C H A P T E R • F I V E

26 2 0
                                    

Mychael's P. O. V.

Simula nang marealize ko kung anong tunay kong nararamdaman kay Alwin. Hindi ko mapigilan ang sarili kong mangamba. Dahil ni minsan hindi pumasok sa isip kong hahantong ako sa ganito. Magmahal sa kapwa ko lalaki. Hindi pala madali, lalo na at kaibigan ko pa ang lalaking gusto ko. Napapatanong ako sa bawat araw na lumilipas.

Paano kung malaman niya?

Paano kung hindi matanggap?

Paano kung pandirihan niya ako?

Paano kung ako lang pala ang nakakaramdam ng ganito?

Paano? Paano?

Napaka-raming paano sa isip ko pero ni isa ay wala akong masagot. Walang maisagot dahil ayaw kong malaman ang sagot. Natatakot ako sa sagot sa mga tanong ko. Hindi ko pa rin talaga maunawan kung papaanong nagkagusto ako sa kanya. Gano'n ba talaga ang pag-ibig? Puno ng misteryo at kapag dumating sa'yo, boom! Siguradong matatameme ka dahil sa hirap intindihin nito.

"P're kanina ka pa tulala riyan, ano bang iniisip mo?" tanong niya.

Hanggang ngayon iniisip ko kung alam na ba niya ang laman ng puso ko. Kung nahahalata na ba niya ang kinikilos ko. Paani kung alam na niya? Paano kung hinihintay niya lang na sabihin ko para mapaalis na niya ako ngayon. Pinapakisamahan lang kaya niya ako? Pinandidirihan? Kinamumuhian?

Tangina naman Alwin! Anong ginawa mo sa akin? Bakit hindi kita maalis sa sistema ko? Kahit anong gawin kong panglilibang sa sarili ko. Ikaw at ikaw pa rin ang pumapasok sa akin. Tangina, please ayoko! Tulungan mo 'ko?

Alwin? Naririnig mo ba ako? Tulungan mo naman akong itigil na ang kabaliwang ito. Alwin please pare tulong.

"Hoy! Mychael kanina pa kita kinakausap" nabalik ako sa reyalidad ng bahagya siyang sumigaw.

"A-ano 'yun Alwin?" walang buhay kong tanong.

Napakunot naman ang noo niya sa sinabi ko. Hala? May nasabi ba 'ko? Gago ano bang sinabi ko?

"Alwin? Bakit naka first name basis ka ngayon? May problema ba?"

Nakahinga ako sa tanong niya. Tama siya, tinatawag ko lang siya sa first name niya kapag may problema ako. Kaya siguro siya nagtaka kung bakit Alwin ang tawag ko sa kanya, madalas kasi ay p're o kaya naman Win.

"Wala p're, 'yun lang naisip ko haha" pinilit ko pang tumawa para mapaniwala siya. Mukha namang effective tumango-tango siya at bumalik sa pagkain.

Oo Alwin may problema ako. Ikaw ang problema ko, ikaw at ang lintik na pagmamahal na 'to.

Sabi ko sa sarili ko. Nasa bahay lang kami ngayon at nagta-tanghalian. Day-off namin ngayon at siguradong may alis na naman kami. Si Rico pa ba, walang palya sa inuman 'yon.

Simula noong makausap ko si Vincent ay madalas ko na rin siyang sabihan sa lahat ng nangyayari sa akin o sa amin ni Alwin. Katulad ng pangungulit minsan ni Alwin na samahan siya kung saan-saan. Pero kapag sinasabi kong yung girlfriend niya ang ayain bigla namang mawawala mood. Bigla tuloy akong manunuyo na akal mo shota ko siya na nagtatampo. Natawa pa 'ko sa thought habang kinukwento kay Vincent.

Hindi ako bakla, pero I identify myself as bisexual. Dahil naalala ko noon na may classmate rin ako noong elementary na nagustuhan ko dahil sa sobrang bait niya. Akala ko nga nawawala ang gano'n kapag matagal ka nang hindi nagkakagusto. Pero para lang pala iyong taong pagod dahil nagpahinga lang at nang makita ang lakas niya o ang taong gusto niya ay muli itong mabubuhay at lalakas. Gano'n siguro ang nangyari sa akin.

Pare Mahal Mo Raw Ako? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon