CHAPTER 12. Real World

31 7 0
                                    


Shalee's POV.

sa pag lipas ng mga araw, at linggo nanatiling tahimik ang tatlong kaharian na nag sasanib pwersa para makamit ang gusto nilang agawin, sa mga araw din na iyon may mga nakalap kaming impormasyon na lalong nag patibay ng aking kutob na ang mga Delavin ay isang takas sa paaralan ng mga bampira, tinatawag itong Crimson Academy kung saan tinuturuan ang mga maharlikang bampira kung paano gamitin ng wasto ang kanilang kapangyarihan, may kailangan ipasa na test bago ka makapasok dito

bawat bampira na nakakapasa dito ay magkakaroon ng grupo sa loob depende sakanilang abilidad at taas ng grado ang mga grupong ito ay ang Silvana, Delavin, at Krisanta may isa pang grupo na hanggang ngayon ay wala kaming makalap na impormasyon tungkol dito

limang taong pagkaka bilanggo sa loob ng unibersidad ang nang hikayat sa tatlong grupo na tumakas at hindi maging legal o ganap na bampira, dahil dito wala silang katunayan na sila ay legal na bampira o pagala gala lamang, wala silang sariling pangalan o apelido manlang kaya sila ay patuloy na hinahanap ng mga batas sa totoong mundo ng mga bampira, naging takas sila kaya sila napadpad sa mundo ng mga tao, dito sila nag tago dahil alam nilang hindi papayag ang batas sa totoo nilang mundo na may madawit na tao

nalaman ito namin sa pag sisiyasat namin sa mga bagay bagay na natagpuan namin sa loob ng abandunadong bahay ng mga Silvana, ang aking pamilya, kung saan ako nag mula. Inabanduna na nila ito at sa tingin ko ay nag hanap sila ng mga panibagong kuta, nakita ko ang isang libro kung saan nakalagay ang kasaysayan, naka sulat ang bawat detalye kung paano at saan nag mula ang pamilyang Silvana. Isang takas ang aming lahi, walang sariling lesensya hindi ganap na bampira at isa lamang nag tatago sa batas sa totoo naming mundo

gusto kong malaman kung sino ang nag tayo ng unibersidad na iyon, patay na ba siya o buhay. Gusto kong malaman kung nasaan ang totoong mundo ng mga bampira, kung paano sila mamuhay sa legal na paraan, kung naka tayo pa ba hanggang ngayon ang unibersidad kung saan nag mula ang lahi ng mga takas

"sobrang nakakapagod" bumagsak si Hana sa sofa kakatapos lang namin basahin ang buong libro pero pagod na pagod na agad siya, habang ako patuloy na lumalawak ang kuryosidad sa utak

"kailangan pa natin may mahanap na impormasyon" sabay tayo ko sa sofa "wala tayong dapat palagpasin" saad ko habang nag lalakad papunta sa underground andoon ang mga bagay, kagamitan na nakuha namin sa lumang bahay ng aming pamilya, gusto kong pag aralan ang mga ito

"Shalee mag pahinga muna tayo, isang linggo na 'kong walang tulog!" sigaw nito mula sa taas habang nag susuot ako ng gloves sa kamay

"ikaw na lang ang mag pahinga!" sigaw ko "kailangan ko muna itong tapusin"

sinuri ko ang kakaibang lagayan ng alahas na ito, pag angat ko sa pagkakalapag nalaglag ang maraming litrato, black and white na ang mga ito, siguro sa tagal na ng panahon

nakita ko si ina at ang mga kaklase nito, class picture ito kung hindi ako nagkakamali. Sa pagsusuri ko sa larawan walang flash ang ginamit na pang picture dito, orihinal lamang na liwanag ng lugar ang nagsisilbing ilaw.

may isang babae ang nag pukaw ng aking atensyon, pamilyar siya sa'kin, may mahaba siyang buhok na halos umabot na sakaniyang paa, naka dress ito na mahaba at may mahabang manggas naka lutang siya sa ere at may mga bulaklak na nakapaikot sa kaniyang ulo. Mali isa siyang diwata

sino ang babaeng ito, kung isa siyang diwata paano siya nakapasok sa unibersidad kung gayo'ng ang puwede lamang na pumasok at makapasa dito ay ang mga bampira lamang

kinuha ko ang mga larawan at umakyat na muli sa taas, iimbestigahan ko pa ang lahat ng mga pangyayari, bawat detalye ay hindi dapat palagpasin

"love" aakyat na sana ako sa hagdan papuntang kuwarto ng tawagin ako ni Peterson

(EDITING) That baby vampire is my future WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon