Mychael's P. O. V.
Tama naman ang ginawa ko 'di ba? Tama lang na sinabi ko sa kanya ang nararamdaman ko hindi ba? Tama lang na malaman niya ang totoo. Na mahal ko siya. Paulit-ulit kong tinatanong noon sa sarili ko kung dapat bang sabihin ko sa kanya. At ngayon ko napatunayang tama. Tama na sinabi ko dahil ang ineexpect ko at ang sagot niya ay iisa.
Sa ngayon ay hindi ko alam ang gagawin ko. Walang pumapasok na kahit anong ideya o gawain sa sarili ko. Sa kahit ano kasing gawin ko mukha niya at ang nangyari noong nakaraang araw ang naalala ko. Tatlong araw na mula noong gabing iyon ay patuloy kong iniiwas ang sarili ko sa kanya. Hindi ko alam kung tama ba ang ginagawa ko pero sa tingin ko ay makakabuti ito para sa aming dalawa.
"Huy! Mychael lumilipad na naman iyang isip mo." Nabalik ako sa ulirat nang biglang magsalita si Rico sa gilid ko.
"May iniisip lang."
"Si Alwin na naman ba 'yan?" Tanong niya ulit
Hindi ko siya sinagot. Totoo naman, si Alwin lang naman ang iniisip ko nitong mga nakaraan. Nazo-zone out ako dahil sa kanya. Okupado niya bawat sulok ng puso't isip ko.
"O sya, sige lalabas lang ako para bumili ng pagkain natin." paalam niya sa akin.
Nandito ako ngayon sa apartment nila ni Vincent. Umalis na ako sa apartment namin ni Alwin. Iyon ang tamang gawin dahil wala namang mangyayari kung mananatili pa ako roon. Sinabihan ko na rin si Ken na narito ako para hindi na siya pumunta sa apartment. Hindi ako nagpaalam kay Alwin dahil ayoko rin namang ipaalam sa kanya na aalis ako. Wala rin namang saysay na sabihin ko pa sa kanya dahil alam ko namang hindi rin niya ako pipigilan.
Tumayo ako at nagsimulang maglinis sa apartment nina Rico. Nilinis ko bawat sulok para lang makalimot. Ginawa ko lang ng pwedeng gawin para madistract ang isip ko. Tutal mag-isa lang naman ako rito dahil pumasok si Vincent at nasa labas naman si Rico para bumili ng pagkain.
Nagresign na rin ako sa trabaho dahil makikita at makikita ko lang din doon si Alwin. May ipon na rin naman ako kaya ayos lang kahit umalis ako. Balak ko rin kasing umuwi ng probinsya at doon na muna. Para na rin makasama ko sina Mama at mga kapatid ko. At syempre para makalimutan ko na rin ang nararamdaman ko para sa kanya.
Kapagkuwan ay dumating na si Rico at nagsimula nang magluto ng hapunan namin. Ako naman ay naligo na rin dahil katatapos ko lang maglinis. Ilang minuto lang din ay dumating na si Vincent galing trabaho. Nang matapos ako maligo ay nagbihis ako at umupo sa may kusina.
"Hi mahal." bati ni Vincent kay Rico. Lumapit siya at yumakap mula sa likod ni Rico.
Tingnan mo 'tong dalawang 'to ang insensitive. Alam na may pinagdadaanan ako tapos ganito pa sa harapan ko.
"Ehem!" Pabiro kong pagtikhim.
Bigla namang umalis ng pagkakayakap si Vincent kay Rico. "Ay sorry friend." Tumingin sa akin si Vincent at nag peace sign pa.
Buti pa sila, walang pag-aming naganap pero ito maayos sila. Walang label pero sweet. Sana ganito na lang din kami. Stop! Don't think about it Mychael.
Napalingon kaming lahat sa may sala nang biglang tumunog ang cellphone roon. Lumapit si Vincent doon dahil kanya raw ang cellphone na tumutunog. Nang makalapit siya roon ay bahagya siyang napatigil at napatingin sa akin.
"Si Alwin."
Sinenyasan ko siya na sagutin ang tawag dahil baka hindi naman ako ang kailangan. Sinagot niya ang tawag at lumapit sa amin. Kasalukuyan na kaming naka-upong tatlo.
"Ila-loud speak ko" pabulong na salita ni Vincent. Ini-loud speak nan niya iyon.
"Hello p're" sa kabilang linya. Hindi pa rin nagbabago ang boses niya.
BINABASA MO ANG
Pare Mahal Mo Raw Ako?
RomanceAlam nating ang pag-ibig ay hindi isang tanong. Bigla na lang itong dumarating sa atin. Walang explanation, walang kahit anong rason. Pero anong gagawin natin kapag nandiyan na? Tutuloy ba tayo o Isusuko na lamang ito kahit na alam mong sobra kang m...