Bayad na ako sa mga utang na hindi gaanong malaki. Ang poproblemahin ko na lang ay ang utang kay Mr. Ling at ang utang ko kay Jeycee na umabot na yata ng ilang daang libo.
“May trabaho na ako, Ma. Si Julius na muna ang bahala sa inyo ni Jassie. Kapag puno na ang diaper mo sabihin mo kay Julius na pumunta sa kumare mo at magpatulong saglit,” bilin ko kay Mama.
“Anong trabaho ang napasukan mo?” tanong niya.
Nakagayak na ako ngayon at aalis na lang pero nandito pa ako sa kwarto niya para magpaalam.
“May nag-alok sa akin bilang assistant niya, sayang din ʼyon kaya pinatulan ko na,” sagot ko naman.
Tumango-tango lang sa akin si Mama. Nagmano at humalik na ako sa noo niya para makaalis na ako. Nakapunta na ako kanina kay Jassie kanina bago pa ako gumayak.
Nasa biyahe na ako ngayon papunta sa sinasabi ni Mr. Edward Hirano sa text niya. Isang sakay sa jeep at isang tricycle pa bago makapunta sa sinasabi niyang company.
“Dito lang po, Manong. Salamat po!” Nagbayad na ako sa tricycle driver at bumaba na nga agad.
Tiningala ko ang napakataas na building. Pang sampung palapag ang office ni Mr. Edward Hirano. Bumuga ako ng isang malalim na hininga at nagsimula nang maglakad papunta sa building na ’yon.
“Do you have appointment, Ma’am?” tanong agad sa akin sa information desk.
Umiling ako. “I’m Mr. Edward Hirano’s personal assistant,” sagot ko sa kaniya.
Mabilis naman itong tumango sa akin at sinabi kung saan ang elevator at kung anong floor ang kay Edward. Ngumiti lang ako sa kaniya bilang tugon at muling lumakad na paalis doon.
Nang makasakay sa elevator ay nakaramdam ako bigla ng kaba at hiya. Naalala ko ang kahihiyang ginawa ko kagabi. Baka kaya lang niya ako binigyan ng trabaho ay dahil sa pagiging makulit ko kagabi?
“Good morning...” mahinang bati ko sa mga nakakasalubong ko. Ngumingiti naman sila sa akin at ang iba ay tumatango.
Nang makarating ako sa office ni Mr. Hirano ay huminga pa muna ako ng isang malamin bago kumatok sa pinto niya. May nakalagay na karatula roʼn na may pangalan niya.
“Come in!” malakas niyang sabi mula sa loob.
Dahan-dahan ko namang binuksan ang pinto at sumilip pa sa loob bago ako pumasok. Ang laki ng office niya. Nakaupo siya ngayon sa swivel chair niya habang abala sa mga paper works.
“Good morning, Sir!” bati ko sa kaniya.
Umangat ang tingin niya sa akin. Bahagyang kumunot ang noo at tiningnan ang kabuuan ko. What the hell is this, Mr. Hirano? Are you checking me out?
“Did you bring bio data or anything related to your personal infos?” tanong niya.
Tumango ako at pinakita ang envelope na hawak ko. Mabuti na lang pala at nagdala ako. Hindi niya naman nagsabing kailangan pala iyon.
“Here, Sir!” Mabilis akong lumapit sa kaniya para i-abot ang dala kong envelope.
Agad naman niyang binuksan iyon. Nanatili akong nakatayo lang sa harapan niya. Umangat muli ang tingin niya sa akin at bakas ang pagtataka.
“Why are you still standing there?” tanong niya sa akin.
Mabilis akong umupo sa upuang nasa gilid ko. Binalik niya na muli ang atensyon sa papel na hawak niya.
“Sabria Alexis Lebasi, 22 years old...” pagbanggit niya sa mga nakasulat.
Binasa niya ang mga infos na nakasulat doon. Nakatingin at tumatango naman ako sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Seducing Mr. Hirano (COMPLETED)
Romance©All Rights Reserved COMPLETED✔️ Started: June 7, 2022 Ended: June 29, 2022 Falling inlove with someone is the last thing I wanted to do. But why am I inlove with Mr. Hirano? The guy that I need to seduce for money.