“Wait! Wait! Wait!”
Nagmamadali ako sa pagtakbo papunta sa elevator. Kamalas-malasang nasaraduhan pa rin ako. Kingina naman talaga.
“Punyeta! Late na ako sa interview!” banas na sabi ko at sinipa ang pader sa gilid ko. Ako lang din ang nasaktan sa ginawa ko.
“You can use the other elevator, Ms. Lebasi,” rinig kong sabi ng nasa likuran ko.
Mabilis akong napabaling sa pamilyar na boses na ’yon. How can I forget that voice at the first place tho.
“That’s for VIP only, Hir—Mr. Hirano!” namali pang banggit ko.
Palihim kong kinurot ang hita ko. Nasanay kasi akong Hirano lang ang tawag sa kaniya noon.
“You can use that,” sabi niya. Hindi ko alam kung ano ang tinutukoy niyang pwede kong gamitin. Ang Hirano ba o ang elevator?
“The meeting is about to start, Mr. Hirano. Let’s go!” sabi nung isang kasama niya.
Bumukas ang kabilang elevator kung saan pang VIP lang ang mga pwede. Hindi naman na nakakagulat na doon siya sasakay. He’s Edward Hirano, the famous and young tiktoker years ago until now. He’s so very famous.
“Come in, Ms. Lebasi. Huwag mo nang hintayin na hatakin pa kita papasok dito,” blankong sabi niya pa.
Para akong alagang aso na mabilis sumunod. Tatlo lang kaming nandito ngayon sa loob ng elevator. Nasa harapan ang lalaking kasama niya, nasa gilid naman ako at nasa likuran namin si Hirano.
“Ay Hirano!” mabilis kong natakpan ang bibig ko.
Nagulat kasi ako sa biglaan niyang paghatak sa akin. Magkatabi na kami ngayon at ang kasama namin ay wala namang pakielam sa aming dalawa dahil nakatingin lang ito sa harapan.
“So how are you, Ria? It’s been a year when we last met,” mahinang sabi niya sa tainga ko.
Nagdulot ng kakaibang pakiramdam sa akin ang bawat bigkas niya. Ramdam na ramdam ko sa gawing leeg ko ang init ng hininga niya.
“I’m fine, Edward. I’m doing fine,” sagot ko. Pilit kong pinapatatag ang sarili ko.
Pakiramdam ko anytime matutumba ako dahil sa kaniya. Ramdam ko ang kamay niyang nakahawak ngayon sa bewang ko. I’m wearing formal suit pero ramdam na ramdam ko ang init ng palad niya.
D*mn you, Hirano. Ganito pa rin talaga epekto mo sa akin kahit isang taon na ang nakalipas.
--------
Thank you for letting me use your name, Edward Hirano;)
![](https://img.wattpad.com/cover/312706433-288-k839729.jpg)
BINABASA MO ANG
Seducing Mr. Hirano (COMPLETED)
Romansa©All Rights Reserved COMPLETED✔️ Started: June 7, 2022 Ended: June 29, 2022 Falling inlove with someone is the last thing I wanted to do. But why am I inlove with Mr. Hirano? The guy that I need to seduce for money.