13

196 23 12
                                    

I was about to kiss him pero agad din naman siyang umayos ng tayo. Hinawakan niya lang ang kamay ko at bahagya akong hinila. Natawa ako dahil bahagya na rin siyang nakapout. Para siyang batang hindi napagbibigyan sa gusto.

“Ikaw na lang nga, tinatamad ako...” pinahaba ko pa ang huling sinabi ko.

Bahagya niya ulit akong hinatak sa kamay. Natatawa na talaga ako dahil sa ganitong gawain niya. Ngayon ko lang nakita na may ganito pala siyang side. May pagkaisip bata pala ang isang Edward Justin Hirano. Pfft.

“Tara na kasi. Libre ko naman ang kape mo,” muling aya niya sa akin.

Nakaisip na naman ako ng kalokohan. “Kiss mo muna ako,” sabi ko sa kaniya.

Tiningnan niya lang ako ng seryoso kaya natawa na lang ako. Sinimulan ko na lang ayusin ang mga gamit ko nang masamahan ko na siya sa pagkakape niya.

Naglalagay ako ng mga gamit ko nang maramdaman ko ang paghatak niya sa akin at ang malambot na bagay sa labi ko. Napabilis nito ang tibok ng puso ko at nanlaki ang mga mata ko sa gulat.

“Samahan mo na ako,” casual niyang sabi at binitawan na ako.

Hindi pa rin maalis ang gulat ko. Ang kaninang pag-iisip ko kung anong pakiramdam kapag nakadikit na ang labi niya sa labi ko ay nasagot ko na ngayon.

Hindi maipaliwanag na pakiramdam. Ang lambot ng labi niya at parang nanghahatak ng huwisyo kahit simpleng dampi lang naman ang ginawa niya.

“Tara na...” pag-aaya ko na sa kaniya dahil minadali ko na rin naman ang paglalagay ng mga gamit ko.

Nauna pa ako sa kaniyang maglakad palabas ng office niya. Labasan na rin ng ibang employees kaya naman makakasabay pa namin ang iba sa elevator.

“Ria...” pagtawag niya sa akin at bahagya akong hinatak palapit sa kaniya.

Marami pang sumakay kaya mas lalo lang akong nadikit sa kaniya. Nasa bandang likuran ko siya at ang gilid ko ay pader na ng elevator. Ang mga kasama naman namin ngayon ay sa harapan lang nakatingin pero alam kong alam nila na si Hirano ang kasama nila rito sa elevator.

Naramdaman ko ang kamay niyang pumulupot sa bewang ko. Nakaramdam ako ng kaba dahil baka kung anong isipin ng mga makakakita sa amin. Napakawalang pakielam naman kasi ni Hirano sa mga nagiging kilos niya.

“Sila kaya?” rinig kong sabi ng isang babae.

Nagsimula na silang mag-usap usap at nasisiguro kong kami ang pinag-uusapan nila. Ayaw ko sa atensyon sa totoo lang. Pero hindi maiiwasan dahil si Hirano ang boss ko.

“Tam, anong gusto mong kainin?” tanong ni Hirano. Taka ko siyang tiningnan. “Tinatangi at minamahal...” mahinang dagdag niya pa.

Umawang ang bibig ko sa kaniya dahil doon. Narinig ko ang mas lalong pag-uusap ng mga kasama namin sa elevator.

What the fvck, Hirano!

“Lason, Hirano. Lason ang gusto ko,” sagot ko sa kaniya pero tinawanan niya lang ako.

“You wanna taste my lips again?” bulong niya sa tainga ko. Talagang naglean pa siya para masabi iyon sa akin. What the fvck talaga.

Pakiramdam ko ay sobrang pula ko na ngayon dahil sa kaniya. Rinig na rinig siya ng mga taong malapit sa amin pero wala lang sa kaniya. Sigurado akong bukas o mamaya lang ay laman na ako ng balita tungkol sa kaniya.

“Hoy! Para saan ʼyon?” gigil na tanong ko sa kaniya nang makalabas at makalayo na kami sa elevator.

Tawa lang siya nang tawa sa akin ngayon. Hindi na maipinta ang mukha ko dahil sa kagagawan niya. Ako na talaga ang magiging usap-usapan dahil sa kaniya.

Seducing Mr. Hirano (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon