C H A P T E R • S I X

26 2 0
                                    

Mychael's P. O. V.

"Walang sinasabi sa akin si Rico" kibit-balikat na sabi ni Vincent.

Inaya ko siyang lumabas dahil isang linggo na simula noong malaman ni Rico iyong sikreto ko. Sa totoo lang hindi rin ako sigurado kung si Rico ba talaga 'yun o guni-guni ko lang dahil wala pa akong tulog no'n. Kaya naisipan kong kausapin si Vincent kung may sinabi ba sa kanya si Rico.

"Gano'n ba? P're hindi ko na alam gagawin ko. Hindi rin naman ako sigurado kung si Rico nga ba 'yun pero p're parang siya talaga"

"Sigurado naman akong sasabihin sa akin ni Rico 'yun kung siya nga 'yon. Pero alam mo kung ano ang sure ako? Hindi niya sasabihin sa kahit kanino 'yun" paninigurado niya sa sinabi niya.

Kung si Rico man 'yon, may tiwala naman ako sa kanya ang kaso lang baka madulas siya at masabi niya kay Alwin. Mahirap na baka kung ano pang maging reaksyon ni Alwin at hindi ko kayang makita kung ano man iyon.

Nang matapos kaming mag-usap ni Vincent ay agad din siyang umalis. May lakad pa raw kasi siya at may ime-meet na mga friends pa. Nalaman ko rin sa kanya na sila ni Rico ay FuBu. Nagulat ako no'ng una dahil hindi ko naisip na sa kanila pang dalawa mangyayari 'yon pero wala e, dalawa raw silang nagkasundo. So I just deal with it, hindi naman ako apektado nang kung anong mayroon silang dalawa.

Umuwi na rin lamang ako dahil wala naman akong ibang gagawin. Nitong mga nakaraan madalas ding umaalis si Alwin ng hindi nagpapaalam sa akin. Pero bakit nga naman ba siya magpapaalam 'di ba? Pero it still bothering me. Baka kung saan-saan siya pumupunta e.

Nang makarating ako ng bahay ay wala namang tao. Lumapit ako sa kwarto ni Alwin para i-check kung natutulog ba siya pero nang bubuksan ko na iyon ay naka-lock.

Hindi siya nagla-lock ng pinto ng kwarto niya. Dahil sinabihan niya 'kong hindi siya magla-lock kasi minsan ay tulog mantika siya para naman magising ko siya kung kinakailangan. Kaya bago ito, pinagsawalang-bahala ko na lamang iyon at pumasok sa kwarto. Nagpalit ako ng damit at humiga muna saglit.

Nagse-cellphone ako ng may marinig ako. Boses na humahalinghing, bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko malaman ang dahilan basta kinakabahan ako. Tumayo ako at lumapit sa pinto. Bahagyang nawala ang ingay kaya lumabas ako ng kwarto.

Wala namang tao?

Lumakad ako papunta sa sala ngunit pagtapat ko sa kwarto ni Alwin ay may narinig akong muli.

"Oh! Damn! Alwin... Ugh! God!!"

Para akong napako sa kinatatayuan ko. Naririnig ko lahat. Lahat-lahat, bawat salita, ungol at kahit halinghing. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Para akong nabingi, parang tumigil ang lahat ng mga oras na iyon. Alam kong wala akong karapatan sa kanya. Pero pucha, parang sobra naman yata 'to!

Unti-unting tumulo ang maiinit na luha mula sa aking mga mata. Kahit anong gawin kong punas hindi sila tumitigil sa pagpatak. Ikatlo, ito ang ikatlong beses na umiyak ako nang dahil sa kanya. Ilang ulit pa ba? Ilang ulit ko pa bang lolokohin ang sarili ko?

Nakatayo parin ako sa labas ng kwarto niya. Hindi kumikibo, hindi nagsasalita, at patuloy lang ang luha sa pagpatak. Biglang bumukas ang pinto ng kwarto niya. Iniluwa siya nito, mabilis niyang isinara iyon ng makita ako. Marahan akong tumingin sa kanya at tinitigan siya sa mata.

"P-pre anong nangyari? B-bakit ka umiiyak?" nag-aalalang tanong niya.

Nakatitig lang ako sa kanya. Bakas sa mukha niya ang pagtataka. Pareho lang kaming nakatingin sa isa't isa. Bigla na lang akong napangiti ng mapakla. 'Yung ngiting parang wala lang. Walang emosyon. Hahawakan niya sana ako nang bigla akong umatras, ginawa ko iyon para umiwas sa kanya.

Pare Mahal Mo Raw Ako? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon