Naging usap-usapan sa buong Unibersidad ang pagkaka-expell ng tatlong estudyante, kasama na rito ang kaklase naming si Aaron. Turns out na iyong mga kasama niya palang naninigarilyo no'ng nakaraan sa washroom ay pawang mga nasa kolehiyo na at gumagamit ng mga ilegal na droga.
They're trying to recruit Aaron in their group at dahil may mga ebidensya ng pagpayag ni Aaron na sumama sa grupo ay hindi rin ito nakaligtas sa desisyon ng pamunuan na patalsikin sila ng ESU. Bukod pa rito ang masamang record na dadalhin nila, in case they try to enroll to another University.
Pero sa kabila ng lahat ng mga nangyari, isang bagay pa rin ang bumabagabag sa akin. Those two guys... they seem to know King. At kung pagbabasehan ang kanilang reaksyon nang makita nila ang lalaki, mukhang hindi lang nila ito basta-basta kilala. It seems like they already know him for a long time.
Ayokong pag-isipan ng masama si King, pero palaisipan pa rin talaga sa akin kung papaano siyang nagkaroon ng koneksyon sa ganoong klase ng mga tao.
"Ubeee, gala tayo!"
Nahinto ako sa malalim kong pag-iisip nang tabihan ako ni Anton at akbayan.
"Tayong tatlo ni Laine," malawak ang ngiti na dagdag niya. Umingos ako at inalis ang mabigat niyang braso sa aking balikat.
"Himala, naalala niyo pa pala ako?" kunwari ay nagtatampo kong sabi.
Anton pouted and massaged my shoulders.
"Sorry na, Ube. Heto na nga oh. Gala tayo, tulad ng dati."
I sighed. Gusto ko mang pumayag dahil nami-miss ko na rin ang lumabas kasama sila, hindi rin puwede.
"Pass. My sister and his husband are coming."
I started fixing my things. Lumipat si Anton sa upuan na nasa aking harapan.
"Hindi nga? Good luck! For sure, irereto ka na naman no'n sa kung kani-kanino," natatawa niyang sabi dahilan para matigilan ako.
"Kung hindi lang talaga ako nag-aalala na magalit si Mama sa'kin, mas gugustuhin ko pang sumama sa inyo ni Lalaine," pag-amin ko sa kaibigan.
The thought of my sister introducing me to someone again makes me uncomfortable. Ewan ko ba sa kapatid kong 'yon at atat na atat masyado na pumasok ako sa isang relasyon. Akala mo naman talaga e lampas trenta na ako para mag-alala siya sa katotohanang wala pa akong nagiging girlfriend. Besides, it's my life and it's my choice.
Natawa si Anton sa naaning reaksyon mula sa akin.
"Ikumusta mo na lang ako kay Rico ha," ani Anton na ang tinutukoy ay ang pamangkin ko na limang taong gulang pa lamang.
"Sure," tugon ko naman.
Sabay na kaming lumabas ng classroom ni Anton, pero dumiretso ito sa building ng mga HUMSS student para sunduin si Lalaine. Habang naglalakad papunta sa main gate ay hindi ko naiwasang mapatingin sa malaking banner na nakapaskil sa poste malapit sa aming building. It's King's picture together with his bandmates. Sila ang itinanghal na panalo ng Battle of the Bands last week and won the cash prize.
Naalala ko na naman tuloy ang huling eksena namin ng gabing iyon. King wanted to celebrate with me that night too, pero tumanggi ako dahil kung mayroon man siyang dapat na samahan to celebrate their victory, it's his bandmates. I already congratulated him na rin naman.
Naging abala na rin siya magmula no'ng sumapit ang Sabado at Linggo dahil may hinahabol daw silang deadline ng isang activity nila. Kaya naman hindi na nakapagtataka na hindi na rin ito muling nagparamdam sa akin mula noong Biyernes ng gabi.
Dumiretso agad ako sa bahay pagkagaling ko ng ESU. Isang malalim na hininga ang aking pinakawalan sa ere habang nakatingin ako sa mga pares ng sapatos sa tapat ng aming pintuan. They're already here.
BINABASA MO ANG
King's Delight (Completed)
Novela JuvenilJon Delight Santiago never thought that befriending the guy who once caught his attention would only make him question himself, his choices, decisions, and most importantly... his perspectives on what true love really is. Credits to @youraesthete_ f...