CHAPTER 08.

41 7 0
                                    



William's POV.

"hide all the guns and bullets as well as the knives. we're going to invade now!" nag papanic na sabi ni Master. kakadating niya lang galing company mukhang may nasagap siyang impormasyon na siyang nag udyok sa kaniya para sumugod kami ngayon sa kuta ng mga Delavin.


"bakit a-anong nangyayari?" Pati si Hana natataranta na rin.


"take it easy everyone! we will rush to them!"
sigaw ni Master


"yes master!" we said together while saluting our chestsz


"Hana sumunod kayo ni Shalee. puntahan mo siya sa mansyon" nauna na kaming mag maneho ni Master, mabilis niya itong minamaneho na parang wala itong nakikitang mga sasakyan. niliko niya bigla ang sasakyan at umakyat sa di kataasang bundok, patay na kalsada itong dinaanan namin.

marami nang bitak ang kalsada na talagang madalang na lang daanan ng mga sasakyan. ang bundok ay napaka masukal matatayog ang mga puno at talagang alagang alaga ang mga ito.

sa 'di kalayuan natanaw namin ang abandonadong mansyon, kulay itim ang malaking gate at tabingi na ang isa na parang lumang luma na. biglang lumiyab ang apoy na nag sisilbing ilaw nito sa labas.


medyo kinakabahan ako dahil hindi ko sigurado kung mag tatagumpay ba kami sa aming plano. nang medyo malapit na kami niliko ni Master ang sasakyan at tinago ito sa matataas ang damo, aantayin muna namin sila Shalee at isasagawa na namin ang plano.


ang mga tauhan ay nandito lang sa kabundukan natatanaw nila kami para kung sakali alam nila ang kanilang susunod na hakbang.

"Peterson" halos mauntog ako sa salamin ng sasakyan ng biglang lumitaw sa back seat sila Hana at Shalee.

t*ina kung saan saan lumilitaw parang mga kabute.


"let's go" lumabas si Shalee at Peterson at mabilis silang nag laho, nagka tinginan na lang kami ni Hana pa'no kami?


"ano? ba't hawak ka nang hawak sa damit ko? naduduwag ka nanaman ba?" Nakataas pa ang kilay niya sa'kin. Anong naduduwag? Hindi ba puwedeng kinakabahan lang?


"t*nga hindi nangungulangot ako pinapahidan lang kita" bigla niya akong hinampas. Tatawa tawa naman ako sa kaniya.


"ano ba nasa misyon tayo umayos ka nga!" tinakpan ko agad ang bibig niya at hinila siya payuko sa mga damo, may mga grupo ng mga bampira ang lumabas mula sa mansyon na abandonado, lahat sila ubod ng puputi biglang nahiya 'yung balat ko.


"ang puputi nila" pabulong kong sabi

tinanggal naman ni Hana ang pagkakatakip ko sa bibig niya.


"andito tayo para patayin lahat nang 'yan hindi para mag imagine ka diyan na sana ganiyan ang kulay mo" naiinis niyang sabi ngunit pabulong. Napaka KJ niya talaga kahit kailan.


"oo na oo na, manahimik ka muna susumahin ko kung kaya natin sila" saad ko



"kaya natin sila. isipin mo sila Peterson nasa loob sila at ang mismong mga amo ng mga iyan ang kakalabanin nila, tayo pa kaya na mga jalalay lang nila ang papatayin natin" napa tango tango ako, tama siya


"anong gagawin natin?" tanong ni hana


"aantayin natin ang hudyat nila Peterson. Kapag nakuha na nila ang libro t'yaka tayo susugod para ubusin ang mga nasa harapan, para hindi tayo mahirapan tumakas mamaya" Napa buntong hininga naman siya sabay tumango tango. Pati ako napa-buntong hininga na rin.




(EDITING) That baby vampire is my future WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon