EDWARD HIRANOʼs POV:
At the age of 24 Iʼm one of the famous tiktoker and model in the Philippines. Masasabi kong deserve ko naman lahat ng meron ako dahil pinaghirapan ko lahat ng ʼyon.
I need some rest kaya nandito ako ngayon sa bar. Nakita ko pa si Cielo rito at nagkausap pa kami. I like her and we tried our relationship to work out pero wala talaga. Hindi ko kayang pumasok sa relasyon lalo na kung hindi ko makita ang sarili ko sa ganoʼng sitwasyon. Nasasaktan ko lang si Cielo dahil sa mga ginagawa ko kaya mas pinili kong itigil na lang.
"Hard drink for me please," sabi ko sa bartender.
Nagawi ang tingin ko sa gilid ko at napansin ko ang isang babaeng nakaupo lang doon. Mabilis ko namang iniwas ang tingin ko sa kaniya nang maibigay na ang drinks na hinihintay ko.
Narinig ko pa siyang nagsalita nang may isang babae pang dumating. Mukhang baguhan lang ang babaeng ʼto sa ganitong lugar base sa sinabi niya. Hindi nga raw siya sanay rito.
"May kilala ka bang Edward Hirano?" she asked her friend, I guess.
Napataas ang kilay ko habang nakatingin sa baong hawak ko. Why did she ask? Anong meron sa akin at tinatanong niya sa kasama niya?
"Bakit? Donʼt tell me hindi mo kilala ʼyon?" sagot naman nung kasama niya.
Hindi naman lahat ay kilala ako. Yeah, sikat ako pero hindi ako kilala ng lahat lalo na ng mga matatanda, sa tiktok ako sikat at mas kilala ako ng mga kabataan.
"Actually hindi talaga. Hindi ako familiar sa name niya," sagot naman nung babae.
I donʼt know why but I found myself smiling. Nakakatuwa lang na may hindi pala talaga nakakakilala sa akin.
Pinakinggan ko lang ang usapan nila. Hindi ko na napigilang ibaling ang katawan ko sa gawi nila. Pinipilit siyang uminom ng kasama niya kahit na hindi naman siya sanay. Sheʼs pretty and looks innocent. Nagtama ang paningin naming dalawa at may naramdaman akong hindi ko maipaliwanag kung ano.
Iʼm just looking around the whole night. Nagpunta lang akong dance floor nang makita kong papunta na rin doon ang dalawang babae na nasa gilid ko kanina.
Sheʼs drunk. I mean the girl named Alexis. Sheʼs drunk and causing chaos right now.
"Kailangan ko nga kasi ng trabaho!" malakas niyang sabi sa isang lalaki.
Hindi ko na napigilang lumapit sa kaniya. Nalasing siya dahil sa wine na ininom niya. Hindi nga talaga siya sanay uminom.
"Here. Kung kailangan mo ng work, pwede kang maging P.A ko." Inabot ko sa kaniya ang calling card ko.
"Magsisimula na ako bukas? Nasaan ang phone mo? Ilalagay ko ang number ko bilis!" she said.
Para matigil na siya ay binigay ko ang phone ko at hinintay na mailagay ang number niya roʼn. Good thing I need assistant, pinagresign ko na kasi ang huling naging assistant ko dahil hindi naman trabaho ang gusto niya kundi ako mismo.
Alexis is the best choice para maging assistant ko, she have no idea about me. Hindi niya yata talaga alam na nag-e-exist ang isang Edward Hirano.
I hired her. Sheʼs pretty cool. Mabilis napalagay ang loob ko sa kaniya. Hindi siya mahirap pakisamahan at hindi rin siya hirap makisama. She did her job well.
"Hirano, kumain ka na?" she suddenly asked.
She called me by my surname. Okay lang naman sa akin ʼyon, kung saan siya mas komportable ay ayos lang naman sa akin kahit anong itawag niya.
"Hindi pa. Why?" I asked her, too.
"Bakit? Akala ko ba ay may lakad mamaya?" nakakunot ang noong tanong niya sa akin.
BINABASA MO ANG
Seducing Mr. Hirano (COMPLETED)
Romans©All Rights Reserved COMPLETED✔️ Started: June 7, 2022 Ended: June 29, 2022 Falling inlove with someone is the last thing I wanted to do. But why am I inlove with Mr. Hirano? The guy that I need to seduce for money.