CHAPTER 26. The truth will come out

27 3 0
                                    



Lilith Akuji's  POV.

bago ko pa man maputol ang leeg ng taong naka itim na nanggulo dito sa paaralan ay tinanggal niya ang kanyang itim na taklob sa  mukha, bigla ko siyang nabitawan, nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang kanyang mukha nag halo ang luha at pawis sa'kin

matagal din kaming mag kasama sa bahay, ako ang kanilang laman at dugo, pero bakit pare pareho kaming nag lilihim sa bawat isa

pare pareho kaming gumagawa ng mga hakbang, pero mali ito, mali..


"m-mom a-anong ibig sabihin ni-nito" bigla niya akong hinawakan t'yaka kami tumakbo ng mabilis wala kaming makita sa paligid kundi parang mga papel na hinangin, dinala niya ako sa isang liblib na lugar may isang kuweba akong nakita at doon nakita ko si Dad nakatayo sa labas may dala siyang mahabang espada na may dugo pa sa dulo nito

a-ano sila? b-bakit pakiramdam ko nalinlang ako ng kung sino bakit pakiramdam wala pa 'kong alam sa nangyayari

hinawakan ako ni mom sa dalawa kong balikat t'yaka ako tinignan mata sa mata, nararamdaman kong nagagalit siya, gusto niyang mag higanti, ramdam ko ang puot at bigat na nag mumula sa kanya

"ang mga tao sa Neverland ay sinapian ng mga itim na diwata, ginawa nila ang skwelahan na 'yan para makapag ipon ng mga taong walang mana para sapian ng mga matagal ng namayapang diwata, hindi ko sila pinatay buhay pa ang kaluluwa ng mga totoong taong nag mamay-ari ng mga katawan na 'yon nilusob namin ang kuweba na 'to dahil natuklasan naming dito nila tinatago ang mga kaluluwa ng mga sinapian nilang katawan, mabubuhay mo sila mababalik mo ang kaluluwa nila sa mga katawan nila dahil hindi ma aagnas ang katawan nila may basbas ko sila bago ako umalis at ang Dean niyo ang puno't dulo nito"

mas dapat pa lang pag igihan ko pa ang pag hahanap ko ng impormasyon nasa loob na ako, dapat marami akong impormasyon na malaman, matuklasan at hindi lang dapat ako nagsasaliksik, dapat din akong gumawa ng mga hakbang para pigilan kung ano man ang binabalak nila

"bumalik ka na sa loob" may kinuha si mom sa bulsa ng kanyang itim na suot, isa itong patalim, sinugatan niya ang kanyang sarili t'yaka pinahid niya sa suot ko at sa akong mukha pati sa kamay

"sabihin mong na paslang mo ako, mag babantay lang kami ng dad mo h'wag ka ng pupunta dito ng hindi ka na masundan bilis bumalik ka na doon" niyakap ko muna si mom, tinignan ko naman si dad t'yaka kami parehong ngumiti sa isa't isa bago ako tuluyang tumakbo ng mabilis paalis sa lugar na iyon

sadyang kakaiba nga si mom, natuklasan nila ang ganitong bagay kahit wala sila sa loob ng pinag mamatyagan nila, samantalang ako nag hahanap pa ng kasalukuyang impormasyon pero sa mga nalaman ko, sapat na ito para wala ng pang ilagan pa, kung may masasaktan man ako dito sa loob ay hindi ko na dapat ito pag sisihan pa, dahil hindi mga tao ang kasama ko.

pagkabalik na pagkabalik ko sa loob ng school malinis na ang pinag dausan ng kasiyahan kanina wala ng mga dugo at ang mga estudyante ay parang normal lang na nag lalakad, tila ba wala silang pakealam sa nangyari kanina, hindi nga sila mga normal

agad akong pumunta sa Dean's office pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto nakita ko agad siyang naka upo sa swivel chair at may kung anong kinakalikot sa laptop niya

"anong nangyari sa mga bangkay?" hinihingal na tanong ko

"pina linis ko na, dumating ang president ng school fortunately, his secretary notified me immediately" agad akong napa upo sa sofa na nasa harapan ng kanyang desk at umaktong wala akong nalaman tungkol sa kanya

"nahuli mo ba kung sino ang gumawa nito?" tanong nito, tumingin ako sa kanya at ngumiti

"napatay ko na siya itinapon ko ang katawan niya kung sa'n walang makakakita" ngumiti din siya sa'kin, sige lang mag sasaya kayo sa ngayon pero malapit na ang araw na guguho ang pinaka iingatan niyong skwelahan, matatapos na ang kahibangan ng mga diwatang itim na nananamantala ng mga tao.

(EDITING) That baby vampire is my future WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon