Chapter 19

33 4 0
                                    

Tulala ako habang nakikipagtitigan sa kisame ng aking kuwarto. I figured out that King would try to contact me kaya minabuti ko na munang i-off ang phone ko. It's been a whole day since that thing happened. Isang buong araw na rin akong walang ibang ginawa kundi ang mag-isip ng paraan kung papaano ko siyang haharapin oras na magkita kami sa campus.

Marahan kong minasahe ang tungki ng aking ilong at dahan-dahang ipinikit ang mga mata ko. Wala pa akong pinagsasabihan ng nangyari kahit pa sa kanila Lalaine at Anton. Hangga't maaari ay ayokong kahit na sino ay may makaalam no'n. It was a mistake.

Mali na hinalikan ako ni King at mas lalong mali na gumanti ako ng halik. Wala akong matinong rason na maisip kung bakit nangyari ang bagay na 'yon sa pagitan namin aside from 'lust'. King's drunk that night. Normal na mawala siya sa wisyo at makaramdam ng kakaibang init sa katawan. In my case, it was the very first time that I've been intimate with someone like that. Marahil ay nadala lamang ako sa kapusukan nito.

Walang ibig sabihin ang halik na 'yon. Wala akong dapat na ipag-aalala. Ito ang paulit-ulit ko na lang na sinasabi sa aking sarili mula pa kahapon.

Tatlong katok sa pinto ng aking silid ang naging dahilan para mahinto ako sa pag-iisip at muling mapabangon sa kama. Pupungas-pungas akong lumapit sa may pintuan at sa pagbukas ko ng pinto, ang nakangiting mukha ni Mama ang sumalubong sa'kin.

"Anong oras pasok mo ngayon? Hindi ka pa nag-aalmusal."

Bagama't nakangiti, kapansin-pansin ang bahid ng pag-aalala sa boses at mukha ng aking ina. Marahan akong yumuko. Ngumiti na rin ako pabalik para hindi na ito masyadong mag-alala pa.

"Sorry, Ma. Medyo masama lang talaga pakiramdam ko ngayon eh. I'm planning to skip my classes today," pagdadahilan ko.

Totoo rin naman na masama ang pakiramdam ko. Masakit ang ulo ko kakaisip ng nangyari sa birthday party ni Mai. Bukod pa rito, hindi ko pa kayang harapin si King. I know that I'm being a coward right now, but this is for the best.

I can't face him feeling like this. Masyado pa ring magulo para sa'kin ang lahat, kahit pa nga ilang beses ko nang ipinilit sa utak ko na walang mas malalim na ibig sabihin ang halik na nangyari sa pagitan naming dalawa. Baka may masabi lang akong mali oras na pilitin ko ang sarili na umarteng ayos lang at matapang sa harapan niya.

"May lagnat ka ba, Ube?! Anong nararamdaman mo ngayon? Gusto mo ng lugaw? Ipagluluto kita, saglit lang. Dadalhan na rin kita ng gamot dito. Magpahinga ka muna diyan at mahiga ka na ulit sa kama mo. Babalik ako agad dito," dire-diretsong sabi ni Mama. Halata ang pagkakataranta nito. Parang gusto ko tuloy makonsensiya.

Ayokong magsinungaling rito, pero wala akong ibang puwedeng pagpilian. Mas okay na 'to. Ngayon lang din naman. Bukas, papasok na 'ko. I just need some time to think more. That's all.

Pagbalik ni Mama ay may dala na nga itong mga gamot. I told her that it's just a simple headache, pero ayaw nitong maniwala at pinainom pa rin ako ng gamot. I didn't go to class just as I planned. Sinamantala ko na lamang ang oras na mayroon ako para muling makapag-isip.

***

Kinakabahan ako habang kasabay ko sa paglalakad si Anton. Maya't maya ang paglingon ko sa paligid. Mukhang nahalata naman ito ni Anton dahil tumigil siya sa paglalakad at nalilitong lumingon sa'kin.

"Ube, umamin ka nga sa'kin. May pinagtataguan ka ba?" prangkang tanong nito. Bilis talagang makaramdam ng isang 'to.

Umiling-iling naman ako at umayos ng tindig.

"Wala. Sino namang pagtataguan ko?"

Bumuntong-hininga si Anton. Hindi siya mukhang kumbinsido sa isinagot ko sa kaniya pero sana ay hindi na siya magtanong pa.

King's Delight (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon