EPILOGUE

48 4 0
                                    



Lilith Akuji Silvana Viamo's POV.

Nakaalis ako ng bansa ng matiwasa'y at walang halong pangamba na baka may panganib ulit na nag babanta sa aking ama at ina, nasa tunay na namin silang mundo doon sila nanirahan upang mapatakbo nila ang mundo namin ng maayos, sa ngayon sila mom and dad ang nag sisilbeng hari at reyna sa tunay na mundo naming mga bampira, si ama at ina  ay tinanggap na ang pagiging ganap nilang hari ay reyna

si ama ang kauna-unahang d.monyo na nakapasok sa loob ng aming mundo, dahil ang mundo namin ay nababalutan ng isang napaka lakas na mana kung saan, tanging malalakas na tao lamang at may sapat na mana sa katawan ang makakapasok sa loob, kaya galak na galak ako ng mabalitaan ko ang masayang pagdiriwang nila roon, ngunit masaya din naman ako sa aking desisyon na mag aral at maging masaya, subukang mamuhay bilang isang normal na tao sapagkat ito ang ninanais ko

ang mamuhay ng normal, maging masaya at higit sa lahat ay ang kapayapaan.

"ano ba bakit nag mamadali ka naman masyado" saway sa'kin ni Helly, ngayon kasi ang uwi ko sa pilipinas, halos sa isang maleta puno lang ng tsokolate at iba pang pagkain ng mga normal na tao, nasarapan naman ako sa mga pagkain nila, pero tuwing nais kong uminom ng dugo na sariwa ay sa hospital ako bumibili

"natural sa loob ng apat na taon, sa wakas makakauwi na din ako sa'min" masaya kong sagot sa kanya, lumuhod naman ako at pilit na sinisiksik ang mga damit ko sa isa pang maleta, umupo naman si Helly sa kama na nasa bandang kanan ko lang

"sana lang talaga may sumalubong sa'kin sa airport" malungkot na saad nito, naka tuon lang ang mga mata ko sa mga damit kong sinisiksik ko sa maleta pero nakikita ko sa gilid ng mga mata ko na malungkot ang kanyang ekspresyon at bumagsak ang kanyang balikat dahil sa kanyang sinabi

"maniwala ka sa'kin na-miss ka nila kaya panigurado akong ando'n sila para sunduin ka" sagot ko sa kanya para tumigil siya pag mumukmok

ng matapos kaming mag handa ng mga dadalhin namin pauwi, ay agad kaming sumakay sa public transportation dito, hanggang sa maka rating kami sa airport at doon pinakita namin ang passport namin para makapasok na kami sa loob ng eroplano

simula nu'ng dumating ako dito nag iba talaga ang pananaw ko sa buhay, ginusto ko ng mamuhay bilang tao, gusto ko ng maging isang tao, ngunit alam kong hindi ito maaari sapagkat kalahating d*monyo at bampira ang aking pagkatao  walang kahit anong dugo ako ng isang tao

madalas naman akong tawagan nila mom and dad pero iba pa din 'yung nakikita ko sila at nahahawakan, isang taon pa lang ako noon na nandito gusto ko na agad umuwi, muntikan ko ng 'di kayanin ang pangungulila, buti naka suporta si mom and dad at pinaalala saakin kung ba't ako nandito at kung anong totoong intensyon ko, nag bigay iyon ng lakas ng loob ko para mas maging matatag pa habang nasa malayo ako

at dumating na ang takdang oras para bumalik ako kung saan ba talaga ako nararapat, kung saan ba talaga ako nag mula

matapos bumaba sa pilipinas ng eroplanong sinasakyan namin, nag hiwalay agad kami ni Helly at nagpasya akong pumunta sa lugar kung saan ang daan patungo sa tunay na mundo ko

ang mundo naming mga bampira makikita ko na..

humawak ako sa pader na itim na nasa kalagitnaan ng kagubatan, at sinambit ang orasyon upang makapasok ako sa loob ilang minuto lang ang lumipas at unti unti ko ng nararamdaman na may kung sinong humihila sa'kin patagos sa mataas na pader, pumasok ako sa loob at nasilaw ako sa liwanag

bumungad sa'kin ang mga bampirang mga naka itim sa suot, at tanging kulay itim at puti lang ang kulay na aking nakikita maging ang kalangitan ay puti lamang ang araw ay itim, ang mga kabahayan at mga tao

(EDITING) That baby vampire is my future WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon