They say that love is like a lightning. Hindi mo alam kung kailan ka nito tatamaan. Hindi mo alam kung kailan ito darating. Just like a flash, it will come to you unexpectedly. Hindi mo maiiwasan at wala nang panahon pa para ito'y paghandaan.
Watching romance films is not enough for me to perfectly comprehend what true love really is. All I know about love is that it's a one big mystery. A mystery you cannot just solve overnight.
"How would you know if you've already fallen for someone?"
Ang tanong kong iyon mismo ang naging dahilan para maibuga ni Anton ang mga sago na nasa kaniyang bibig. Pinunasan nito ang labi at nanlalaki ang mga matang lumingon ito sa akin.
"In love ka na, Ube?!"
"I was just asking, Ton," I said, stressing the word 'asking'.
"Weh? 'Di nga?"
Mapanukso ang iginawad niyang tingin. I sighed and walked faster than him. Dapat talaga hindi na lang ako nagtanong.
"Joke lang! Napaka out of nowhere naman kasi ng tanong mo diyan," natatawa niyang komento.
Humabol siya sa akin at sinabayan ako sa paglalakad. Sumimsim muna siya sa hawak niyang pearl tea bago muling nagsalita.
"Hmm madali lang din naman sagot sa tanong mo eh. Malalaman mo kapag na-fall ka na sa isang tao... kung maya't maya mo siyang naiisip."
Napaisip ako sa narinig. Hindi ko naman maya't mayang naiisip si King. Oo, naiisip ko siya paminsan-minsan, pero hindi naman ganoon kadalas.
"What else?"
Tumingala si Anton. Kunot ang noo at mukhang nag-iisip pa ng ibang sagot.
"Kapag nami-miss mo siya palagi."
I did miss King noong time na iniwasan ko siya, but that's it. Hindi naman palagi iyon.
"Pero kung gusto mo talaga sa paraan na makakasigurado ka sa nararamdaman mo, may alam akong pupuwede mong gawin."
Lumawak ang pagkakangisi ni Anton. Na-curious naman ako sa kaniyang sinabi. That's exactly what I'm looking for. A way to be sure about my feelings.
"Ano naman?"
Nagpalinga-linga si Anton. Huminto siya sa paglalakad at ganoon din ako. Sumenyas siya na lumapit ako sa kaniya kaya agad naman akong sumunod. Itinapat ni Anton ang bibig sa aking tainga.
"Body languange," bulong niya.
Kalituhan ang unang rumehistro sa mukha ko matapos iyong marinig. Lumayo na si Anton sa'kin. Isinilid nito ang parehong kamay sa bulsa ng kaniyang black pants.
"What?"
Tumangu-tango si Anton. Lumapit siyang muli para akbayan ako.
"Alam mo kasi, Ube... minsan, itong katawan natin, kusa na lang kumikilos. Instinct kumbaga. Gusto mo talagang malaman kung may feelings ka sa isang tao? Observe your body languange when you're with that person. Try mo rin maging touchy sa kaniya. Like, yakapin mo or hawakan mo 'yung kamay. Kapag may spark o parang kuryente kang naramdaman, then you probably like that someone," mistulang professional na paliwanag nito sa akin.
Napalunok ako. I cleared my throat and fixed the collar of my uniform.
"Gusto ko lang linawin ha, nagtatanong lang ako. This is not about me."
Makahulugang nginitian ako ni Anton. Pakiramdam ko tuloy, duda ito sa aking sinabi.
"Oo na. Nagtatanong ka lang kasi curious ka," may himig panunukso na aniya at binigyang diin pa ang salitang 'curious'.
BINABASA MO ANG
King's Delight (Completed)
Teen FictionJon Delight Santiago never thought that befriending the guy who once caught his attention would only make him question himself, his choices, decisions, and most importantly... his perspectives on what true love really is. Credits to @youraesthete_ f...