"Ube, paabot ng remote!"
Mahinang niyugyog ni Lalaine ang aking balikat. Nagtataka ko naman siyang binalingan.
"Ha? Bakit?"
Umingos ito at tinaasan ako ng kilay. Wari'y nagtataka sa aking reaksyon.
"Paabot kako ng remote para mailipat ko ang channel. Okay ka lang? Kanina ka pang lutang," puna niya at pinag-aralan ang aking mukha. Napatikhim ako. Ilang araw na ang nakalipas mula noong umamin sa akin si King, pero binabagabag pa rin ako ng mga sinabi niya sa'kin.
"I'm fine. Medyo inaantok lang," pagdadahilan ko.
Mula sa couch ay naupo si Lalaine sa lapag, sa tabi ko mismo. "Huwag ka munang matulog! Ikaw kaya nag-suggest ng sleepover at movie marathon dito sa bahay," nakangiwi niyang sabi kasabay ng mahina niyang paghampas sa aking braso.
Tama. I did suggest this to them. I told her and Anton that I already missed hanging out with them. Pero ang totoo, naghahanap lang talaga ako ng dahilan para abalahin ang sarili at ilayo sa kung anu-anong mga isipin.
Bumuntong-hininga ako at tipid na ngumiti sa kaibigan.
"Sorry, Laine. Sige na, hindi na 'ko matutulog," sabi ko at lumawak ang pagkakangiti nito sa aking tabi.
"Good! By the way, nasa'n na ba 'yong si Anton? Ang tagal naman yatang nakabili ng mga pagkain?" nayayamot na tanong ni Laine bago marahas na dinampot ang cellphone niya na nasa lamesita para siguro kontakin si Anton.
Nagkibit-balikat lang din ako. Hindi pa naman ganoon katagal mula no'ng umalis si Anton, pero hindi ko rin masisisi na ganito ang maging reaksyon ni Lalaine. May trust issues na ito. Her last relationship really took a toll on her. Kahit siguro ako ang nasa lagay niya, mahihirapan na akong hindi ulit magduda sa susunod kong magiging karelasyon. I just hope that this won't ruin their relationship.
As if Anton's silently listening to us, biglang bumukas ang pinto at iniluwa noon ang lalaki. Nakangiti ito habang pinapakita sa amin ang mga pagkaing bitbit niya. Ngunit ang ngiti niyang 'yon ay agad ding naglaho matapos mapansin ang mukha ng kaniyang nobya sa aking tabi.
"Oh... ba't ganiyan ka makatingin?" kabadong tanong ni Anton at napalunok pa ng sariling laway.
"Ang tagal mo. Nakipagharutan ka pa siguro sa cashier, ano?" akusa ni Lalaine.
Naalarma si Anton at nagmamadaling lumapit sa kinaroroonan ng girlfriend. Basta na lamang nitong inilapag sa mesa ang mga plastic bag ng samu't saring snacks na kaniyang binili.
"Hey, natagalan ako kasi marami rin ang bumili sa convenience store. Tsaka lalake ang cashier do'n. Stop overthinking, hmm?" masuyong sabi ni Anton at pinagdikit ang mga noo nilang dalawa ni Lalaine.
Kung normal na mga araw ito, baka umarte na akong nasusuka o 'di kaya'y inulan ko na ng kantiyaw ang mga kaibigan, pero sa mga oras na 'to, hindi ko alam kung bakit heto ako at tahimik lamang na nakatitig sa kanilang dalawa. Biglang may nag-flash na mga imahe sa utak ko. Ako at si King... sa mismong eksena nila Lalaine.
Wait, what?!
Ipinilig ko ang ulo ko. What the hell was that? Bakit ko naman biglang na-imagine ang sarili ko na sinusuyo ni King? Umubo-ubo ako at tumayo mula sa pagkakaupo sa lapag. Dahil sa ginawa kong pagtayo ay natigil sa pagmo-moment ang dalawa at sabay pang napalingon sa aking direksyon.
"CR lang muna ako," paalam ko.
Nang walang makuhang pagtutol ay nagmamadali na akong umalis ng sala at dumiretso ng banyo. Binasa ko ng tubig ang buo kong mukha. Baka sakaling mahimasmasan ako.
BINABASA MO ANG
King's Delight (Completed)
Teen FictionJon Delight Santiago never thought that befriending the guy who once caught his attention would only make him question himself, his choices, decisions, and most importantly... his perspectives on what true love really is. Credits to @youraesthete_ f...