07

213 22 3
                                    

Boys lowkey exposing themselves. Sinasabi nilang huwag magsusuot ng maiikli ang mga girlfriend nila dahil baka mabastos, lalaki raw sila kaya alam nila kung anong nasa isip ng kapwa lalaki nila.

“Isukat mo na ʼtong mga ʼto,” sabi ni Cielo kaya naalis ang paglalakbay ng isip ko.

“Lahat ʼyan?” gulat na tanong ko. “Hindi ako nagsusuot ng ganiyan,” dagdag ko pa.

Puro mga dress, cropped top, palda at kung anu-ano pang mga sexy outfit ang gusto niyang ipasuot sa akin.

“Bagay sa ʼyo ʼyan. Ako ang magbabayad lahat donʼt worry. Hindi rin kasama sa sahod mo ʼyan,” sabi niya at tinulak na ako papasok sa fitting room.

Pinglalagay niya lahat ng mga napili niya sa upuang nandito sa loob ng fitting room. Wala akong nagawa kundi ang magsukat na nga. Inuna ko ang off-shoulder fitted longsleeve blouse. Maganda naman ang mga tela, sadyang hindi lang ako nagsusuot ng ganito.

“Hindi ko na isusukat lahat, kasya naman sa akin kahit alin sa mga napili mo,” sabi ko paglabas.

Tiningnan niya ang suot ko. Napapalakpak pa siya at tuwang-tuwa. Hindi naman maipinta ang mukha ko. Naiilang ako kapag ganito ang suot.

“I told ya! Ang ganda ganda mo!” puri niya pa sa akin. Hinarap niya ang saleslady. “Iʼll buy all of that. Thank you!”

Agad namang kinuha nung saleslady ang mga damit na napili ni Cielo. Bumalik ako sa fitting room para magpalit ng damit. Hindi ko talaga kayang tagalan ang ganoʼng klaseng damit. Mas komportable pa ako sa t-shirt lang. Iʼm not into sexy or daring clothes talaga.

“Isuot mo lahat ng ʼto araw-araw. Minsan ay kung saan-saan pa naman nagpupunta si Edward dahil sa mga projects niya. Para magandang maganda kang tingnan,” excited pang sabi niya.

Bitbit ko na ngayon ang mga pinamili namin. Isang shop pa ang pinasukan namin at mga sandals naman iyon. This is a big no for me. Hinding-hindi ako magsusuot ng mga sandals na may takong. Never!

“Sukat mo ʼto,” sabi niya at nilapag sa harapan ko ang isang sandals na kulay pula. Ang taas ng heels kingina.

“Ayaw ko. Hindi ko kayang magsuot ng ganiyan,” umiiling kong sabi sa kaniya.

Nagsalubong ang kilay niya sa akin. “Alangan na magrubber shoes ka kapag suot mo na ang mga binili nating damit,” sarcastic niya pang sabi sa akin.

“Hindi ko kaya ang ganiyan kataas na heels,” mahinang sabi ko.

4 inches yata ang taas nung heels na pinapasukat niya sa akin. Baka pagtayo ko pa lang ay matumba na ako, paano pa kaya kapag lumakad ako gamit iyon.

“Pagsanayan mo. Cʼmon isukat mo na!” Pumapadyak pa siya na parang bata. Sheʼs cute tho.

Wala akong nagawa kundi ang isukat na nga ang heels. Para akong tatakasan ng sarili ko dahil nang maisuot ko na iyon ay ang taas talaga. Pakiramdam ko ay nalulula ako at matutumba na.

“Walk, Alexis. Lemme see if you can handle that,” utos niya pa sa akin.

Nagbuga ako ng isang malalim na hininga at sinubukang maglakad. Inisip ko lang na parang naglalakad lang ako gamit ang rubber shoes. Kabado ako dahil baka matapilok ako pero kailangang manaig ang tapang ko. Kaya kong maglakad gamit ang bwisit na high heels na ʼto.

“Perfect!” Pumapalakpak na naman si Cielo.

Para siyang nanay ko na tuwang-tuwa sa achievements na nakukuha. Ganoʼn siya umasta ngayon, e. Tuwang-tuwa at bilib na bilib sa akin.

“What size is that? Letʼs buy more sandals for you,” excited niyang sabi.

Naupo na ako para hubarin ang sandals na suot ko. Hindi ko na sinukat ang iba pang napipili niya. Bahala na siya kung anong gusto niyang bilhin para sa akin.

Seducing Mr. Hirano (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon