Isang oras na yata akong naghihintay sa may-ari ng apartment na balak 'kong upahan. Galing akong probinsya at ngayon ay naghahanap ako ng apartment na pwedeng tirahan. Nakahanap na kasi ako ng trabaho kanina lang bilang crew sa isang fast-food chain. Buti na lang may pera ako para makahanap pa ng bahay na uupahan dahil kung wala baka may trabaho nga ako pero sa kalsada ako manirahan.
Umalis na kasi ako sa tiyahin ko dahil sa Mandaluyong pa sila. Masiyado iyong malayo para rito sa trabahong nahanap ko. Kaya ito naghahanap ako ng matitirahan.
Sa wakas dumating na rin ang may-ari ng bahay. Binuksan niya ito at pinapasok ako. Inilibot niya ko sa bawat pwesto ng apartment. May kalawakan ang sala. May banyo rin ito, syempre. May kusina at may dalawang kwarto. Bungalow lang ang style ng apartment kaso sa laki nito hindi ko yata kayang upahan mag-isa ito.
"Ate magkano po ba upa rito?" Tanong ko sa may-ari ng apartment.
"Sa totoong presyo nito siyam na libo, pero dahil may makakasama ka naman at pogi ka, pitong libo na lang" sagot niya habang nagpapaypay
Ano raw? Siyam na libo? Ang taas nagbibiro ba siya?
"Biro lang hijo, anim na libo lang ang upa, may makakasama ka rin dito, hintayin na lang natin siya" sabi ng ale na parang nababasa ang iniisip ko.
Isang oras pa ulit kaming naghintay sa pagdating daw ng makakasama ko. Sa sobrang tagal niya umalis muna iyong may-ari ng bahay dahil may ginagawa raw siya sa kanila. Malapit lang daw ang bahay niya rito. Tatlong bahay lang ang pagitan mula sa apartment na ito. Thirty minutes pa ang nakalipas sa pag-iintay ko kay ate at sa makakasama ko raw. Naglibot muna ako sa buong bahay. Pumasok ako sa isang kwarto para tingnan iyon. Hindi siya kalakihan pero pwede na para sa isang tao. May kahoy na aparador sa loob. May kalakihan iyon at siguradong luwag pa ang mga damit ko dahil hindi naman marami ang damit ko. Mayroon ding higaang kahoy pero wala itong sapin. Plain old wood bed.
Pumunta ako sa kabilang kuwarto para icheck din iyon. Naubo pa ko pagpasok ko dahil sa dami ng alikabok na napawid. Dito sa kwarto na ito ay may bintana sa bandang kanan na tanaw ang kalsada. Sa kabila may bintana rin pero walang tanawin doon, ding-ding lang ng kapit bahay. Katulad sa kabila may sariling aparador at higaan rin. Mas malawak lang ang kabilang kwarto kung iku-kumpara rito sa kuwarto kung nasaan ako.
"Aling kwarto ang sa'yo?" Gulat akong napatingin sa likod ko ng may mag-salitang lalaki.
Hindi ko man lang naramdaman na may tao na sa likod ko. Ni hindi siya nagsasalita kanina. Teka kanina pa kaya siya?
Napatingin ako sa kanya ng may katagalan. Halos pantay lang kami. Mas maputi siya sa akin, moreno kasi ako. Maganda rin ang katawan gaya ko. Ako kasi batak sa gawain sa probinsya at siya parang batak sa exercise sa gym. Sumagot lang ako ng magsalita siya ulit.
"P're?" tawag niya sa akin.
"Dito na lang ako, ikaw ba makakasama ko?" tanong ko sa kanya.
Tumango lang siya at lumakad na papunta sa kabilang kwarto. Narinig ko pa ang pagsara ng pinto niya. Ipinatong ko na lang muna ang gamit ko sa katre at lumabas. Paglabas ko ay nasa labas na rin ang kasama ko sa bahay dala ang bag niya. Hindi parin bumabalik si ate. Nilapitan ko siya.
"P're, anong pangalan mo?" tumingin siya sa akin at huminto.
"Alwin" maiksing sagot niya
"Mychael Viaje" sagot ko naman, inabot ko pa ang kamay ko para makipagkamay.
Binaba niya ang bag niya at inabot din ang kamay ko.
At doon nagsimula ang lahat.
* * * * *
D I S C L A I M E R
All Characters, Places, Events, or Names are unintentional and implicit. All Characters, Places, Events, or Names are the result of the creative thinking of the Author of this story.
Please be patient with any grammatical errors or anything you may notice wrong in this story. I will try to edit them when I have finished this story. Thanks a lot. Enjoy reading! :)
®All Rights Reserved 2022
BINABASA MO ANG
Pare Mahal Mo Raw Ako?
RomanceAlam nating ang pag-ibig ay hindi isang tanong. Bigla na lang itong dumarating sa atin. Walang explanation, walang kahit anong rason. Pero anong gagawin natin kapag nandiyan na? Tutuloy ba tayo o Isusuko na lamang ito kahit na alam mong sobra kang m...