CHAPTER 06. love is poisonous

73 8 0
                                    

Shalee's POV.

nasa beach house kami ngayon nila dad. he said, let's take a vacation and relax before we race, habang nandito kami ay pagpaplanuhan na namin lahat.

mas maayos dito.. malayo sa kabahayan nakaka relax ang buong paligid hindi amoy usok gaya sa siyudad, higit sa lahat dama mo ang kalayaan.

"why are you alone here? ano na namang tumatakbo sa isip mo?" tanong ni Peterson sa'kin. naupo naman siya sa batong inuupuan ko na nasa dalampasigan.


"wala naman i just want to be alone because it's beautiful here" sagot ko


"I didn't fulfill what I said na.. I'll take you to the place you want" ayos lang naman sa'kin kahit hindi natupad ang sinabi niya, mas importante ang misyon namin kaysa sa mag gala at mag libot sa kung saan saan. Mas importante ang mama at papa ko.

"it's okay, marami pa namang susunod na mga araw o buwan o baka naman taon" we both laughed

"sorry for what happened, i hurt you. Si Mia ngayon wala nang lugar sa puso ko, hindi na dapat kita sinaktan nang sabihin ko sa'yong mahal ko pa din siya, kung kaya ko naman pala baguhin ang nararamdaman ko" napa yuko siya. tumingin ako nang saglit na may ngiti sa kanya t'yaka itinuon ulit ang paningin sa dagat na papalubog na ang araw.


"ano ka ba ayos lang naman sa'kin 'yon, hindi ko masyadong dinadamdam ang pagka bigo. we have more to prioritize" I smiled at him


"magiging honest na ako sa'yo, i have no feelings for you Shalee" bahagya akong napa yuko sa pagka dismaya. alam kong mahirap dahil bago pa lang kaming nagka-kilala kumpara sa pinag samahan nila ni Mia.

ayos lang, hindi ito ang aking prayoridad marami kaming dapat asikasuhin hindi dito hihinto ang lahat

"mas mabuti na naging tapat ka sa akin, mas matatanggap ko" lumusong ako sa dagat at lumublob. pag ahon ng aking ulo ay nakita ko si Peterson na naka tingin lang sa akin.


"tara sayang naman ang dagat kung hindi natin liliguan" pag aaya ko sa kanya

"there might be jellyfish" napa irap na lang ako sa ere

"walang jellyfish dito t'yaka kung meron dalawa naman tayo e" saad ko


"no i will not go down there" tinalsikan ko siya ng tubig t'yaka napa awang ang kaniyang labi, never pa ata naka ligo ito ng dagat.


"dali na, minsan lang 'to. you should try it!" pang hihikayat ko sa kanya.

"hulaan ko, hindi ka pa nakakaligo ng dagat" tanong ko sa kanya, he swallowed.

"n-no ofcourse, but I'm not afraid of jellyfish"

"e 'di samahan mo ako para patunayan iyan" dahan dahan niyang sinawsaw ang kaniyang paa, kaya agad akong lumapit sa kanya at hinila siya

"Shalee!! what the f*ck are you doing!" aakyat sana ulit siya sa bato ng hilain ko ulit siya pabalik, tawa lang ako ng tawa habang pinapanood ang mukha niya na parang tinotorture.

sa kaka-hila ko sa kanya nawalan na siya ng pag asa, kaya naka simangot siyang tumingin sa'kin, habang nakalublob sa hanggang dibdib na tubig.

"I swear, you'll hate me later" napa wow ako sa sinabi niya

"Are you going to do something?" tanong ko

"yes, paparusahan kita sa pang totorture mo sa'kin!" natawa na lang ako imbes na matakot

"e 'di gawin mo, haha! kung mahahabol mo 'ko" lumangoy ako sa malayo at pag hinto ko kitang kita ko ang galit na galit niyang mukha

"I do not know how to swim!" tawa lang ako ng tawa hanggang sa hindi na maipinta ang kaniyang mukha, masaya pala pag laruan ang 'gaya ni Peterson.

"suko na 'ko! paahunin mo na 'ko Shalee may gumagalaw sa paa ko!" naglalakad siyang lumapit sa akin at naramdaman kong naka hawak siya sa kamay ko sa ilalim ng tubig.

mukha ngang may trauma ang isang 'to, nais kong malaman.

"bakit takot na takot ka sa dagat?" simple kong tanong sa kanya.


"my mom died on the ship we were on. she saved me, siya ang nasunog sa loob ng barko habang ako pinatalon niya na. nabagsakan siya ng bakal na umaapoy and I can't do anything at all bata pa ako no'n e" bigla akong na konsensya sa ginawa ko

may malalim naman pala siyang dahilan kaya ayaw niyang maligo sa dagat, he was traumatized by what happened.


"i'm sorry, hindi ko naman alam na gano'n pala ang nangyare"

"no it's okay, gusto ko mag thank you sa'yo because of what you did, I learned that there is nothing to fear in the sea, ang nangyari kay mom was just an accident"


"thank you" ngumiti ito sa'kin, habang ako tuluyan ng nahulog sa ngiti niya, nakatulala lang ako sa kaniyang maamong mukha. Paano ko malilimutin ang isang 'gaya niya kung patuloy lamang akong nahuhulog..






"MIA NAPAG USAPAN na natin 'to hindi ba?we're done, and I don't have any feelings for you anymore, I'm getting married" naka tago lang ako sa likod ng pinto dito sa kuwarto ni Peterson, papasok na sana ako para sana yayain si Peterson mag meryenda nang bigla kong narinig na nag uusap sila ni Mia.

"I still love you Peterson, i will never forget you no matter what i do" sigaw ni Mia


"sorry Mia pero ikakasal na ako kay Shalee"


"hindi mo naman siya mahal diba!" parang dinurog ang puso ko. alam ko namang walang nararamdaman si Peterson para sa akin pero bakit kailangan itong paulit ulitin.


"yes, but I want to love her, I want to try" parang may kung anong pumalakpak sa aking puso dahil sa sinabi niya. hindi ito ang unang beses na narinig ko ang mga katagang iyan sa kanya pero, ang sarap lang isipin na sa harap mismo ng nag nanais sa kanyang babae niya ito sasabihin

nakarinig ako ng yabag tila palabas na ito, kaya umatras ako at bumukas ang pintuan, iniluwa no'n si Mia na umiiyak, tumingin siya sa'kin at sinamaan ako ng tingin.


"Shalee" narinig kong bigkas ni Peterson ng tuluyan ng maka labas si Mia


"I'm sorry, you shouldn't have heard all that" lumapit ako sa kaniya at yinakap siya


"It's okay Peterson, I understand you. you don't have to explain anymore, whatever I heard you just told everything" yinakap din ako nito pabalik


"I just want her to know that she has no hope for us anymore. because I want to love you, I want to try to love you Shalee" mapait na lang akong napa-ngiti

hindi pa puro ang nararamdaman niya.. gusto niya pa lang, gusto niya pa lang na mahalin ako. Paano kung hindi siya mag tagumpay na mahulog sa akin? tapos ako umaasa na mamahalin niya din, saan nga ba patungo ang ninanais ng aking damdamin, saan ako dadalhin ng aking nararamdaman? mali ba ito o dapat kong ipag-patuloy?

nagugulumihanan ako, dahil alam kong delikado pa din ito. maaaring mabali namin ang propesiya kapag nagkataon. dalawa lamang ang kakahinatnan ng mga ito, posibleng matupad ang nasa libro at mag tatagumpay ang misyon, o mababali ang nasa propesiya ng dahil sa isang kahibangan.




SOMEONE'S POV.

babaliin ko ang propesiya, hindi puwedeng mahadlangan ninyo ang plano naming mga Delavin na sakupin ang mundo. sa amin ang mundo! walang mabubuhay na mga tao, wala silang karapatan manatili sa mundo dahil mahihina sila! wala silang kakayahan 'gaya nang sa amin. madali lang silang utuin at paikutin.

kailangan kong maka punta sa mundo ng mga tao, i will love you in such a way that when I succeed, the prophecy will be broken. Especially since I know that the one you love is only hoping for you, the timing of what is happening is very good, fate is in me.

mamamatay lahat ng tao, juntos conquistaremos el mundo mi querida Shalee (sabay nating sasakupin ang mundo Shalee)

(EDITING) That baby vampire is my future WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon