Alwin's P. O. V.
Sa tatlong taong pagiging magkasintahan namin ni Liz, masasabi kong maayos kami. Halos isipin ko na ngang perfect ang relasyon naming dalawa. Tumatakbo ito nang naaayon sa ginusto namin. May mga araw na kapag may sakit ako ay siya ang nag-aalaga sa akin. Ayaw na ayaw niya akong magkasakit dahil nanghihina rin daw siya. Sobrang lambing ni Liz, wala ka nang hahanapin pa sa kanya. Siya na ang definition ko ng babaeng gusto kong pakasalan at kasamang bumuo ng pamilya.
Hanggang sa dumating ang ikatlong anibersaryo namin. Maraming nagsasabing ang 3 and 7 years ng relasyon ang susubok sa inyong dalawa. Ang magbibigay ng pagsubok para subukin ang tatag ng relasyon niyo. At ngayon mukhang naniniwala na ako sa mga ito. Madalas na kaming mag-away ni Liz sa hindi ko malamang dahilan.
Noong anniversary namin, masama ang pakiramdam ko simula pa noong araw bago ang araw ng anniversary namin. Pero pinilit kong pumunta sa date namin. Imbis yata na maging masaya ang date at ang celebration e, napasama pa. Bigla kasing may tumawag sa kanya na "friend" at iniwan na lang ako sa restaurant kung saan kami nagce-celebrate. Umuwi akong malungkot at parang lalong bumigat ang pakiramdam ko.
Si Mychael pa ang nag-alaga sa akin kahit alam kong naaasiwa siya sa pag-aalaga sa akin dahil pareho kaming lalaki, awkward kumbaga. Pero ginawa niya pa rin.
Noong nakaraang linggo nakikipaghiwalay si Liz, nagmakaawa pa ako sa kanya para lang 'wag akong hiwalayan. Pero wala e, hindi ko na nagawa pang pigilan siya. Narinig ko na lang ang boses ng isang lalaki sa kabilang linya. Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa noon. Pero hindi ako pumayag, nang mga sumunod na araw ay inisip ko ng sobra kung pupuntahan ko ba siya. Sa huli ay napagdesisyunan ko siyang puntahan.
Nang paalis ako ay tinanong pa 'ko ni Kel kung sa'n pupunta, sabi ko na lang na sasamahan ko si Liz at may date rin kami ni Liz. Kahit alam ko naman sa sarili ko na wala na kami. Tumango lang siya at sinabihan kaming nag-ingat.
Nasa tapat ako ng condo ni Liz pero wala akong lakas ng loob na pumasok o kumatok man lang. Nanghihina ang tuhod ko, hindi ko alam kung gugustuhin niya pa ba akong makita o ano. Nang kakatok na ako ay biglang bumukas ang pinto at nakita ko sa harap ko si Liz. Mukhang nagulat pa siya nang makita niya ako.
"A-alwin? Anong ginagawa mo rito?" Nauutal niya pang tanong.
Putangina.
Ang sakit pota! Ngayon ko lang naramdaman lahat ng sakit na nararamdaman ko sa kanya. Kesyo mag mukha akong tanga rito. Lumuhod ako sa harap niya at hinawakan ang kamay niya.
"Liz, may nagawa ba ako? Sabihin mo naman kung mero'n. 'Wag namang ganito Liz, putangina mahal na mahal kita. Huwag ka namang unfair!" Hindi ko na napigilan ang emosyon ko. Patuloy pa rin ako sa pag-iyak sa harap niya. Muli akong tumingin sa mukha niya. Nakita kong umiiyak din siya pero hindi siya makatingin sa akin.
"Alwin, wala, wala kang kasalanan. I-I just fell out of love." sagot niya nang hindi man lang ako binalingan ng tingin.
"Putanginang reason 'yan Liz!, fell out of love? Ginagago mo ba 'ko? Mahal natin ang isa't isa Liz! Sumumpa tayo na tayo na ang end-game pero anong fell out of love? Tangina! Sabihin mo lang kung may bago ka na at hindi na kita guguluhin kahit halos durugin na nito ang puso ko sa bilyon-bilyong piraso!" galit na sagot ko sa kanya.
Hindi ko siya magawang sigawan kahit sobrang galit ang nararamdaman ko. Ayokong mawala si Liz sa akin. Pinangako ko na siya lang ang tanging babaeng mamahalin ko. Pero bakit gano'n? Mahirap ba talagang magbigay ng buong puso sa isang tao? Na lahat ng kapalit nito ay puro sakit lang? Tangina talaga!
Binitawan niya ang mga kamay ko "Sorry we're not the couple we used to, I'm sorry Alwin." Sabi niya bago isinara ang pinto ng condo niya.
I was left dumbfounded outside her condo. Ilang minuto pa 'kong tumayo sa harap ng condo niya habang patuloy ang pagpatak ng mga luha ko.
"Mukhang wala na talagang pag-asa, Goodbye Liz, I love you!" Bulong ko pa bago tuluyang umalis. Nag-ikot muna ako kung saan-saan bago ako umuwi. Naisipan ko ring uminom mag-isa dahil wala naman si Kel. Hindi ko alam kung nasaan siya, wala naman siyang sinabi kung saan siya pupunta.
Nakaka-anim na bote na 'ko ng alak pero parang wala pa rin itong epekto sa akin. Habang umiinow ako ay tinititigan ko ang picture ni Liz sa cellphone ko. Walang salitang gustong lumabas sa bibig ko. Tanging luha lang nararamdaman kong patuloy na lumalabas. Gusto ko siyang murahin, gusto kong ipamukha sa kanya na mahal na mahal ko siya. Handa kong gawin ang lahat para sa kanya. Lahat-lahat 'wag lang siya umalis. Pero wala hindi na siya mapigilan pa, ayaw niya na sa akin dahil nakahanap na siya ng mas gwapo? Mas mayaman? Kaya siyang pasayahin?
"Hindi ka ba naging masaya sa akin Liz?" Tanong ko sa picture niya. "Tangina Liz sana noon palang sinabi mo na! Hindi 'yung ganitong binaliw mo muna ako bago mo ako iwan. Mahal na mahal kita Liz. Sobra!" Patuloy pa rin ang pag-iyak ko habang nakatitig sa picture niya.
Tumayo ako para sana kumuha pa ng pulutan sa ref nang bigla akong matumba. Hilong-hilo na 'ko, ngayon ko lang naramdaman ang tama ng alak sa akin. Hawak ko sa kaliwang kamay ang bote at sa kanan ay ang cellphone ko. Hindi ko na namalayang nawalan pala 'ko ng malay.
Nagising ako at nakita ko ang sarili kong nakahiga sa kama ko. Hindi naman nagbago ang suot ko. Medyo nahihilo akong tumayo at lumabas ng kwarto ko. Umaga na, buti na lang at linggo walang pasok, day-off namin ngayon. Naabutan ko si Kel nagluluto sa kitchen, lumapit ako ro'n at uminom ng tubig.
"Morning p're" bati ko sa kanya.
Nakatalikod siya sa akin at nakahubad ng damit habang nagluluto, tanging boxer lang ang suot. Bahagya siyang nagulat at napatingin sa akin.
"Oh, andiyan ka na pala, morning, kumusta pakiramdam mo? Lasing na lasing ka kagabi gago" natawa pa siya bago binalik ang tingin sa niluluto niya.
"Medyo nahihilo pa, pero kaya ko naman. Ikaw nagdala sa akin sa kwarto?"
"Oo gago, ang bigat mo 'lang'ya ka"natatawa pa rin siya.
Sobrang sipag nito ni Mychael or Kel, siya ang naglilinis nitong bahay dahil ayaw niya raw ako ang maglinis kasi wala namang nangyayari. Totoo naman hindi ko alam bakit kapag siya talagang may naiiba at 'pag ako e, wala. Nitong mga nakaraan siya na rin nang siya ang nag-aalaga sa akin. Katulad kagabi siya parin pala ang nag-lipat sa akin sa kwarto. Suwerte ng mapapangasawa ni Kel dahil mukhang family oriented siyang tao. Masipag, masayahin at hindi mo mararamdaman na may problema ka kapag kasama mo siya. Siguro kung babae 'to baka siya ang niligawa ko at hindi si Liz.
Pota, ano ba 'tong naiisip ko pati si Kel nadadamay. Iba ka talaga Liz, grabe ka!
Nang matapos siya magluto ay inihanda niya iyon at sabay kaming kumain. Nagkwentuhan din kami habang kumakain. Hanggang itanong niya kung bakit mag-isa lang akong uminom dito sa bahay. Sinagot ko na lang na naisip ko lang at wala kasi siya kaya wala akong naaya. Nalaman ko na nagpunta pala siya kina Rico katrabaho namin dahil nagkasakit ito. Napatango na lang ako. Pagkatapos ay sinabi kong ako na ang magliligpit at maghugas ng plato pero hindi siya pumayag dahil may hangover pa raw ako baka mabasag ko pa plato. Hinayaan ko na lang siya at bumalik sa kwarto ko.
Humiga ako at pumikit nang bigla akong may maalala. Naalimpungatan ako kagabi at parang nakita ko si Kel sa harap ko hawak ang mukha ko. Pero hindi ako sigurado kasi sobrang lasing pa 'ko baka naimagine ko lang nang dalhin niya 'ko rito sa kwarto ko. Pero ang napapansin ko sa kanya. Sa limang taon naming magkasama sa bahay. Parang unti-unti siyang nagbabago, hindi sa masamang paraan. Nagiging caring siya sa akin, lahat ng gawin ko pinagmamasdan niya 'ko. Halos isipin ko nang nababading na sa akin si Kel e, pero hindi baka sadyang ganyan lang sila dahil lumaki siya sa maayos na pamilya.
Saglit kong nakalimutan ang problema ko kay Liz nang maisip ko si Kel. Laking pasalamat ko talaga na mayroong mga taong katulad niya. Na halos hindi isipin ang sarili para sa ibang tao. Sana lang matagal kaming maging ganito. Sana maging matagal kaming magkasama bilang matalik na magkaibigan.
BINABASA MO ANG
Pare Mahal Mo Raw Ako?
RomanceAlam nating ang pag-ibig ay hindi isang tanong. Bigla na lang itong dumarating sa atin. Walang explanation, walang kahit anong rason. Pero anong gagawin natin kapag nandiyan na? Tutuloy ba tayo o Isusuko na lamang ito kahit na alam mong sobra kang m...