Kinakabahan ako. Gaya ng napag-usapan, nandito ako ngayon sa coffee shop na dating pinagtatrabahuan ni King at matiyang naghihintay sa pagdating ni Mai. I checked the time at mukhang napaaga nga rin ang pagpunta ko rito. Well, it's not that I'm really eager to talk to her. It's just my time conscious self again.
Quarter to nine na nang dumating ang kanina ko pang hinihintay. Agad ko siyang napansin dahil kaunti pa lang din naman ang customer dito at si Mai rin kasi talaga 'yung tipo ng tao na magg-glow kahit saan mo siya ilagay. Agaw-pansin kumbaga. Kaya hindi na rin talaga ako magtataka kung naging first love siya ni King.
"Sorry. Kanina ka pa bang naghihintay?" salubong nito sa akin nang makalapit na siya.
Umiling-iling ako.
"Napaaga lang talaga ako sa usapan. You're just in time."
She smiled at me and took her seat. Tinupi niya ang bitbit na payong at nagpalinga-linga sa paligid.
"Order muna tayo?" tanong niya.
"S-Sige," sagot ko naman at hinayaan ko na siyang kunin ang atensyon ng waiter na nasa malapit.
Hindi ako mapakali habang hinihintay kong dumating ang order naming dalawa. Nakakailang din ang atmosphere sa pagitan namin ni Mai. Parang bigla tuloy akong nagsisi na pumayag pa 'kong makipagkita sa kaniya.
Saglit naman akong nakahinga nang maluwag nang sa wakas ay dumating na ang order namin. Nagkaroon ako ng pagkakataon para panandaliang alisin sa kaharap ang atensyon ko.
"Alam mo... ibang-iba si King ngayon sa King na kilala ko noon."
I was sipping my coffee when Mai suddenly spoke. Marahan kong inilapag sa table ang tasa ng kape na hawak ko para tingnan siya at pakinggan ang iba pa niyang sasabihin.
"Anong ibig mong sabihin?" Kunot ang noo na tanong ko sa kaniya.
Mai shrugged her shoulders.
"Basagulero si King noon. I remember visiting her in our school clinic almost everyday kasi lagi siyang napapasama sa gulo. That guy just can't stop minding his own business. Lagi siyang nakikialam sa away ng iba, acting like a damn hero... " Mai said and giggled like she just remembered something funny.
"Si King 'yung tipo na hindi lang basta-basta mananahimik o manonood when he sees that something's not right in a situation he's in," dagdag pa niya kaya sumagi sa utak ko 'yung unang beses na nakilala ko si King sa bus. He defended me though I am a total stranger to him.
Mai met my gaze. "He stopped getting into fights when we became a thing."
Nag-iwas ako ng tingin at muling uminom ng kape. I don't get the point of her telling these things to me.
"Hindi ko maintindihan. Pinapunta mo lang ba ako rito para ikuwento sa'kin ang nakaraan niyo ni King?" diretsahan kong tanong. Kasi kung oo, sinasayang niya lang ang oras ko.
Tinaasan ako nito ng kilay. Umayos siya ng upo at pinagkrus ang mga braso.
"I saw you two kissing that night at the resort."
I froze on my seat at umawang din ang mga labi ko. She saw us?
"Oh, ba't parang gulat na gulat ka? You two were shamelessly kissing outside in the pool. Do you really expect na wala man lang makakapansin sa inyo?" she asked sarcastically and even faked a laugh.
Umiling-iling si Mai at tumingin sa labas. Sa lahat ba naman ng pupuwedeng makakita sa amin ng gabing 'yon ay siya pa talaga?
"Don't worry, hindi ko naman ipagkakalat ang nakita ko lalo pa't wala namang rason para gawin ko 'yon. Kaya kita gustong makausap kasi gusto kitang balaan," paliwanag niya at lumingon sa gawi ko.
BINABASA MO ANG
King's Delight (Completed)
Teen FictionJon Delight Santiago never thought that befriending the guy who once caught his attention would only make him question himself, his choices, decisions, and most importantly... his perspectives on what true love really is. Credits to @youraesthete_ f...