15. Slow Down Time

42 4 0
                                    

Jaydee's P.O.V.

Pano ba yan. Monday nanaman. Lintek. Daming gagawin. Memorize na kaya ni Amethyst yung script nya?? Ano ano kaya dinagdag nina Lana sa script. Letse. This day better be good.

...

Bumaba nako ng jeep, pumasok sa gates ng high school at dumeretso sa classroom namin. Asan na si Amethyst...naka uwi kaya yun ng ligtas? Minsan lang yun magcommute eh. Richkid kase. Makaupo nalang nga.

"OY JAYDEE!" napalingon ako.

"Ano Lana, bakit."

"Sinend na sakin ni Amethyst yung script nyo online, so natapos na namin ni Genos!"

"Asan si Amethyst?"

"On the way na. Pero yung script nga, natapos ko na. Gusto mo makita?"

"Sigurado ka na on the way na yon?" Tanong ko habang nakatingin sa upuan ni Amethyst...

*WHAP!*

"PARA SAN YUN?!" ang sakit nung sampal ni Lana!

"Ayan na si Amethyst mo oh! Kapapasok lang ng pintuan! Tignan mo na sabi yung script eh, wala kang grades bahala ka!"

Tumingin lang ako kay Amethyst habang salita ng salita si Lana. Ang ganda ni Amy. Teka ano nanaman to, diba nga magkaribal kami sa top...

Bahala na nga.

"Goodmorning Lana. Musta na yung script?"

"...tapos yung sa part na yon, Jaydee...

"Ay. Hi Amy! Eto ineexplain ko sa Valedictorian natin kung ano gagawin. Oh Jaydee kayo na bahala ah. Nasabi ko na sayo lahat."

"Ok. Salamat Lana..." sabi ni Amethyst habang paupo sa tabi ko. Bat ang ganda nya ngayon?! Hays...

!¡!¡!¡!¡!¡!¡!¡!¡!¡!¡!¡!¡!¡!¡!¡!¡!¡

"Ok class, our next meeting will be at the first period tomorrow. Alalahanin, hindi porke lunch nyo na magiingay nanaman kayo. Dismissed." sabi ni Sir Lopez, AP teacher namin.

Huh? Ano nang nangyare...

Napatingin sakin si Genos, yung escort namin na tropa ko (yeah, inaasar ko lang si Amethyst kagabi).

#cheeky

"Huy tol muka kang nakatulog ah." sabi ni Genos habang nilalabas ang baunan nya.

"Di ah! Nakamulat kaya mata ko kanina pa."

"Oo nga. Sa isang dereksyon lang nakatingin." Sabay halakhak ng sobrang lakas. Nakamarijuana kaya to?

"Alam mo minsan nagaalala nako sayo eh. Para kang nakadrugs."

"Ge lang HAHAHAHAHAHA"

"Anung sinsasabi mo na isang dereksyon lang nakatingin?"

"Sa katabi mo."

Ansabe

"Sayo??"

"Bobo! Kay Am--"

Tumayo ako't tinakpan ang bunganga nya. Ang ingay ng gagung to ah! HAHAHA bwisit ano nang nangyayare sakin at lagi nakong nakatingin sa kanya...

"Tanga ang ingay mo!"

"Sorry na totoo naman! AAAAHAHAHAHAHAHA"

"Hyena'ng to hahaha manahimek! Tsaka kung d ako nakikinig alangan kanina pako nahalat ni sir at pinahiya hahaha."

"Lol baliw kanina ka pa kaya pinaguusapan ni Sir ikaw nga topic ng class eh. Di mo narinig kasi nakatingin ka kay ano. Crush mo dre?"

Ay putek. Ano to. ANO ISASAGOT KO. Change topic!

"Eh bat di ako tinitignan ni Amethyst ng parang lokoloko ako kung ako pinaguusapan ng class."

"Shunga, busy sa pagbabasa eh. HAHAHAHA bulag lang??" Halakhak pa grabe. Putek nakakahawa tawa neto, masyadong high HAHAHAHA

Lunch na nga pala.

"Bahala ka na nga Gen kain na munako hahaha. Nakakagutom kaya tumingin sa magagandang mata hahaha."

"HOLIKA! CRUSH MO NGA SYA!"

"Oo crush ko yung pagkain."

"Ay. Geh na nga! Gutom nako eh. Jane!(ja-neh: means "later")" naglakad na si Genos papuntang canteen.

Paglingon ko, wala na si Amethyst. Baka pumunta na din ng canteen...magtatanong-tanong na nga lang ako dito sa classroom kung ano ba topic ni Sir kanina maliban sakin. Naks peym.

Balit ba ganun...tuwing nakatingin ako sa kanya, parang lahat bumabagal...pero kapag iba na ang titignan ko, ilang oras na pala ang nakalipas...

Titignan ko sya ng first period at pag-lihis ng mga mata ko sa maganda nyang muka, lunch na. WTF...

One Last Time [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon