Chapter 12

36 3 0
                                    

I've already finished all of my pending school works. Nakapag-review na rin ako para sa upcoming quizzes namin. I even study in advanced for some of our classes tomorrow. Done watching the latest episode of my favorite series too. To make things short, lahat na ng puwedeng pagkaabalahan ay ginawa ko na para lang hindi ko maalala ang nangyari kanina.

But here I am, staring blankly at the ceiling of my room and reflecting. Do I like King? I'm not sure. Kung totoo man ang sinabing tips sa akin ni Anton, may posibilidad nga na oo.

Pero bakit? Paanong nangyari na naramdaman ko 'yun sa kaniya? King's a GUY. And the last time I checked, I'm only attracted to girls. What if I'm just confused? Baka naman nalilito lang ako sa closeness namin at sa pagiging komportable ko sa kaniya. That could be possible, right?

Then what would be the explanation for the spark that I've felt? I literally felt it. Kahit nga inaalala ko lamang ang ginawa nito kanina ay nararamdaman ko na naman ang pagtayo ng mga balahibo sa batok ko.

At isang bagay pa pala. Bakit ginawa 'yon ni King? I'm pretty sure that it's not just my imagination. Kagaya na lamang noong time na bumisita siya rito sa amin. It really happened and now, I don't know what to do with these thoughts and mixed feelings anymore. Naihilamos ko ang palad sa buo kong mukha. Should I just ask him about it?

But on second thoughts, baka rin nagbibiro lamang ito. Knowing King, he's a mischievous guy and loves to play around. Who knows if he's just messing with me earlier, right?

"ARRGHHHHH!"

Dala ng inis at frustrations ay naibato ko ng wala sa oras ang unan ko sa tabi. Marahas akong bumangon at pinakiramdaman ang sarili. Imposible. Ano ba 'tong mga iniisip ko? Magkaibigan lang kami ni King. Umiling-iling ako. Tama, kaibigan. Iyon lamang ang relasyon naming dalawa.

Hindi ko na dapat pinag-iisipan nang masinsinan 'to. Siguradong wala lang din naman 'yon kay King. He's just being his usual goofy self. That's it. Wala akong dapat na ikabahala. At 'yung naramdaman kong kuryente kanina? Gulat lang 'yon. Syempre, sino ba namang aasahan na gagawin niya 'yon, 'di ba?

Nakatulog ako na paulit-ulit na kinukumbinsi ang sarili na wala lamang ang mga nangyari at na dapat ay manatiling normal ang pakikitungo ko kay King.

Pero parang gusto kong bawiin lahat nang umagang-umaga ay maabutan ko si King na naghihintay sa tapat ng bahay namin at nakasandal sa kaniyang itim na motor. Matamis itong ngumiti nang matanaw ako at kumaway-kaway sa aking gawi.

Nagdadalawang-isip pa ako no'ng una sa paglapit dito, pero baka mawirduhan lamang ito sa'kin oras na mapansin niya ang pagkailang ko. Isipin niya pa na affected ako sa ginawa niya kahapon.

"Good morning, Ubebe!" masiglang bati nito nang makalapit ako.

Sinubukan kong umakto nang normal. Ngumiti ako pabalik at bumati na rin.

"Good morning. Napadaan ka?" That's right, Ube. Keep your composure and just be calm.

"Ahh. Ano kasi, gusto sana kitang isabay sa pagpasok sa University," kaswal na tugon ni King.

Natigilan ako. Muli na namang nabuhay sa utak ko ang mga katanungang ipinagsawalang-bahala ko na sana kagabi.

"Bakit?" Kusang lumabas ang salitang iyon sa bibig ko at huli na para bawiin pa ito.

Kumunot ang noo ng kaharap ko. Pero maya-maya pa'y unti-unting sumilay ang isang ngisi sa kaniyang mga labi habang hinihintay ko ang isasagot niya sa'kin.

"Ube naman! Syempre tropa na tayo! Normal lang na isabay na kita lalo pa't madadaanan ko lang naman talaga bahay niyo. Tapos pareho pa tayo ng oras ng klase tuwing umaga. Ayaw mo ba? Ako na 'to oh," pabirong aniya at nakuha pang mag-pogi sign habang tinataas-baba ang mga kilay niya.

King's Delight (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon