Today is the first day of our semestral break. I should be happy right now. Nagbubunyi dapat ako ngayon lalo na't sa wakas, nakapagpahinga na rin sa matinding stress na hatid ng acads. But what I'm feeling today is actually the opposite. I'm feeling a little bit lonely.
I flinched when my phone suddenly rang. Dali-dali ko itong dinampot mula sa mesa. Kusang umarko ang dulo ng aking mga labi nang makita ang pangalan ni King sa screen ng aking phone. I accepted his video call at tumambad sa akin ang maamo niyang mukha. Medyo namumungay pa nga ang mga mata nito.
"Kagigising mo lang?" tanong ko bago umayos ng upo at saglit na ini-off ang camera para ayusin ang buhok ko.
"Hmmm. Ikaw?" anas niya. It's already eight in the morning. Mukhang late talaga siyang nagigising kapag wala kaming pasok.
"Kanina pa 'kong gising. Tapos na nga kaming mag-almusal eh," tugon ko.
King chuckled huskily. Bahagya niyang kinusot-kusot ang mga mata at bumangon mula sa pagkakahiga.
"Aga ah. Anyway, may gagawin ka mamaya?"
Kumunot ang noo ko.
"Wala naman. Bakit?"
Inilapit niya ang mukha sa camera kaya bahagya akong napalayo. Alam ko namang hindi ko siya personal na kasama ngayon, pero bakit pakiramdam ko'y tumatagos ang mga titig niya mula sa screen ng phone?
"Lunch tayo sa labas. Sunduin kita diyan sa inyo mamaya," nakangiti niyang pahayag. Natigilan ako. Did he just ask me out on a date?
"Uhm... " I bit my lip.
This is not the first time that we'll eat together, pero syempre iba na ang sitwasyon namin ngayon. We both admitted our feelings already kaya hindi ko maiwasang makaramdam ng pinaghalong kaba at excitement.
"Tigil mo 'yan, Ube."
Muling nabalik ang atensyon ko sa kausap nang magsalita ito. Bahagyang kumunot ang noo ko.
"Huh? Stop what?" I curiously asked.
"Stop biting your lips. Hindi kita maki-kiss kaya please lang, 'wag mo 'kong tinutukso," seryoso at walang bahid ng pagbibiro na sabi ni King kaya kulang na lamang ay lumubog ako sa kinauupuan. I covered my whole face using my hands just to hide my blushing face.
"S-Shut up... " mahina kong sabi at umubo-ubo.
"Cute mo," dagdag pa nito.
Napapikit ako nang mariin. This guy just can't stop throwing butterflies into my stomach.
"I'll end the call now. Inuutusan na ako ni Mama. Chat or text mo na lang ako mamaya 'pag susunduin mo na 'ko," pagdadahilan ko sa kaniya. Hindi ako makatingin nang diretso sa camera dala ng labis na kahihiyan.
King groaned softly. "Noted, Ubebe."
"Sige na. Mag-almusal ka na rin diyan, anong oras na," bilin ko.
Lumawak ang pagkakangiti nito. Tumangu-tango siya at kinindatan ako.
"Thanks sa concern, love. See you mamaya ah. Love you!"
Sa sobrang pagkakabigla, na-end ko ang call nang wala sa oras. Ni hindi na ako nag-abala pang mag-response sa sinabi nito. Sunod-sunod akong napalunok. I stared at my phone for almost a minute. I can literally hear the loud beating of my heart. It's getting wild inside my chest.
Huminga ako nang malalim at lumapit sa bintana para lumanghap ng sariwang hangin mula sa labas. Since that night at the resort, King became more vocal about his feelings. Ako naman ay ganoon pa rin naman ang pakikitungo sa kaniya though aaminin ko sa sarili ko na marami na talaga ang nagbago. Ngayon ay mas nabibigyang pansin ko na ang mga reaksyon at nararamdaman ko sa bawat gawin ni King.
BINABASA MO ANG
King's Delight (Completed)
Teen FictionJon Delight Santiago never thought that befriending the guy who once caught his attention would only make him question himself, his choices, decisions, and most importantly... his perspectives on what true love really is. Credits to @youraesthete_ f...