Chapter 01.

134 13 0
                                    




Peterson's POV.

"sanggol ka ba ba't tawa ka ng tawa diyan?" Pagka-usap ko sa kanya nang magising na ako. Kanina wala pa siyang buhok pero ngayon meron na, kaya lalong sumakit ang ulo ko kakaisip kung anong klaseng hayp ba 'tong ipina-alaga sa'kin

tao ba talaga 'to? o baka anak ng engkanto? ewan masyadong mabilis ang pangyayare, sa buong buhay ko ngayon lang ako nahimatay ng dahil pa sa isang sanggol na out of nowhere biglang dumating dito.

humagikhik lang siya habang dinuduro ako, natatawa ba siya sa'kin? o sa mukha ko?

"panit dada" natuwa ako sa tono ng pananalita niya, pero napa simangot agad ako nang ma-realize ko kung anong ibig niyang sabihin, pinag titripan ako ng batang 'to ah!

"panit Shalee" pang gagaya ko sa kanya

Naging seryoso ang mukha niya, muling namula ang mata nito. nangilabot na naman ako sa pangalawang pagkakataon

"biro lang danda kaya ni Shalee" kailangang maging plastik ako ngayon, dahil baka mag transform na lang 'to bigla at maging engkanto

ngumiti siya ulit at pumapalakpak pa ang g*ga

a big headache

a problem

a big responsibility

paano ko pag sasabayin ang kumpanya at ang organisasyon tapos itong batang engkanto na 'to?


"sir Peterson may nag hahanap po sa inyo sa labas" sabi ni aling Delia

"bantayan mo muna si Shalee" tumayo ako mula sa pagkaka upo ko sa sahig. Lumabas ako at nakita ko si William na naka sandal sa kotse niya

"what brings you here?" napa lingon siya sa'kin. Ngumiti pa si loko, na akala niya ngingitian ko rin siya pa-balik, kaya napa-kamot na lang ito sa kanyang ulo


"nahanap na si Max, nahanap na yung anak ng mafia king nasa HQ siya ngayon" dali dali akong pumasok sa loob ng bahay at kinuha ang coat ko. iniwan ko muna si Shalee kay ate Delia

matagal na naming hinahanap si Max, dahil alam ng lahat ng mafia boss sa org na, pilit lang ang pagka panalo ng kasalukuyang mafia king, ako ang nasa top ranking ng mga panahong iyon, pero dinaya nila. t'yaka namin nalaman nang mag tago ang anak ng mafia king kaya nagkaroon kasgad kami ng clue na may kinalaman siya at may alam siya sa kung paano dinaya ng ama niya ang lahat

ang pagkakamali niya lang, nag-pahalata siya umalis kasi siya sa eksaktong araw ng pagkaka-luklik ng ama niya sa puwesto, doon nag hinala ang lahat kung bakit siya nawala

"why did you cheat the polling that happened?" Madiin kong tanong kay Max habang hawak hawak ko ang kwelyo niya

"Dad didn't cheat, he's just better than you!" Binitawan ko siya dahilan para matumba siya sa kinauupuan niya at mapa-subsob sa sahig

Sinapak ko siya sa mukha dahilan para sumuka na siya ng dugo. Tumawa siya nang malakas, at halata namang gusto niya akong inisin sa tawa niyang 'yon. I just washed my face and stopped myself from killing him now! because we still need a lot from him

"itago niyo siya, wag niyong papakawalan" Umalis ako doon dahil baka 'di ako makapag timpi sa gsgo na 'yon. Masyadong malaki ang kasalanan niya kumpara sa buhay niya. Someone like him should not be trampled on the ground

Umupo ako swivel chair, kasunod ko namang na-upo si Willaim at Hana

Si William ang kanang kamay ko, magaling siya sa computers matalino at ma aasahan mo sa lahat. Si Hana naman ang assistant ko, she never disappoint me whatever she does.

"what's the plan?" William asked

"I have many plans" I sparingly answered

"Paano kung makarating sa Mafia king na dinukot mo ang anak niya?" Hana

"There are many of us, we are not the only ones who are angry with him, and if ever. Ibigay niyo siya sa'kin" Sagot ko. Nagka-tinginan naman iyong dalawa


"Pinag-hahanap na ng mga tauhan niya si Max, for sure within 24 hours at pag di nila nakita ang asungot na amo nila, mag rereport na sila kay Mr. Buenaverra" I'm expecting na gano'n nga ang mangyayari. But i will make sure na hindi ako ang malalagasan ng mga tauhan


"I-ready mo lang ang mga tauhan natin" Tumayo sila at nag bow muna sa akin bago lumabas sa aking office

biglang tumunog ang phone ko at agad itong sinagot

"Sir! Si Shalee po! Umiiyak nang umiiyak, pulang pula na siya!" Halatang nag papanic si ate Delia kaya dali dali akong lumabas ng HQ

Sakit ka talaga sa ulo batang engkanto!

Dad's plan is really an extra problem


-MS. ERINE

(EDITING) That baby vampire is my future WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon