PETERSON'S POV.
gaya ng ipinangako namin sa mga taga kabilang bundok ay nag lagay ako ng mga tauhan doon at nag padala din ako ng mga pangunahing pangangailangan nila gaya ng tubig, bigas at ulam, mga pagkain ng bata at nag bigay din ako ng mga solar sa bawat bahay ng sa gano'n ay hindi sila malolooban ng hating gabi, para na din sa kaligtasan ng bawat isa sakanila
ito ang ikalawang araw ng pag dadalang tao ni Shalee, anim na buwan na daw ito kung sa pag bubuntis ng isang tao, mas lalong sumakit ang tiyan niya na oras oras ikinakabahala ko
"anong nararamdaman mo?" nakaupo ako sa tabi niya dito sa kama at kakatapos lang niyang kumain, inalalayan ko siya sa pagkain pati sa pag inom, madalas niyang hinahanap ang lamang loob na hilaw, at dugong sariwa galing sa mga hay*p nangangaso naman sila Leviathan at William para mabigay ang gusto ni Shalee, dahil sumasakit ang tiyan niya ng sobra na halos maiyak siya sa sakit kapag hindi niya nakakain ang mga iyon, ramdam kong nahihirapan siya sa nangyayari sa kaniya, namumutla siya at walang lakas manlang para tumayo
"sa-salamat sa pa-pag aal-laga mo sa'kin" hinalikan ko siya sa noo, ay ginawaran siya ng ngiti. Walang ibang mag aalaga sa'yo kundi ako lang, no one else to help but us, each other
"Master!" biglang bumukas ang pinto at iniluwa no'n si William na hinihingal
"sinugod na daw ang kabilang bundok! kailangan na nating pumunta"
"sige susunod ako" agad namang lumabas si William at humarap akong muli kay Shalee
"si-sige na ayos lang ako, a-andito naman si h-hana" I hugged her tightly, and kissed her on the lips before leaving
pagka-labas ko ng bahay nakita ko agad si William na naka sakay kay Leviathan na nag anyong lobo, agad akong sumakay at mabilis siyang tumakbo, sa sobrang bilis ay nagiging blurd ang aking nakikita. Ang misyon namin ay ang mang huli ng bampira, ikukulong at kukuha ng impormasyon.
Shalee's POV.
pagkaalis na pagkaalis ni Peterson agad na lumabas ang diwatang nasa libro, ng magsimula akong mahirapan sa aking sitwasyon madalas na siyang nagpapakita at pinapalakas ang aking anak na nasa aking sinapupunan, binabasbasan niya ang aking tiyan upang ligtas daw kaming dalawa kapag ako'y nanganak na, utos daw ito sa kaniya ni Shalira na bantayan kami ng aking anak
"bakit isinulat mo sa p-propesiya na mag-kakaanak kami n-ni P-peterson?" tanong ko sa kaniya, naging kasing laki naman siya ng tao at umupo sa aking tabi
"dahil lumalakas ang inyong kalaban, kailangan niyo ng katuwang sa inyong mga gagawing hakbang at ang pag dodoble ng iyong kapangyarihan ang siyang aking naisip, ngunit mangyayari iyon kapag ikaw ay nagsilang lamang, ang iyong kapangyarihan ay doble ang sa kaniya, kaya ang iyong anak ang siyang magiging susi sa inyong tagumpay"
"ngunit sinabi mong, kaya k-kami itinakda ni Peterson d-dahil walang titibag s-saamin kapag mag k-kasama kami?" tanong ko pa
"ngunit hindi nakampante ang inyong kalaban, mas lalo lamang silang dumami, mga takas sa mundo natin na nagpaparami at nagpapalakas, kaya nabago ang propesiya. Kaya dapat natin itong tapatan" biglang may kumatok sa pintuan ng aking silid kaya pumasok na ang diwata sa loob ng libro
"p-pasok" bumukas naman ang pinto at bumungad sa'kin si Hana na may dalang sariwang dugo at tumitibok pang puso ng baboy, naka mask siya at diring diri sa nakikita. Alam kong ayaw niya nito dahil nakikita naman sa kaniyang impresyon
"s-salamat" sabi ko ng mailapag niya sa bed tray table
"b-bakit pinapanood mo ako r'yan h-hindi ba a-ayaw mo nito?" tanong ko sa kaniya, susubo na sana ako ng hiniwa kong puso ng baboy, pero naka tingin lang siya sa'kin at naka tayo sa gilid
BINABASA MO ANG
(EDITING) That baby vampire is my future Wife
Mystery / Thriller"kailangan mo lang maniwala, wala namang mawawala kung papaniwalaan mo ang sa palagay mong posible"- L.A the Delavin family does not allow the Silvana family to have another baby girl because it was stated in the prophecy that the baby girl Silvana...