CHAPTER 27. Final Explosion

22 4 0
                                    



Lilith Akuji's POV.

"mamayang gabi bubuhayin na nila ang bangkay na matagal na nilang tinatago, dapat maipaalam mo agad ito sa mga magulang mo Akuji" saad ni Adame


"saan mo ito nalaman?" tanong ko, naka upo kami ngayon dito sa harap ng mesa na pabilog, ito 'yung lumang bahay na pinag dalhan sa'kin ni Helly

"narinig ko si Dean kanina may kausap sa loob ng office niya, ang sabi nila mamaya nila binabalak paslangin ang lahat ng estudyante sa Neverland, kukunin na nila ng tuluyan ang mga katawan na sinaniban nila" agad akong na alarma, hindi puwede kailangan ko silang iligtas, nasa kamay silang lahat ng spell na ginawa ng mga itim na diwata, hindi ko alam kung pa'no ito mapapa walang bisa, tatanungin ko si mom tungkol dito


"gawin niyo ang lahat para ma libang ang Dean siguraduhin niyong walang kahit isang lalabas ng Neverland" tumango silang lahat sa sinabi ko, at'yaka tuluyang umalis

dali dali akong lumabas para umuwi sa bahay, nag hahanda na sila ngayon sigurado ako, para paslangin ang lahat ng estudyante, ngayon pa lang iniisip ko na kung saan at paano nila iyon magagawa, sigurado akong pinagplanuhan nila ito ng matagal na panahon

wala din akong ideya kung bakit kailangan pa nilang patayin ang mga katawan ng taong sinaniban nila kung ang tanging gusto lang naman nila e ang malayang makagalaw dito sa mundo ng mga tao, bakit nila papatayin ang katawan na sinaniban nila? nag bago kaya ang plano nila? o may iba pa silang binabalak

"sigurado ka ba sa impormasyon na 'yan?" tanong ni mom

naka upo kami nila dad, mom, tito William, tito Leviathan, at tita Mia sa sofa dito sa sala habang ang mga tauhan ni dad ay naka posisyon na sa Neverland, cocontakin nila si dad kapag naramdaman na nilang mag uumpisa na ang balak ng mga kalaban

"may mga estudyante sa Neverland ang hindi nasaniban ng mga itim na diwata, at lahat po ng iyon ay nag imbestiga, nito ko lang din po nalaman"  sagot ko kay mom

"it is better if we wait for a signal, before we attack. in the few months of everyone's training, I saw their changes, especially your mom.." I turned to mom, nakita kong namumula ang mga mata niya, alam kong naubos ang iba naming lahi dahil sa mga taga Neverland, ang mga diwata ang mortal na kalaban ng mga bampira

parehong malalakas at may iba't ibang katangian, pero nasisiguro ko gaano man kalakas ang kalaban, ang tama pa rin ang magwawagi sa huli

wala pang tatlong minuto ng pag aantay agad ng nag salita ang isa sa mga tauhan ni dad sa walkie talkie

"boss may nilalabas silang isang bangkay sa tingin ko uumpisahan na nila ang gagawin nilang orasyon" saad nito

"sige papunta na kami" hinawakan ni tito Leviathan si tito Max at tita Miya t'yaka kami nag teleport kung saan naka puwesto ang mga tauhan

"boss may bangkay silang nilabas kanina at pumunta silang lahat sa likod ng school, lahat ng estudyante ngayon ay nandon" paliwanag ng isa sa mga tauhan ni dad

tumunog naman ang walkie talkie ni dad

"nandito na silang lahat boss sa likod, 'yung bangkay pinapaliguan na nila ng dugo ng ha*op, at may isang babaeng naka itim may korona siya sa ulo at nag sasalita habang nakatingin ito sa bangkay" kung hindi ako nagkakamali, siya ang reyna ng mga diwata.

nag teleport kami kung nasa'n ang mga tauhan ni dad sa parteng likod ng school kung saan ginaganap ngayon seremonya ng tuluyang pag angkin nila sa mga katawang kanilang sinaniban 

"ialarma mo lahat ng tauhan, sabihin mo sa kanila na siguraduhing walang makakalabas" tumango ito sa'kin bilang tugon

"sino ka!" napa lingon agad ako ng may narinig akong sumigaw, nakita ko na lang si mom sakal sakal niya na ang Dean

(EDITING) That baby vampire is my future WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon