Epilogue

62 5 0
                                    

"Bakit mo sinasabi ang mga 'yan sa'kin ngayon?"

After hearing King's story of how he really feels about me, I'm not sure what to say anymore. It's overwhelming. Akala ko ay pag-uusapan lang namin ang nakita ko at ang pag-iwas niya. Hindi ko naman inaasahang sasabihin niya pa sa'kin pati ang naramdaman niya no'ng una naming pagkikita.

Bumuntong-hininga si King. Tulad ng dati, nandito kami ngayon sa likod ng University Library. Sa mismong lugar kung saan ko rin sila nakitang magkayakap ni Mai.

"Noong araw na nakita mo kami ni Mai... " panimula niya bago sinalubong ng mga mata niya ang sa akin.

"Sobrang natakot ako."

My brows furrowed. "Natakot?" naniniguro kong tanong. Marahan naman siyang tumango at hilaw na ngumiti.

"Hindi ako natakot noong binantaan ako ng mga magulang ko noon na palalayasin nila ako at itatakwil bilang anak nila. Hindi ako natakot noong nakipagbasag-ulo ako sa mga schoolmate ko noong high school kahit pa mag-isa lang ako at marami sila. Hindi ako natakot noong bumagsak ako at sinabihang id-drop dahil kulang ang performance tasks na naipasa ko. Ang daming bagay na kinatatakutan ng iba, pero wala lang sa'kin."

Tahimik lamang ako na nakinig kay King. Wala pa rin akong ma-gets sa mga sinasabi niya kaya minabuti ko na lamang hintayin na matapos siya.

"Pero noong araw na 'yon, Ube... sa kauna-unahang pagkakataon, nakaramdam ako ng takot. Noong makita ko kung papaano mo akong tiningnan ng mga oras na 'yon, kinilabutan ako. Naduwag ako, Ube. Ikaw 'yong pinakamagandang nangyari sa buhay ko at sobra akong natakot na baka magising na lang ako isang araw, hindi na kita maabot. Gusto kong magpaliwanag sa'yo agad, pero pinangunahan ako ng nararamdaman ko. Hindi ko rin maintindihan, pero wala akong ibang masabi that time bukod sa pangalan mo... "

Umawang nang bahagya ang bibig ko lalo na no'ng makita ang pagtakas ng luha mula sa mga mata ng kausap ko.

"I'm sorry, Ube. Dapat nag-explain ako agad sa'yo. It's definitely not what you think it is." Nagsusumamo ang mga mata ni King nang harapin niya 'ko.

"Na-stroke ang papa ni Mai. Matagal na rin palang nalugi ang negosyo ng pamilya nila. Iyon din ang dahilan kung bakit siya nag-transfer dito sa atin. Wala siyang ibang mahingan ng tulong. Kaya ginawa ko ang makakaya ko para matulungan siya. Naghanap ako ng bagong part-time na trabaho. Hindi na rin naman na naging iba sa'kin si Mai and let's just say... it's the only thing I can do to repay for what I've done to her before. Kaya lagi akong busy, Ube. Lagi akong wala sa tabi mo. Gusto kong sabihin sa'yo ang totoo pero natakot ako sa sasabihin mo oras na malaman mong tinutulungan ko si Mai. At no'ng araw na nakita mo kaming dalawa rito... that's also the day his father died."

Tuluyan nang napaiyak si King. Ang pinipigilan niyang luha kanina ay malaya nang umaagos ngayon sa kaniyang mukha.

"I'm sorry, Ube. Dapat sinabihan kita. I'm sorry kung hindi ako agad nagpaliwanag. Natakot akong harapin ka knowing na galit ka pa sa'kin. Baka layuan mo 'ko la-"

Hindi ko na siya pinatapos pa. Agad akong lumapit sa kaniya at binalot siya sa isang mahigpit na yakap. Naramdaman ko ang pagyakap niya pabalik at ang pagsubsob ng kaniyang ulo so leeg ko.

"Baliw ka. Hindi naman ako magagalit kung 'yon naman pala ang rason mo. Pinatagal mo pang tanga ka... " bulong ko sa tainga niya.

Aaminin kong nasaktan ako nang sobra sa nakita ko at nag-conclude din ako kaagad. May mali rin naman ako. Pero sa mga oras na 'to, hindi na mahalaga 'yon. Lahat ng pangamba sa puso ko'y tuluyan nang nabura.

"Sorry... Mahal kita, Ube. Ikaw lang. Ikaw palagi."

Napapikit ako kasabay ng paghigpit ng yakap ni King sa akin. Sasagutin ko na rin sana siya nang may maalala ako. Kaagad akong lumayo at kumalas sa yakap. Sumalubong sa akin ang nagtatakang tingin ni King.

King's Delight (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon