Peterson's POV.
"What if we go on vacation?" They all looked at me and stopped their analysis, si Shalee may suot na gloves at may hawak na magnifying glass, si Hana naman sandamakmak na papel at libro ang binabasa si William naman patuloy na hinahanap ang location ng tatlong takas na kaharian at nag ririsearch, habang si Leviathan nililinisan lahat ng kagamitan namin na may pangontra sa mga bampira, iniiwasa lang ni Leviathan na masugatan dahil posible din siyang mamatay dahil isa din siyang lobo, nasa underground lahat na ginawa naming meeting room lahat ng importanteng kagamitan ay nandito.
"tama" saad ni Hana, nag tayuan silang lahat at sabay sabay na bumuga ng hininga dahil sa pagod
"are you all okay?"
"mukha ba?" Shalee
"Halata ba?" Leviathan
"medyo siguro master" Hana
"ewan" William
sabay sabay nilang sabi, nag kibit balikat na lang at tinalikuran sila
"don't worry nag impake na 'ko ng mga damit niyo, sasakay na lang kayo sa kotse" bigla naman silang nag ingay habang paakyat kami sa hagdan
"salamat, makakapag pahinga din" sabi ni Hana habang nag uunat
"oo nga sobrang pagod na lagi kang nakatutok sa computer ewan ko na lang kung matalo pa tayo ng mga halimaw na 'yo-" biglang binatukan ni Leviathan si William
"baka nakakalimutan mong bampira din ang dalawa mong kaibigan" saad nito na may halong pagbabanta
"mag hinay hinay ka, kung ayaw mong mawalan ng kamay at paa" saad ni Shalee sabay nauna na saamin umakyat, nakita ko naman si William na napalunok kahit walang kinakain
"master, iligtas niyo 'ko sakanilang dalawa" pag hingi nito ng tulong sa'kin, kibit balikat lang ang sinagot ko sa kaniya
pagkarating namin sa labas sumakay agad ang lahat sa kotse, naiwan ang mga tauhan ko sa bahay dahil may mga bandido nung nakaraan na nangahas nakawan ang bahay, kaso mali ang pinasok nilang bahay, ayon sinipsip nila Shalee at Leviathan ang mga dugo nila bago pinaanod sa ilog, nakita ko na si Leviathan noon na naging lobo nag iikot siya sa kabundukan at may nakikita raw siyang bahayan sa malalayong lugar ng bundok, siguro mga matatagal na iyon dito, pero hula ko sila ang mga bandido na nangangahas kaming nakawan, kaya hindi puwedeng walang iwan sa bahay baka pag balik namin wala na kaming gamit kahit kurtina
"tumigil ka na nga! napaka harot ng pagkatao mo!" sigaw ni Hana kay William
"ano ka ba sumasandal lang naman sa'yo, napaka sensitive mo naman akala mo ganda mo" napa awang ang labi ni Hana at sabay hinampas si William sa hita
"ang kapal ng mukha mo ah, pwes h'wag mo 'ko kakausapin" akmang hahawak si William sa kamay ni Hana ng pigilan siya nito "Hep! hep! h'wag kang hahawak sa'kin nandidilim paningin ko sa'yo" napa yuko na lang siya na para bang batang hindi nabigyan ng limang piso
"sa'n ba tayo pupunta?" tanong ni Leviathan
"cinontact ako ng secretary ko sa office, she said that there is a gathering of all the top 10 rich or thriving businesses in the world, gaganapin daw sa Italy"
"ITALY?!" sigaw nilang lahat, napa pikit naman ako sa lakas ng boses nila
"oo bakit?" tanong ko sakanila
"akala ko one day lang tayong mag papahinga?" saglit na nanahimik lahat, ayaw nila ng mahabang bakasyon?
"buti na lang nagka gathering kayo sa italy makakapag bakasyon din ng matagal" napa iling iling na lang ako kay William akala ko mag rereklamo siya e, babawasan ko talaga ang sahod niya
ilang oras pa ng makarating kami sa airport sakto naman dahil ilang minuto na lang aalis na daw ang sasakyan naming eroplano, we were given the first class ticket, so we boarded the plane
halos 17 hours and 30 mins ang tinagal ng biyahe dahil sa rome kami bumaba, sumalubong agad samin ang secretary ni Mr. Bueno
"Benvenuto in Italia Sig. Viamo" (maligayang pagdating Mr. Viamo)
"molte grazie" (maraming salamat)
"Il signor ti sta mandando da me. Bene, ora tutti gli amministratori delegati vengono prelevati da ogni membro dello staff di Boss, quindi aspettati di arrivare sano e salvo a destinazione"
(ipinapasundo po kayo saakin ni Mr. Bueno, lahat po ng CEO ngayon ay sinusundo ng bawat tauhan ni Boss, kaya asahan niyo po na makakarating po kayo ng ligtas sa destinasyon)pumasok kami sa Bugatti na dala niya, hindi na ako magtataka kung ganito nga kayaman si Mr. Bueno pang sundo lang sakaniya ang isang Bugatti
"walang mas yayaman sa'yo boss" napa ngisi lang ako kay William
sa top 10 ranking pangalawa lang ako nangunguna pa rin si Mr. Bueno, halos lahat ng business niya nasa iba't ibang panig na ng mundo
"per prima cosa alloggerai nell'hotel sopra il luogo in cui si terrà il raduno, lì sarà tutto completo. Ha qualcos'altro da ordinare al sig. Viamo?"
(tutuloy po muna kayo sa hotel sa itaas ng place kung saan gaganapin ang gathering, lahat po doon kumpleto. Wala na po ba kayong iuutos Mr. Viamo?)"non più, e grazie per esserti preso cura di noi"
(wala na, at salamat sa pag aasikaso saamin)pag dating namin sa hotel inassist agad kami ng staff
the hotel is clean, and they take care quickly, it's okay, I thought we'd be taken to the cheap one, because Mr. Bueno is also stingy
kaso ang sabi ng staff ang ineexpect lang daw nila na kasama ko ay isa, so 'yung tatlo nag bayad na lang ako ng 1 week sa kabilang room, sana hindi ko na lang sinama 'yang tatlo gagastos pa tuloy ako
--
"good morning" bati ko kay Shalee habang may dala akong tray ng pagkain, iseserve sana 'to ng babae kanina pero sabi ko ako na lang, gusto kong makitang ngumiti si Shalee para maganda ang panimula ng araw ko
"good morning love" bati din niya, hinalikan ko siya sa noo t'yaka nilapag sa may bed tray table ang kaniyang pagkain
"thank you love, nag breakfast ka na?" tumango ako sa kaniya
"go ahead eat your breakfast, pag tapos niyan mag shshopping tayo, bukas na ang gathering kaya dapat may maganda tayong isusuot you are my date of course"
"pumapayag ako sa alok mo Mr. Viamo" napa tawa na lang ako sa sinabi niya, sometimes I want to applaud myself, I have never loved like this. Yes I had a relationship with Mia and she is my first love, but I feel different for Shalee, it seems like it will never end
pag tapos naming lahat kumain ng breakfast, naligo na kaming lahat at pumunta na sa mall dito sa italy, at ang pinaka famous na mall dito ay tinatawa nilang The Mall Firenze famous ito dahil sa best dining experience, sa magandang location at high brands na nasa loob ng mall
pag pasok namin nakita agad namin ang brand ng Prada so we decided na dito na lang bumili ng mga kailangan namin
It took us almost six hours to shop for clothes, Shalee chose well, she seems to have good taste when it comes to fashion.
"open it love, then wear it if it suits you, but i'm sure it suits you" kinuha niya naman agad 'yung dress tapos tinignan niya saglit sabay tumingin ito sa'kin
"thanks love, ang mahal nito para sa isang dress lang" saad niya
"don't worry, it's for you, I'm not going to think twice, right?"
deserve niya naman maging masaya, pag tapos ng mga nangyare it gave her stress and fear, so I must make her happy as much as I can
BINABASA MO ANG
(EDITING) That baby vampire is my future Wife
Mystery / Thriller"kailangan mo lang maniwala, wala namang mawawala kung papaniwalaan mo ang sa palagay mong posible"- L.A the Delavin family does not allow the Silvana family to have another baby girl because it was stated in the prophecy that the baby girl Silvana...