11

205 23 20
                                    

Habang kumakain kami ay pinagkukwentuhan namin si Hirano. Sinabi ko sa kaniya kung gaano makitungo si Hirano sa akin at sa ibang tao pa. Ang genuine talaga kaya nakakakonsensya talagang saktan siya.

“By the way. Ito na ʼyung ipapautang ko sa ʼyo,” pag-iiba niya sa usapan.

Nilabas niya ang wallet niya at kinuha ang pera na ipapahiram sa akin. Cash na iyon para daw hindi na ako mag-abala pang magpapalit kapag naka-checke pa.

“Thank you, Jeycee. Babayaran talaga kita kapag nakaluwag-luwag na ako,” sabi ko sa kaniya.

“Bayaran mo na si Mr. Ling para wala ng problema. Ang iisipin mo na lang ay ang mga maliliit mong utang at ang pagpapagamot sa Mama at kapatid mo,” sabi niya naman.

“Pati ang utang ko sa ʼyo. 200k na ang utang ko sa ʼyo, Jeycee. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko mababayaran iyon,” mahinang usal ko.

Sobrang nahihiya na talaga ako sa kaniya. Napakatagal na ng utang ko at mas lalo pang nadadagdagan iyon. Hindi ko alam kung kailan ko ba matatapos ang mga bayaring ʼto.

“Sabi ko naman ay huwag mo masyadong isipin ang utang mo sa akin. Hindi naman kita minamadali, Alex. Unahin mo muna ang pamilya mo,” nakangiting sabi niya sa huli.

Tumango na lang ako sa kaniya. Tinapos ko na ang pagkain ko para makapag-asikaso na ako ng sarili ko. Sasabay na raw si Jeycee kay Ate Kris sa pag-uwi sa kanila mamaya. Sabi ko ay rito na lang sila magdinner para may kasabay ako.

Kinabukasan ay sinuot ko pa rin ang mga damit na nakasanayan ko. Ayaw ko talagang sundin si Cielo sa gusto niyang ipasuot sa akin. Paalis na sana ako nang bigla naman siyang tumawag.

[“Good morning! Patingin ako ng suot mo!”] malakas niyang sabi sa kabilang linya.

“Hindi ko nga sinuot,” sagot ko sa kaniya sa malamyang tono.

Nailayo ko ang phone ko sa tainga ko dahil sa sigaw niya. Napakalakas talaga ng boses nitong babaeng ʼto. Ang aga aga ang ingay-ingay niya.

[“Wear that, Alexis! Susugurin kita sa office ni Edward kapag hindi mo sinuot ʼyan.”]

Tamad na tamad akong pumunta sa cabinet ko para kunin ang damit na binili niya para sa akin. Kinuha ko ang off-shoulder long sleeve blouse na kulay peach at ang pantalon kong butas butas ang design.

“Sige na. Sesend ko na lang sa ʼyo ang picture mamaya,” paalam ko na sa kaniya.

Pinatay ko ang tawag para magpalit na ulit ako ng suot ko. Baka totohanin nga ni Cielo ang sinabi niyang susugod siya sa akin kapag hindi ko sinuot ang pinasusuot niya.

Kitang-kita ang cleavage ko sa damit na ʼto. Hindi ako kumportable talaga pero wala akong magagawa, kailangan kong masanay sa ganito dahil iyon ang gusto ni Cielo. Boss ko pa rin ang babaeng ʼyon kahit na sinabi niyang magkaibigan na kami.

“Bahala na!” nasabi ko na lang at lumabas na ako ng kwarto ko.

Napatingin pa sa akin si Ate Kris dahil sa naging ayos ko ngayong araw. Kahit siya ay nanibago yata sa suot ko. Mas sanay rin silang nakashirt lang ako at pants kapag aalis. Ngayon lang ako nagsuot ng ganitong klaseng damit.

“Ang ganda ganda mo naman, Alex. Bagay sa ʼyo ang suot mo!” natutuwang bati ni Ate Kris nang makabawi na sa gulat niya.

Nahihiya akong napangiti na lang. “Salamat, Ate Kris. Kayo muna rito, ha. Ingat kayo!” bilin ko sa kaniya.

“Mag-ingat ka rin!” malakas pang sabi niya dahil nakalabas na ako ng bahay.

Hindi ako mapakali at taas ako nang taas sa suot ko ngayon. Ayaw kong masyadong nakikita ang balat ko. Exposed na exposed ngayon ang gawing dibdib paangat sa leeg ko. Kitang-kita tuloy ang buto ko.

Seducing Mr. Hirano (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon