15

225 22 12
                                    

Hinatid muna ako ni Jeycee sa bahay para makapagbihis. Diretso na raw kami sa bar kaya naman pinasuot niya na sa akin ang dress na isa sa binili ni Cielo. Matutuwa ang babaeng ʼyon kapag nakita niyang suot ko ito.

“Lagyan na rin kitang make up, light lang naman para lang hindi masyadong halata ang maga mong mata,” sabi ni Jeycee.

Tumango na lang ako at hinayaan siyang ayusan ako. Nakatingin lang ako sa sarili kong repleksyon sa salamin habang inaayusan niya ako. Sinusunod ko ang mga sinasabi niya kaya mabilis ding natapos.

“Picture na. Ang ganda ganda mo!” excited niyang sabi.

Pinicture-an niya nga ako pero hindi ko naman magawang ngumiti. Mas okay naman daw iyon dahil ang ganda raw at bumagay sa suot ko. Kulay dark red na fitted dress ang pinasuot sa akin ni Jeycee. Above the knee at manipis na strap lang iyon. Iʼm not comfortable pero kahit papaano naman ay nadadala ko na ang ganitong mga damit.

“Tara na. Baka naghihintay na si Cielo,” sabi ko naman.

Kinuha ko na ang maliit kong bag kung saan nandoon ang phone ko at iba pang gamit tulad ng liptint at pera, incase na kailanganin ko.

“Ang sexy sexy mo, girl. Ngayon ko lang napansin na parang mas lalo ka yatang naging sexy?” muling sabi ni Jeycee.

Nakasakay na ulit kami sa kotse niya at siya ang nagdrive noʼn. Buti pa siya sanay sa ganito, gusto kong magpaturo sa kaniya pero hindi naman siya sanay.

“Feeling ko nga tumataba ako. Wala kaming ginawa ni Hirano kundi kumain nang kumain. Kahit hapon na inaaya pa ako sa coffee shop na nasa tapat nung building nila,” sabi ko naman.

Hindi ko na nga napigilang mabanggit si Hirano. Hindi ko pa pala nasabi kay Jeycee ang nangyari kahapon dahil nawala na rin sa isip ko.

“Speaking of him. Kumusta naman ang trabaho mo kay Cielo? My improvements naman ba ang pangseseduce mo kay Mr. Edward?” tanong niya naman.

Bahagya akong napanguso. “Siguro. Medyo may improvement naman. Actually kahapon... We kissed.” Nahihiya ako. Bigla akong nahiya nang banggitin ko ʼyon.

“You what?!” malakas niyang tanong. Muntik niya pang mapreno ang sasakyan niya dahil doon.

“We kissed. Hindi naman tulad ng iniisip mo. Nagdikit lang naman ang lips namin,” depensa ko naman.

Baka kasi ang iniisip niya ay malalang halikan. Hirano is my first kiss. Hindi alam ni Hirano ʼyon at ayaw kong ipaalam baka asarin niya lang ako.

“Grabe na talaga. Baka matuwa pa ako kapag naging kayo!” Nakaawang pa ang bibig niya na akala mo manghang-mangha talaga.

Napairap ako. “Kailangan namang maging kami talaga or magkaroon siya ng feelings sa akin so I can break his heart kagaya ng trabaho ko kay Cielo. I need to break Hiranoʼs heart.”

Ayaw ko. Hindi ko kaya pero kailangan. Ang dami nang naitulong sa akin ni Cielo at hindi ko rin kayang talikuran ang babaeng ʼyon.

“Ngayon pa lang nasasaktan na ako. What if mahalin ka nga niya? Tapos sasaktan mo naman siya. Bes, nakakakonsensya ʼyon!” nakangusong sabi pa ni Jeycee.

Hindi ko na nagawang kumibo. Nasa isip ko na rin ang mga posibleng mangyari kapag ganoʼn nga. Maging kami man o hindi, kailangan ko pa ring saktan ang lalaking ʼyon. Naisip ko ring kailangan ko na talagang seryosohin ang trabaho ko para matapos na. Bahala na sa kalalabasan.

“Wow! Ang sexy mo!” puri ni Cielo sa akin nang magkita na kami.

Hindi maalis ang pagkamangha sa kaniya habang nakatingin sa akin. Napapailing na lang ako dahil doon. Parang bago nang bago sa kanila kapag nag-aayos ako.

Seducing Mr. Hirano (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon