C H A P T E R • F O U R

39 4 0
                                    

Mychael's P. O. V.

"Thank you sir!" pagpapasalamat ko sa manager namin dito sa trabaho. Lumabas ako ng restaurant.

Tapos na ang shift ko at gano'n din si Win. Madalas kaming sabay lumabas pero naghihiwalay rin kami dahil sa gym siya dumederetsyo pero ngayon sasabay raw siya at wala siyang gana mag-gym. Tumango na lang ako sa kanya. Sabay kaming naglalakad papunta sa sakayan nang makasalubong namin si Rico. Mag-isa lang siyang naglalakad.

Nasaan si Vincent?

"P're ba't mag-isa ka lang?" magtatanong pa lang sana ako nang magtanong na si Win.

"A-ano p're, masama raw timpla ng tiyan niya. Hindi kaya p-pumasok! Oo 'yun" may pagturo pa siya sa amin.

Napangisi naman ako sa kanya kaya tiningnan niya 'ko ng nagtataka. Ayokong isipin 'to pero mukhang nagkatotoo ang biro ko. Hindi ko inaalis ang tingin ko sa kanya hanggang siya na ang mailang at umiwas.

"Sige mga p're una na 'ko" lumakad siya at huminto sa tapat ni Win "Iyang kasama mo, mag-ingat ka, baliw na 'yan" akmang hahawakan ko siya nang bigla siyang tumakbo palayo ng nakatawa. Dinilaan pa kami bago tuluyang pumasok sa loob.

Nagpatuloy lang kaming maglakad ni Win hanggang sa marating namin ang sakayan. Walang umiimik sa aming dalawa. Ang awkward pa dahil kami lang dalawa ang nandito sa sakayan. Walang kahit sino o anong kasama namin. Hindi ko alam kung bakit habang tumatagal ay nagiging awkward lahat ng bagay kapag magkasama kami. Hindi naman dating ganito pero hindi ko alam kung bakit. Naramdaman ko ang bilis ng tibok ng puso ko.

Ano na naman bang nangyayari? Napapadalas ka na ah, baka gusto mong sabihin kung bakit ka ganyan? Pagkausap ko sa sa puso ko.

Naramdaman kong may humila sa akin. Nakita ko na lang ang sarili kong hawak ni Win ang kamay ko at hinihila papunta sa isang mini-bus. Dumoble ang kabang nararamdaman ko.

Bullshit!

Nang makasakay na kami ay nagtabi kami sa upuan. Medyo lumayo ako sa kanya, tama lang para magka-space kaming dalawa. Napatingin siya sa akin pero ibinalik ulit ang tingin sa kumukuha ng bayad. Mag-aabot na sana 'ko ng pinigilan niya.

"Ako na" sabi niya nang i-abot ang bente pesos sa konduktor.

Hinayaan ko na lang siya. Ibinaling ko na lang ang tingin ko sa kalsada at pinakalma ang sarili ko. Nang kumalma ay ipinikit ko ang mata ko, ngayon ko lang naramdaman ang pagod sa trabaho. Hindi ko namalayang nakatulog pala 'ko.

Napamulat ako ng may tumapik sa pisngi ko. Tuluyan 'kong iminulat ang mata ko ng mapansing inangat ko ang ulo ko mula sa balikat niya.

Gago?

Bigla akong napatayo at mabilis na lumabas, halos hindi ko na siya hinintay dahil sa muling pagbilis ng tibok ng puso ko. Narinig ko pa siyang sumigaw ng "hintay" pero hindi ko iyon pinansin tuloy lang ako sa paglalakad ng mabilis. Hanggang makarating ako sa bahay. Pagpasok ko ay dumeretsyo agad ako sa kwarto ko at nilock iyon.

"Gago! Gago! Gago!" Paulit-ulit kong bulong sa sarili ko "Tanga ba't ganito? Gago! Masiyado yata akong OA? Hala gago baka mahalata niya? Tangina talaga oo!" Patuloy pa rin ako sa pag-kausap ko sa sarili ko.

Paikot-ikot ako sa kwarto kakaisip sa nangyari kanina. Sigurado naman akong wala lang sa kanya 'yon pero ba't ganito epekto sa akin. Pota, nakakabaliw na 'to. Kailangan ko nang may mapagsabihan nito. Hindi ko na alam gagawin ko kapag tumagal pa 'to.

"P're? Anong nangyari?" napatingin ako sa pinto ng kwarto ko ng marinig ko si Win.

Hala oo nga pala, iniwan ko si Win. Napasampal na lang ako sa noo ko dahil sa kagaguhan ko.

Pare Mahal Mo Raw Ako? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon