Shalee's POV.
napaka gandang pag masdan ng paligid, makikita mo ang dalawag klaseng kulay lamang, para akong nasa maka lumang panahon, walang sasakyan tanging karwahe lamang may mga iilang bilihan ng damit sa paligid, may fountain na walang tubig may punong mga tuyo't maraming laglag na itim at puting dahon
narinig ko ang trumpeta at tambol na paparating, may malaking karwahe, at kung hindi ako nag kakamali sa aking nakikita, siya nga si reyna Shalira, maraming bampira ang nagsi datingan mga lobo na umaalulong
"Shalee sino siya" tanong sa'kin ni Hana
"siya ang sinaunang reyna" huminto ang karwahe sa aking tapat, bigla itong tumingin saakin at nag bigay ng malawak na ngiti
mukhang alam niya ang aking pag dating
"maligayang pag babalik sa ating mundo aking katawan at kaluluwa sa kasalukuyan, sumakay kayo dadalhin ko kayo sa palasyo" tinignan ko sila Peterson senyales na sumunod-tayo-sa-utos-ng-reyna dahil kung hindi kami susunod tiyak akong igagapos kami, mabuti sana kung ako lang ngunit may mga kasama ako
sumakay na kami sa karwahe nakita naman namin ang mga bampira na nag bubulungan, marahil ay nag tataka sila kung sino ako
"anong sadya mo at dumalaw ka sa iyong mundo" tanong nito, nasa likuran niya kami, pero kahit naka talikod siya saakin nararamdaman ko ang malawak niyang pag ngisi
"nandito ako para kausapin ka" diretsa kong sagot
"ano ang aking maipag lilingkod aking katawan at kaluluwa sa kasalukuyan" pagkakataon ko na ito hindi ko na dapat palagpasin
"nais kong maging reyna sa mga takas man o sa totoong mundo depende kung saan mo ako nais ilagay" saad ko
bigla itong tumawa ng napaka lakas
"anong akala mo sa mundong ito Shalee, hindi gano'n kadali ang iyong nais, nasa propesiya nga, na ikaw ang magiging reyna sa lahat ng lahi, sa mundong ito o maging sa kabilang mundo ngunit natanong mo ba sa iyong sarili kung papayag ako?" nararamdaman kong lumalakas ang mana sa kaniyang katawan, nag hahanda siya ng pag lusob, uunahan niya ako
"hindi ako mag mamakaawa na ibigay mo iyon saakin ngunit pag sisikapan kong malaman ang totoo kung bakit ayaw mong mag bitiw sa iyong trono kung bakit lahat ng itinakdang reyna ay iyong pinapatay" lalo itong nag init na para bang kahit anong oras ay sasabog na siya, tama, gan'yan dapat ang iyong maramdaman
"totoo ngang ikaw at ako ay iisa, pero sana pumasok sa iyong utak na ang pangalawang pagsasalin ng kapangyarihan ay mas higit na malakas ang nauna" saad nito
"ngunit hindi pagsasalin ang tawag sa naganap na ito, kundi pagka buhay ng magiging bagong reyna na tatalo sa'yo" akmang hahawiin nito ang akong ulo ng itulak ko siya, tumalsik siya sa malayo ngunit agad din niyang napigilan ang pag bagsak niya sa lupa, lumabas ako ng karwahe at lumutang sa ere upang sabayan ang bawat gagawin niyang galaw
naririnig ko sa baba na nilulusob sila Peterson ng mga tauhan ng bruha na ito, pero alam kong kaya nila 'yan. Para saan ang pag eensayo namin kung hindi ito magagamit sa labanan
"matabil ang iyong dila takas na itinakda" nang gagalit na saad nito
"matabil din ang iyong dila hindi ba, para ka lamang nananalamin" nakipag habulan ako sa kaniya sa ere nakita kong lumabas ang matatalim niyang kuko kaya nag isip ako na may lumabas na espada sa aking kamay, pag mulat ng aking mata ay may lumitaw na espada at hawak ko na ito
"magaling, pinag handaan mo nga ang araw na ito" may espada ding lumabas sa kaniya at nag espadahan kami sa ere halos tabla ang laban dahil nasasalag niya lang lahat, paano nga ba matalo ang isang malakas na gaya niya
"itigil niyo 'yann!" napa hinto kaming lahat ng may sumigaw mula sa baba pati ang mga tauhan ni bruha ay huminto din
"a-ama" dahan dahang bumaba sa ere si Shalira parang nanlumo siya
"pasensya ka na mahal na reyna pasaway lamang talaga ang aking anak, hindi niya kasi tanggap ang iyong pagbabalik" bumaba ako sa ere at nilapitan sila Peterson
"ayos lang ba kayo?" tumango lang sila
"mahal na reyna nais niyo na bang pumunta sa iyong palasyo may hinanda kaming surpresa para sa pag dating ninyo" sumakay na lamang kami sa karwahe at pinagmaneho pa kami ng ama ni Shalira habang si Shalira ay lumipad na lamang pauwi sa palasyo
ibig sabihin, noong papunta pa lang kami ay alam na nila. pagka rating namin sa palasyo nasa labas pa lang kami ay nakita na namin ang naka helerang bampira at mga lobo bumaba kami sa may carpet na itim
umungol ang mga lobo, at tumunog ang mga trumpeta at tambol gumawa ito ng napaka gandang tunog sa aking tainga. Nag lakad kami papasok sa palasyo, nakita ko si Shalira na nakaupo sa trono
"umalis ka riyan Shalira" saway ng kaniyang ama
"ayos lang hindi din kami mag tatagal nais ko lamang siyang makausap ng masinsinan" sagot ko
"ANO ba ang iyong nais malaman?" tanong ni Shalira
"nagkaroon ako ng panaginip, ikaw pinaparusahan mo ang aking ina at ang kaniyang mga kaibigan pinaluhod mo sila sa munggo dahil sa pag tangka nilang pag takas"
"dala mo ang libro?" tumango ako sa kaniya sabay inabot ang libro ng propesiya
"Kaokao ako ito ang iyong ate nais na kitang makita maaari ka bang lumabas?" bulong nito sa libro, tama pala ang sinabi ng ama ni Peterson, may diwata ngang nangangalaga sa loob ng libro, at kapatid ito ng sinaunang reyna
bumukas ang libro at lumabas ang isang diwatang napaka ganda, kumikinang ito sa kaputian, naging kasing laki namin siya ng pumitik si Shalira ng dalawang beses
"si kaokao ang aking kapatid, pinili ka niya maging bagong pinuno, ngunit palagi kaming nagtatalo ni kaokao na kung maaari ay ako na lang ang maging reyna minahal ko na ang ating lahi, ngunit nahanap ko na ang aking kasing lakas kaya makakampante na akong iwan ito sa bagong itinakda" saad nito
"maraming salamat kung gano'n ang iyong desisyon, ngunit maaari bang tawagan niyo ako kapag nagkaroon ng hindi magandang pangyayari dito. Dahil babalik din ako sa mundo ng mga tao upang tapusin ang laban na sinimulan ng tatlong takas na kaharian" napa isip si Shalira
"ibig mo bang sabihin ang mga Silvana, Delavin at Krisanta?" tumango ako sa kaniya
"kung gano'n ako muna ang mamamahala habang wala ka, makakaasa kang aayusin ko ang aking tungkulin at kung may mabigat man na suliranin ay akin itong ipapaalam sa iyo"
"aasahan ko ang iyong pangako, mauuna na ako at may kailangan pa akong asikasuhin" tatayo na sana ako ng hawakan niya ang kamay ko
"ingatan mo ang aking kapatid nawa'y hindi ka maging tulad ng iyong ina" ngumiti ako sa kaniya
"makakaasa ka" binuklat ko na ang libro at pumasok na ulit doon ang diwata na kapatid ni Shilara, ngumiti muna ako sa kaniya bago tuluyang umalis, hinatid ulit kami ng karwahe sa malaking pader na itim, t'yaka kami doon lumabas ng banggitin ko ulit ang spell
hindi man maganda ang una naming pag tatagpo ngunit naayos namin ito dahil iisa lang naman ang aming layunin ang mapasaayos ang mundo saaming lahi, masaya akong may basbas na ako bilang maging ganap na reyna saaming mundo, ngunit bago ko iyon gampanan ay dapat maisaayos ko muna ang mundo ng mga tao
kailangan kong pigilan ang gusto ng tatlong kaharian na iyon na sakupin ang mundo at pumatay ng mga tao, hindi puwedeng pabayaan ko sila dahil maraming tao ang mapapahamak ng dahil lang sa pagnanais nilang mapasakanila ang mundo ng tao
"kamusta ang usapan niyo?" tanong ni Peterson habang nag lalagay siya ng lotion sa paa ako naman nakahiga na sa kama
"pumayag na siyang bumaba sa trono niya at ako na ang papalit" tumingin ito saakin at ngumiti
"masaya akong nakikita kang masaya" nilahad ko ang kamay ko senyales na niyayaya ko siya tumabi saakin, agad naman niya iyong inabot at tumabi saakin sa pagkakahiga, naka yakap ako sa kaniyang katawan habang niyayakap niya ako ng buo
"when everything goes well, I will marry you in any church or even in your world, I promise that" ngumiti ako sa kaniya at yinakap siya ng mahigpit
kapag naging maayos na ang lahat, mangyayari ang ninanais nating dalawa
BINABASA MO ANG
(EDITING) That baby vampire is my future Wife
Mystery / Thriller"kailangan mo lang maniwala, wala namang mawawala kung papaniwalaan mo ang sa palagay mong posible"- L.A the Delavin family does not allow the Silvana family to have another baby girl because it was stated in the prophecy that the baby girl Silvana...