02

361 26 13
                                    

Iʼm wearing backless dress right now. Tinotoo nga ni Jeycee ang sinabi niyang magpapaiwan siya ng dalawang bodyguard para magbantay sa bahay.

“Naiilang akong isuot ʼto,” reklamo ko.

May bitbit pa akong maliit na bag kung saan nandoon ang phone kong mumurahin lang. Ang suot kong sandals ay may kaunting heels pa. Sasakit lang ang paa ko rito.

“Ang ganda mo kaya. Sobrang sexy mo!” puri niya sa akin na nginusuan ko lang.

Nandito kami sa kwarto niya dahil nga inayusan niya ako. She also put  make up in my face. Pati ang buhok kong natural ang pagiging straight at lambot ay ginawa niyang kulot ang dulo. Parang isasagala ako dahil sa ginawa niya.

“Let me take a picture, ang pretty mo so much!” kinikilig pang sabi niya.

Hindi naman maipinta ang mukha ko. Nakaupo pa rin ako sa upuan niyang nasa harapan ng salamin niya. Wala talaga akong kahilig-hilig sa mga ganito.

“Smile, Alex! Ang ganda ganda mo kaya!” sabi pa niya na nagsisimula na nga akong picture-an.

Wala rin naman akong nagawa kundi ang ngumiti na lang. Hindi rin naman magpapatalo si Jeycee at ipipilit pa rin niya ang gusto niya.

“Okay na?” tanong ko sa kaniya.

Tinitingnan niya ngayon ang mga pictures na kuha niya. Ngiting-ngiti siya habang nakatutok sa phone. Daig niya pa ang Nanay ko sa reaksyon niya.

“Ang ganda talaga ng dimples at mga mata mo, nakakainggit!” pumapadyak pang sabi niya.

Muli kong pinasadahan ng tingin ang sarili ko sa salamin. Ang ganda ko pala, kulang lang talaga ako sa ayos. Parang hindi na nga ako ’to, e. Parang ang expensive ko namang tingnan ngayon.

“Tara na?” tanong ko pagbaling ko sa kaniya.

Mas daring pa ang suot ni Jeycee kaysa sa akin. Sa kaniya ay halos mahuhubad na. Konting hatak lang siguro sa taling nasa harapan niya ay baka makita na ang dibdib niya.

“Ang ganda mo talaga!” muling sabi niya pagsakay sa kotse.

Hindi na lang ako umimik. Nagsimula na akong kabahan nang magsimula na kaming bumyahe. Hindi ko talaga trip ang ganitong mga lakad. Sobrang layo ng mga gusto namin ni Jeycee. Sobrang layo talaga ng agwat sa aming dalawa.

“Party! Party!” malakas niyang sigaw oras na makapasok kami sa loob.

We’re 22 kaya pwedeng-pwede na talaga kami sa ganito. Siguro nga ay gabi-gabing nandito si Jeycee. Alam na alam niya na ang mga dapat gawin samantalang ako ay parang bata na nawawala at nakatayo lang habang nakatingin sa maraming tao.

“Sa counter muna tayo!” pag-aaya niya. Malakas ang tugtugan kaya kailangang sumigaw para magkarinigan.

Hinatak ako ni Jeycee papunta sa counter kung saan may lalaking nagsasalin ng alak. Ang galing naman ng mga bartender dito. Ang bibilis ng mga kamay sa paghahagis at pagsalo ng mga bote.

“Give us a bottle of vodka. Thank you!” sabi ni Jeycee sa bartender.

Taka lang akong nakatingin sa kanila. Wala akong alam sa mga alak ng mayayaman. Gin lang ang alam kong alak at saka redhorse. Mga karaniwang alak ng mga tambay sa kanto.

“Hindi ako iinom, Jeycee. Ikaw na lang,” umiiling kong sabi sa kaniya nang itapat niya sa akin ang isang baso at salinan ng alak.

“Ano ka ba? Let’s enjoy this. Minsan ka lang makapagrelax, Alex. Enjoy the moment,” sabi niya pa sa akin.

Kinuha niya ang baso niyang may laman ng alak at itinapat sa akin. Hindi maipinta na naman ang mukha ko. Kinuha ko ang para sa akin at nakipagcheers ako sa kaniya.

Seducing Mr. Hirano (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon