[DISCLAIMER]
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
Note: This story may contain typos, grammatical errors, plot holes, and other flaws you may encounter in a fiction novel made by an amateur.
***
PROLOGUE
Malayo pa lang ang bus, nakahanda na ako sa aking puwesto. Hindi lang isa, dalawa o tatlo ang mga taong kasama kong naghihintay ngayon dito sa terminal. Kung susumahin, aabot yata kami ng singkwenta. Halos isang oras na rin kaming naghihintay at sa pagkakataong ito, alam kong iisa na lang ang tumatakbo sa aming isipan.
Iyon ay ang mauna sa loob ng bus.
Punuan na kasi ang mga bus lalo na kapag ganitong oras dahil marami ang umuuwi galing trabaho at paaralan. I just need to run fast. Ayokong mawalan ng upuan at mag-standing position. At mas lalong ayokong maghintay ng panibagong oras kung sakali mang, mapuno na agad ang bus at maunahan ako ng ibang nandirito.
"Oh, El Salvador! El Salvador!"
Humigpit ang pagkakahawak ko sa malaking travelling bag na aking dala. Panay na rin ang senyas ng kundoktor sa ibang mga naghihintay. The moment the bus finally entered the terminal, I immediately ran as fast as I could.
Kasabayan kong tumakbo ang iba pang naghihintay. Sobrang tulin na ng takbo ko pero dahil na nga rin sa bigat ng mga dala kong bag, hirap ako sa pagtakbo nang mas mabilis pa. Kinabahan ako nang may ilan nang mauna sa akin sa loob ng bus at mula rito sa labas ay kita rin na punuan na halos.
"Dalian mo hijo!" bungad sa akin ng driver nang sa wakas ay makapasok na rin ako sa loob. Mabilis akong naghanap ng mauupuan at mukhang sinusuwerte pa rin talaga ako. Isang upuan na lang kasi ang bakante. Nasa may bandang gitna ito ng bus, sa tabi ng lalakeng natutulog.
Dali-dali akong naupo roon. Nagpakawala ako ng isang malalim na hininga. Mabuti na lang talaga at nakaupo pa ako. Kinuha ko ang panyo ko sa loob ng pulang jacket na suot ko. Pinunasan ko ang pawisan kong mukha.
Ilan pang pasahero ang hinayaan ng kundoktor at driver na makapasok, pero sa kasamaang palad, standing position na sila.
Isinandal ko nang mabuti ang aking likod sa sandalan ng upuan. Finally! Makakauwi na rin.
"Kainis! Wala nang upuan, badtrip!"
Napatingin ako sa babaeng nakatayo malapit sa puwesto ko. Actually, hindi lang ako. Marami ang napatingin sa kaniyang gawi dahil sa lakas ng pagkakasabi niya no'n. Nakasuot ito ng maiksing shorts kaya halos lumitaw na ang dalawang pisngi ng kaniyang puwitan. She's also wearing a black fitted sando at dahil medyo chubby ang babae, natural din na magkaroon ito ng malaking hinaharap. Her face has a heavy makeup on. Rebonded at may kulay din ang mahaba nitong buhok.
Kung ibang lalake siguro ang nasa posisyon ko, baka kanina ko pang inalok na maupo sa aking puwesto ang babae. I mean, most men nowadays go for these type of women anyway.
Pero hindi kasi ako katulad nila. Character ang pinakabasehan ko sa isang tao at kahit pa man gusto kong ialok sa kaniya ang upuan ko, sa kadahilanang isa siyang babae, I also just can't.
Bukod sa marami akong dala, kagagaling ko lang din sa biyahe at ilang araw na akong walang matinong tulog. Pagod, gutom, at antok na antok na ako sa mga oras na 'to. Kamamatay lang kasi ng tiyuhin ko, kapatid ni mama kaya kinailangan naming umuwi muna sa probinsiya. Dahil kami lang din ang pinakamalapit nitong kamag-anak, wala kaming choice kung hindi ang tumulong sa pag-aasikaso ng burol.
BINABASA MO ANG
King's Delight (Completed)
Teen FictionJon Delight Santiago never thought that befriending the guy who once caught his attention would only make him question himself, his choices, decisions, and most importantly... his perspectives on what true love really is. Credits to @youraesthete_ f...