabi ng kalsada, may nakita akong kainan...uy, may tinda silang Emperador. That's quite a rare treasure to find in karinderyas. Maka-bili nga...
Amethyst's P.O.V.
Pagkatapos ng conversation namin ni Sam ay umuwi na agad sya...hindi pa sya umabot ng recess! Hay nako...ako, tinapos ko pa ang classes, pero umuwi na rin pagdating ng lunch. I'm worried about her..
Well, ang init, tanghaling tapat, naglalakad ako...sila mama kasi, ginamit yung kotse sa pagpunta sa SM, mag-go-grocery.
Malapit na ako sa bahay...ayan o, kita ko sa nga si Samantha, naka-upo dyan sa labas ng gate...teka, yung wallet ko...ay, nandito pala...
AY, SI SAMANTHA!
"Hoy, babae, tayo!", sabi ko ng pasigaw. Bigla namang tumayo si best at nauntog sa gate.
"Psst! Huy, lasing ka ba??"
The girl staggered but managed to stand straight. "Ay hinde, high lang. Best o, Emperador, gusto mo?"
Hala ka dyan, anong problema neto. "Umayos ka nga! Ano ba'ng nangyayari sayo?! Sumagot ka nga, bakit ka nagkakaganyan?!"
"Bakit?"
"Hindi 'to pick-up line, pasok sa bahay, magu-usap tayo!"
Binuhat ko si Samantha papasok ng bahay. Okay, hindi ko sya binuhat, pinaakbay ko lang sya sakin. Nang nasa loob na kami, bigla naman syang humilata sa sofa. Sino'ng masamang espirito naman kaya ang sumanib dito sa babaeng 'to??
"Hoy teh, saang gubat ka naman kaya nanggaling at nagkakaganyan ka?! Samantha, tumigil-tigil ka dyan, under-aged ka pa! 16-year-old, san ka nakakita ng ganon?", tanong ko sa kanya.
"Kanina nga dun sa karinderya, halos lahat ng nakita kong umiinom bata pa saakin.", sabi ni Sam, sabay suka.
"AAAAAAAAYYY, kapag ako, pinatay ni Mommy sa baho ng suka mo'ng yan, ikaw ang una-una kong mumultohin! Ano ba, hindi mo naman sila kailangang gayahin, challenge lang yang mga plastik na kaibigang yan! Naranasan ko na yan, dati pa!"
"Nako best, para kang si Mama."
"Oo nga no, para na 'kong si tita, OMG, I am maturing! Word ba yon? Maturing?"
"Kapag ikaw, nalasing, di kaya kita maturing na basura, no?"
Pilosopotasya ang babae ito."Ay, oo nga, meron no? Back to the topic! Kahit na iniwan ka nila, nariyan parin ang pamilya mo, nandito pa ako, kaya tumigil-tigil ka sa pag-inom ng alchohol! Hindi pa nga tayo pwede dyan e, sa pagkaalam ko, yung mga umiinom ng alchohol kanina don sa karinderya, nakatakas yon sa DSWD!!"
"Best..."
"Ano?"
"Pwede ba ako makitulog dito?"
Tumango ako, dahil alam ko na pag naamoy ng mga magulang nya ang bunganga nya, mapuputol na ang tainga nya. Of course pwede sya makitulog sa amin! Sinabi na ni Mommy na kahit sino pa na may kailangan , tutulungan dapat! Aba, Abnegation(Selfless: search"Divergent Factions") yata ako!
Inakyat ko na si Samantha sa aking kuwarto, at, bago pa sya sumuka sa higaan ko, hinagisan ko sya ng water balloon (yes, I keep those, for fun lang!) at nagising sya.
"Doon!!!", sabi ko, habang nakaturo sa banyo.
"Doon ka maghasik ng lagim! At maligo ka na, ang baho mo na! Papahiramin kita ng damit, don't worry."
Pumasok na si Samantha sa banyo...
Napaisip ako...I might make a great mother...NOT AT THIS AGE.
And I might make a wonderful wife...AGAIN, NOT AT THIS AGE.
BINABASA MO ANG
One Last Time [ON HOLD]
RomanceAmethyst Jade Emblem Stone. Who in their right mind ang magkakagusto sa isang babae ba napaka-mabato ng pangalan? A literally stony name alone is a turn-off, paano pa kaya ang sassy attitude nya? Parang mahirap naman ata para sa kanya ang magkaroon...