Everyone's busy. Next week na kasi ang Foundation Week ng ESU kaya halos lahat ay abala sa paghahanda para sa mga activity at mababakas din sa mukha ng mga estudyante ang excitement. Sabagay, sino ba namang hindi matutuwa kung isang buong linggo kaming walang klase? Kung hindi nga lang required ang attendance kahit na wala kaming klase ay baka hindi na talaga ako mag-abalang sumipot pa rito sa campus sa susunod na linggo.
"Ton, magl-lunch ka na? Sabay na tayo," pag-aya ko kay Anton nang makita kong nagliligpit na siya ng mga gamit.
"Sorry, Ube. Nakapangako na kasi ako kay Lalaine na sa labas kami kakain ngayon eh. Next time na lang. Or pwede ring kay King ka na lang muna sumabay."
Magsasalita pa sana ako, pero nagmamadali nang lumabas ng silid si Anton. Isang malalim na buntong-hininga ang aking pinakawalan.
Nakapag-usap na si King at Anton at naayos na rin ang gulo sa pagitan nilang dalawa. In fact, magkasundong-magkasundo na sila ngayon. Kaya siguro kampante na rin 'tong si Anton na iwananan na lang ako basta-basta kay King.
Gustuhin ko mang magdamdam kasi pakiramdam ko nale-left behind na ako sa kanilang dalawa ni Lalaine, hindi ko rin magawa dahil in the first place, they both have my blessing.
Parang gusto ko na tuloy magsisi na pinayagan ko pa silang dalawa na i-date ang isa't isa. May mga lakad na tuloy sila ngayon na hindi ako kasama. Ang weird din naman kung sasama pa rin ako sa kanila tulad ng dati. Ayoko namang maging third wheel.
Walang imik na lumabas na lang ako ng classroom. Nakasalubong ko pa si Candy na tinanguan lamang ako. Busy na rin kasi ito. Thankfully, hindi na rin ako nito kinukulit patungkol kay King. Ang balita ko rin kasi ay nakahanap na ito ng bagong crush.
Ite-text ko pa lang sana si King para itanong kung nasa'n siya, pero naunahan na ako nito.
King: San ka? Lunch tayo?
Napangiti ako sa nabasa. Back to normal na ulit kami ngayon. We usually eat lunch together na mas lalong napapadalas nitong mga nagdaang araw dahil napapadalas din ang paglabas ng dalawa kong matalik na kaibigan.
Tuluyan ko nang isinantabi ang mga bumabagabag sa akin noong nakaraan. Walang saysay kung gagawin kong kumplikado ang mga bagay-bagay.
And surprisingly, I realized that King and I are really nothing, but just good friends. May mga pagkakataon lang talaga siguro na naco-confuse ako sa mga ipinapakita nito sa'kin, but as the day went by, I've come to accept the fact that King is just like that.
"Ubebe!"
Kumakaway na sinalubong ako ni King. Nakasukbit ang isang itim na guitar case sa kaniyang likod. Napansin niya yata na nakatitig ako sa guitar case sa kaniyang balikat kaya napatingin na rin siya rito.
"Sasali ako ng battle of the bands, Ube. Panoorin mo kami ha," sabi nito na parang pinapaliwanag sa akin kung bakit may bitbit siyang gitara.
Namilog ang mga mata ko. Huli na kasi nang mapagtanto ko kung ano ang kaniyang sinabi.
"Talaga?" mangha kong tanong.
Tumango naman ito bilang tugon.
"Ikaw vocalist?" tanong ko pa at muli siyang tumango habang inaayos ang pagkakasukbit ng guitar case sa balikat niya.
Isang beses ko pa lamang siyang narinig kumanta. Iyon 'yong time na bumisita ako sa kanila Anton. Kung saka-sakali, pangalawang beses ko pa lamang siyang maririnig at makitang kumanta.
"Cool. Kailan ba 'yan?"
Nagsimula na akong maglakad at sinabayan naman ako ni King.
"Next Friday pa. Ayos 'di ba? Medyo mahaba-haba pa ang time namin for practice and preparation," sabi niya. Napatangu-tango naman ako.
BINABASA MO ANG
King's Delight (Completed)
Teen FictionJon Delight Santiago never thought that befriending the guy who once caught his attention would only make him question himself, his choices, decisions, and most importantly... his perspectives on what true love really is. Credits to @youraesthete_ f...