10

222 22 6
                                    

The photoshoot is starting again. Nakapagpahinga naman kahit papaano si Hirano. Hindi naman siya nanghingi ng pagkain, tubig na lang para mamaya niya raw.

“You can connect in my phone. Mabobored ka kapag wala kang ginagawa,” sabi niya.

Hawak niya ang phone niya. Nilabas ko ang phone ko at inabot sa kaniya para maka-connect ako. Nahiya ako bigla dahil sobrang luma na talaga ng phone ko. Walang-wala sa iPhone niya.

“Hindi ka talaga kakain? Bibili akong pagkain natin,” sabi ko sa kaniya.

Lunch time na kasi kapag natapos sila. Gutom ang aabutin niya kapag hindi siya kumain. Hanggang hapon pa kami rito dahil marami pa silang dapat gawin.

“Okay, buy some food. Here.” Inabot niya sa akin ang isang libo.

Grabe naman po. Wala ba siyang 500 man lang? Sure namang hindi aabot ng 500 ang pagkaing mabibili ko kung sakali.

Nang makabalik siya sa set ay saka naman ako nagpasyang bumili na ng pagkain at tubig namin. Dala ko ang phone niya dahil baka mawala pa kapag iniwan ko. Baka kulangin pa sahod ko sa kaniya pambayad kapag naiwala ko ʼto.

Nandito na ako ngayon sa tindahan at buti na lang may tindang pagkain dito. Okay na siguro ʼto para kay Hirano? Hindi naman siguro siya maarte. Bibili na sana ako nang may tumawag naman sa akin.

“Oh?” pagsagot ko sa tawag ni Cielo. Ano na naman kayang kailangan nito?

[“Where are you?”] tanong niya. Akala mo talaga jowa ko na need ng update palagi.

“Quezon. May photoshoot si Hirano. Bakit?” tanong ko ulit.

Bumili na ako ng tubig para sa amin ni Hirano. May napansin akong Jollibee hindi kalayuan kaya naman nagpasya na lang akong doon bumili mamaya pagtapos ko rito.

[“Send some pictures of you and the location. I wanna see your outfit today,”] excited niya pang sabi.

Napairap na lang ako dahil hindi niya naman nakikita. “Hindi ko sinuot ang mga binili mo, naka-shirt and pants ako,” sagot ko sa kaniya.

Narinig ko ang malakas niyang pagdadabog sa kabilang linya. Nailayo ko ang phone ko dahil para akong mabibingi dahil sa ingay niya. Grabe ng babaeng ʼto talaga.

[“I bought that for you! Bakit hindi mo sinusuot?”] Naiimagine ko ang mukha niyang galit na galit ang itsura.

“Hindi nga ako sanay,” nasabi ko na lang.

Naglalakad na ako ngayon papunta sa Jollibee. Buti pala at may ganito rito kahit papaano. Kapag kasi lutong ulam ang binili ko kay Hirano ay baka lalong hindi kumain. Hindi naman yata siya sanay sa ganoʼn.

[“Wear that tomorrow, Alexis. Magpicture ka bago ka pumasok bukas and send that to me. Gosh, akala ko pa naman ay suot mo na!”] malakas niya na namang sabi.

“Iʼll try.” Nakapasok na ako sa loob. “Mamaya ka na tumawag ulit. Oorder akong pagkain namin,” paalam ko sa kaniya.

Hindi ko na hinintay pang magsalita siya at binabaan ko na agad ng phone. Ako pa lang ang pipila at mas okay iyon para mas mabilis akong makabalik.

“Mr. Hirano is looking for you,” bungad na sabi sa akin nung babaeng nakausap ni Hirano kanina nang magkasama kami.

“Bakit daw?” tanong ko naman.

Pabalik na ako sa pwesto namin ni Hirano. Nakita ko siyang nakaupo roʼn. Hindi pa yata tapos ang shoot bakit nandito na siya agad?

“Hirano, kakain ka na?” tanong ko at nilapag ang bitbit ko.

Seducing Mr. Hirano (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon