Nakatayo ako ngayon sa harapan ni Hirano habang siya ay prenteng nakaupo sa swivel chair niya. Pinapunta niya talaga ako rito sa office niya para mag-usap kami. 3pm na at mamaya lang ay uwian na ng mga empleyado niya, ayaw kong may makakita sa akin dito.
"Paano mo nalaman?" tanong ko sa kaniya.
Mariin lang ang titig niya sa akin habang ang isang binti ay nakapatong sa isang hita niya. Pinaglalaruan niya ang ballpen niyang hawak ngayon.
"Maupo ka muna, Ria. Marami tayong pag-uusapan baka mangawit ka." Hindi ko alam kung nang-aasar ba siya o seryoso.
Naupo na ako para masagot niya na ang tanong ko. Nilabanan ko ang mga titig niya sa akin. Malakas pa rin ang kabog ng dibdib ko pero hindi ko na pinansin pa iyon.
"Paano mo nalamang may anak tayo, Edward?" taas ang kilay ko nang tanong sa kaniya.
He leaned forward. Nakapatong ang dalawang kamay sa table at mariin pa ring nakatitig sa akin.
"Siniguro kong may mabubuo," seryosong sagot niya sa akin.
Gusto ko siyang bigyan ng isang sapak ngayon dahil sa sagot niya. Hindi ako naniniwalang ganoʼn ang dahilan niya.
"Kingina ka! Ano nga?" inis na agad na tanong ko.
Bahagya siyang natawa. "Siniguro ko ngang may mabubuo. So meron nga, babae ba o lalaki?" kaswal na tanong niya pa.
"Babae ang nabuo," sagot ko naman. Napaawang pa ang bibig niya. "Paano mo nga kasi nalaman?" galit nang tanong ko.
"Nadulas ang Daddy mo nang magkausap kami. Nasabi niyang may apo na siya sa ʼyo. Ako lang naman ang nakagalaw sa ʼyo, Ria. Alam kong hindi ka magpapagalaw sa iba kaya sigurado akong anak ko nga ang tinutukoy ng Daddy mo," seryosong sagot niya.
Hindi ako nakasagot. Siguro nga ay panahon na rin para malaman niya ang totoo. Dahan-dahan akong tumango sa kaniya at iniwas ang tingin ko.
"Gusto mong malaman kung anong nangyari noon sa akin matapos nating mag-usap noon?" blankong tanong ko sa kaniya at muling binaling ang atensyon ko sa kaniya.
"Yes. I want to know everything," sagot niya.
"After nating mag-usap noon ay sinalubong naman sa akin ang balitang patay na si Mama. May sakit si Mama at ang kapatid ko kaya nga nagawa kong pumayag sa gusto ni Cielo noon na saktan ka at babayaran niya ako. May cancer si Mama at hindi niya sinabi sa akin ang totoo, nabalitaan ko na lang na patay na siya kaya dumiretso ako sa Ospital noon," pagkwento na.
Nabalot kami ng katahimikan dahil sa sinabi ko. Hinintay ko siyang magsalita pero mukhang hinahayaan niya akong magkwento muna.
"Ilang minuto nang malaman kong patay na si Mama, sumunod na rin sa kaniya si Jassie, ang kapatid kong may sakit din at leukemia naman. Si Julius lang ang natira sa akin, kahit hindi ko sila tunay na kadugo ay sobrang mahalaga sila sa akin to the point na ginusto ko na ring sumunod sa kanila."
"What?!" gulat niyang tanong sa akin.
Tipid lang akong ngumiti.
"Hindi ko pa alam na buntis ako noon. Si Jeycee ang sumagot sa lahat ng gastos sa burol ni Mama at Jassie. Halos lahat talaga ay siya na pati ang pagkain namin ni Julius sa araw-araw ay siya na rin ang sumagot. Sobrang nawalan ako ng ganang mabuhay noon dahil sa mga nangyari, sinubukan kong wakasan na rin ang buhay ko noon... At nang isugod ako ni Jeycee sa Ospital ay saka ko lang nalaman na buntis pala ako."
Grabe ang iyak ko noong malaman kong buntis ako. Hindi ko napigilang saktan ang sarili ko noon dahil sa katangahan ko. Sinabunutan ko ang sarili ko dahil muntik ko na palang mapatay ang baby sa sinapupunan ko.
BINABASA MO ANG
Seducing Mr. Hirano (COMPLETED)
Romance©All Rights Reserved COMPLETED✔️ Started: June 7, 2022 Ended: June 29, 2022 Falling inlove with someone is the last thing I wanted to do. But why am I inlove with Mr. Hirano? The guy that I need to seduce for money.