Shalee's POV.
"take care!" tinignan namin si Lilith hanggang sa makapasok siya ng kaniyang school, sigurado akong marami na siyang kaibigan sa school niya, palakaibigan naman ang anak ko at masayahin tiyak akong mag eenjoy siya
"let's go wife" sumakay na kami ni peter sa sasakyan, nitong nakaraang dalawang araw patuloy lang na nag sasanay ang mga tauhan ni Peterson, lahat kami ay pinapalakas ang kaniya kaniyang sarili, gaya ng sinabi ng diwata kailangan namin mag palakas ng ng puwersa dahil ang kalaban namin ngayon ay hindi lang basta basta, isa silang mga diwatang masasama at punong puno sila ng mana sa katawan
pagkarating namin ng bahay nakita agad namin ang mga tauhan niyang nag sasanay, si Mia naman nag hahanda ng makakakain ng lahat habang si William at Max naman nasa computer at patuloy na nagsasaliksik, ganito lang ang routine araw araw hindi kami tumitigil sa pag hahanap ng posibleng karagdagang kaalaman patungkol sa mga taga Neverland
pumunta naman ako sa silid kung nasaan ang aking ina na si Avina, naka gapos lang ang kaniyang paa't kamay ng mga bakal, naka higa sa kama na ibinigay ko sa kaniya kahit papa'no naman may awa ako at siya naman ang nag silang saakin
lumapit ako sa kaniya, naka upo lang siya habang naka sandal sa pader. Umupo ako upang mag pantay kaming dalawa
"ina, nais ko kayong muling tanungin" saad ko sa kaniya
"hindi mo na ako kailangan, dahil may isa sa inyo ang nag sasaliksik at malalaman niya na din ang lahat sa takdang panahon" nagugulumihanan akong tumingin sa kaniya, s-sino ang nag sasaliksik saamin? ang alam ko lang ay sila Max at William
"a-anong ibig mong sabihin ina?" tanong ko sa kaniya
"kikitil siya ng maraming buhay para sa inyong mga mahal niya, kahit halimaw sa kagubatan ay hindi siya malulupig kaya mabuti ng patayin niyo na ako dahil hindi niyo na ako kakailanganin pa" tumayo ako at tumingin sa kaniya
"hindi siya puwedeng kumitil ng buhay basta basta, hindi ko alam kung totoo ba ang iyong sinasabi ina ngunit pipigilan ko siya" tumawa lang siya ng mahina t'yaka tumingin saakin
"walang makakapigil sa kaniya, wala kahit sino, wala!" agad na lang akong lumabas ng kaniyang silid, hanggang sa pagbaba ko ng hagdan ay dinig ko ang mala demonyo niyang tawa, tila nababaliw at nasisiraan na siya ng ulo
sino naman ang lalabag saaming kautusan, alam ng lahat ng tauhan na ang pag patay ay hindi dapat basta basta sapagkat buhay ang nawawala, kikitil lamang kung kailangan protektahan ang sarili, ayon lang.
Lilith Akuji's POV.
"bakit ba!" cinorner ko siya sa pader t'yaka pinanlakihan ng mga mata habang nakatitig lamang sa kaniya, kitang kita ko kitang kita ng dalawang mata ko na pinagsasamantalahan nila ang isang babae, nakita ko sila sa likod ng school sa mga talahiban, walang nagawa ang babae na iyon kundi ang umiyak at h'wag sumigaw dahil sa talim na nakatutok sa kaniyang tagiliran. hindi ko inaasahan na may ganitong klase ng mga tao mga mapangahas
"aamin ka sa kasalanan mo o ako ang huhusga kung mabubuhay ka pa o hindi na" biglang napa lunok ang lalaki, ang isa naman niyang kasama ay naka upo na sa sulok ng banyo, pumalag ito kanina kaya medyo naka tulog ng dapuan ito ng aking kamao
"sino ka ba? b-babae ka lang naman!" napa ngisi ako
"ayaw mo?" sinapak ko siya sa mukha at agad siyang naka tulog una kong binuhat iyong kanina pa natutulog palihim ko siyang dinala sa likod ng school, nasa likod din naman itong banyo kaya walang makakakita kung ilalabas ko sila dito, sunod naman ang isa t'yaka ko sila tinali sa puno medyo malayo ito sa school para walang makakita, 'yung babae naman sinama ko, kanina ko pa siyang nakikitang nanginginig mga kamay niya din ay nanlalamig
BINABASA MO ANG
(EDITING) That baby vampire is my future Wife
Mystery / Thriller"kailangan mo lang maniwala, wala namang mawawala kung papaniwalaan mo ang sa palagay mong posible"- L.A the Delavin family does not allow the Silvana family to have another baby girl because it was stated in the prophecy that the baby girl Silvana...