'Sorry, Ube. Sobrang busy na talaga namin ngayon. Ang dami pang kailangang tapusin. Babawi na lang ako sa'yo sa susunod. Ingat palagi ha. Huwag kang nagpapalipas ng gutom. Miss na miss na kita... '
Ang isang araw ay naging isang linggo. Time flew so fast yet nanatiling abala si King kaya kahit nasa iisang campus lang naman sana kami ay hindi ko nakikita kahit anino niya lang. It's not that I'm complaining. I really understand the situation.
Pero mahirap pa ring pigilan ang sarili na huwag malungkot at magtampo sa kaniya. It's an inevitable feeling. Nakakainis kasi pakiramdam ko'y nagtatalo ang puso at isip ko. Hindi ba puwedeng magkasundo na lang silang dalawa?
"Busy na ba sila King? Bihira ko na lang kayo makitang magkasama ngayon," komento ni Anton habang abala siya sa pagsusulat ng notes sa aking tabi.
Itinigil ko ang pagbabasa ng librong hawak. Wala rin namang saysay dahil wala akong maintindihan sa binabasa ko.
"Sort of. Second semester na rin kasi," nakahalukipkip kong tugon.
"Sabagay. Miss mo na siguro siya, 'no?"
Namilog ang mga mata ko at gulat na nilingon si Anton. Nakayuko pa rin ito habang nagsusulat.
"H-Ha? Ba't ko naman siya mami-miss?" kinakabahan kong tanong dito.
Huminto na siya sa pagsusulat at nakakunot ang noo na tinapunan ako ng tingin.
"Bakit naman hindi? Close kayo, 'di ba?" Anton asked like he's stating an obvious fact.
"Ahh. O-Oo nga, pero hindi naman super close," defensive kong sabi.
I'm such an idiot. Baka dahil pa sa mga sagot ko rito ay mapaamin pa ako nang wala sa oras sa kaniya. Anton chuckled while shaking his head.
"Oo nga. Hindi naman kayo super close. Super duper close lang," aniya sa mapang-asar na tono kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Maiba tayo, mauuna ulit ako sa'yo ngayon at may pupuntahan si Laine. Samahan ko lang siya," paalam nito. Tumango lang ako para itago ang panlulumong naramdaman. Bigla akong nakaramdam ng inggit. Mabuti pa ang dalawang 'to, laging may time sa isa't isa.
Samantalang kami...
Umiling-iling ako. What am I thinking right now? Nasisiraan na ba talaga ako ng bait? Normal lang naman na magkaroon ng oras sa isa't isa sila Anton dahil magnobyo sila. E kami ni King? Ano ba kami?
Again, this is complicated. And I hate the fact that I'm starting to feel more miserable and anxious about this as the time goes by. Katulad ng mga nagdaang araw, mag-isa akong umuwi. Sinubukan kong abalahin ang sarili sa pamamagitan ng panood ng mga paborito kong series, pero wala ring epekto. Maya't maya pa ring sumasagi sa utak ko si King.
I miss him.
Bumuntong-hininga ako at paulit-ulit na tiningnan ang huling mensahe niya para sa'kin. Hindi na ulit siya nag-reply sa huli kong message. Baka nga hindi niya pa ito nababasa.
I got up from my bed frustratedly. Walang mangyayari kung maghihintay lamang ako rito. Nagbihis ako at lumabas ng bahay. Naabutan ko pa sa labas si Mama na noo'y abala sa pag-aayos ng puwesto ng mga tanim niyang halaman.
Napalingon ito sa gawi ko nang mapansin niya 'ko.
"Oh, may lakad ka? Tapos na klase niyo, 'di ba?" tanong ni Mama at pinunasan ang mga butil ng pawis na namumuo sa kaniyang noo.
"May nakalimutan akong gamit sa school, Ma. Balik lang po muna ako saglit," pagsisinungaling ko.
"Hala! Eh 'di sige na at bumalik ka na roon. Sinabi naman kasing laging iche-check muna ang lahat ng gamit bago umuwi eh!" pangagaral pa nito sa'kin kaya laking pasalamat ko kasi mukhang napaniwala ko naman ito.
BINABASA MO ANG
King's Delight (Completed)
Novela JuvenilJon Delight Santiago never thought that befriending the guy who once caught his attention would only make him question himself, his choices, decisions, and most importantly... his perspectives on what true love really is. Credits to @youraesthete_ f...