19

238 24 15
                                    

Nakarating kami sa mall na tahimik lang ako. Sinundan nga kami ni Hirano. Ano naman kayang trip ng lalaking ʼto?

“Edward, pupunta ka rin pala rito?” maang pang tanong ni Jeycee sa kaniya.

Busangot na busangot tuloy ako at nakaakabay sa kapatid ko na walang pakielam sa mga nangyayari dahil abala sa paglalaro.

“Yeah. May bibilhin ako,” sagot naman ni Hirano.

Sabay-sabay na kaming naglakad papasok sa mall. Nakashades si Hirano at nakacap. Hirap magtago kapag sikat, ano? Buti nga sa kaniya. Sana ay makilala siya ng mga tao para dumugin siya ng mga ito.

“Try natin dito,” sabi ni Cielo habang nakaangkala naman kay Jeycee.

Susunod na sana ako sa kanila nang higitin naman ako ni Hirano. Pati tuloy si Julius ay napatigil sa paglalakad.

“What?” banas na tanong ko sa kaniya.

“Samahan mo ako,” sagot niya naman agad. Napatingin pa siya sa pinasukang shop nung dalawa. “Pahiram muna kay Ria. Mag-uusap lang kami,” sabi niya pa.

“Anong pag-uusapan, Mr. Hirano?” blankong tanong ko na sa kaniya.

Nakashades siya pero ramdam ko pa rin ang titig niya sa akin kaya hindi ko maiwasang mailang sa kaniya. Hindi niya inalis ang kapit sa bewang ko kaya ako na mismo ang nag-alis noʼn.

“Samahan mo muna akong mamili ng necklace,” sabi niya pa.

Wala na akong nagawa kundi ang samahan nga siya. Kasama ko rin naman ang kapatid ko kaya ayos lang at medyo nakakalma ako. Hindi ko kayang makasama si Hirano na kaming dalawa lang.

Sa unang shop na napuntahan namin ay magaganda naman ang mga necklace pero kung ako ang magdedesisyon, ayaw ko sa ganoʼn kaya naman pumili pa kami sa ibang shop.

“For your wife, Sir?” tanong ng saleslady sa kaniya pero ang tingin ay nagagawi sa akin.

“Yes.” Napabaling ako kay Hirano. Hindi siya nakatingin sa akin kaya malaya kong natingnan ang mukha niya.

Isang taon lang naman ang nakalipas pero parang mas lalo lang siyang gumwapo. Medyo nagmatured pa ang mukha niya at parang mas lumaki pa ang katawan niya. Model pa rin kaya siya? Nawalan na ako ng balita sa kaniya noon dahil wala na rin akong panahong magbukas pa ng mga social media ko.

Simula nang mawala si Mama at Jassie ay nawalan na rin ako ng gana noon. Si Jeycee pa rin ang sandigan ko sa lahat ng mga pangyayari sa buhay ko. Akala ko ay hindi na ako makakausad pa pero binigyan naman ako ng rason para mabuhay pa nang matagal. Kailangan pa ako ni Julius, hindi ko pwedeng pabayaan ang kapatid ko.

“This one...” mahinang sabi ko nang may makita akong necklace na pumukaw sa atensyon ko.

Isang maliit na crown na gold ito, may maliit na diamond sa sa gitna. Ang ganda ganda kaya naagaw ang atensyon ko.

“Iʼll buy that one,” sabi ni Hirano at tinuro ang necklace na sinabi ko.

Napaayos na ako ng tayo nang kunin na iyon ng saleslady. Inilibot ko pa ang tingin sa paligid. Iniwan ko saglit si Julius na naglalaro pa rin. May nakita akong maliit na necklace at natuwa naman ako dahil ang cute cute noʼn. Hindi siya kasing mahal ng mga necklaces na nasa stante. Nasa 2k ang necklace na ʼto at silver naman.

“Ang cute...” nasabi ko na lang sa sarili ko.

Pinicture-an ko iyon at sinend kay Cielo. Chinat ko rin siya na balak ko iyong bilhin. Tinext ko na rin si Ate Lily dahil baka may mga kailangan siya. Kasambahay namin si Ate Lily.

“Iʼll take this,” nakangiting sabi ko sa saleslady. Tinuro ko ang necklace na silver na may design na maliit na heart.

“Gift?” tanong ni Hirano na nasa tabi ko na naman.

Seducing Mr. Hirano (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon