Alwin's P. O. V.
Sa bawat araw na dumaraan unti-unti kong napapansin na parang lumalayo sa akin si Kel. Lalo na noong araw na may inuwi akong babae rito sa apartment. Unang beses ko ginagawa iyon. Pero ang hindi ko lamang maintindihan ay kung bakit parang apektado rin si Kel dahil doon. Ilang beses ko na siyang nilapitan at tinanong noong unang beses ay sinabi niyang hindi ko raw magugustuhang malaman. Pero nitong mga sumunod ay panay secret na lamang ang sagot niya.
Kahit sa trabaho namin ay iwas siya sa akin sa hindi ko malamang dahilan. Hindi ako sanay na ganito siya sa akin. Kaya pinangako ko na hindi na ako ulit mag-uuwi ng babae sa apartment.
Isang buong linggo na ang lumipas pero patuloy parin siya sa pag-iwas sa akin. Nagkakaroon lamang kami ng usapan kapag ako ang nagsisimula ng topic. O kaya naman ay kapag toka niya ang gawain sa bahay. Pero hindi na gaya ng dati na kahit anong gawin namin pareho nag-uusap kami.
"Kel sabay na tayo umuwi mamaya" pag-aya ko sa kanya ng magkasalubong kami sa loob ng fast-food na pinagta-trabahuan namin.
"May pupuntahan pa ako, mauna ka na lang"
Kahit sa pag-uwi hindi na siya sumasabay. Kung hindi siya mauuna, ako naman ang papaunahin niya. Gano'n din sa bahay, hindi ko siya inaabutang gising kapag galing sa gimik. Hindi na siya sumasama sa labas ng tropa. Ang dami niyang excuses pero pinapayagan siya ni Rico dahil sinasabihan siya ni Vincent na hayaan na lang.
Lumipas ang mga oras at nag-out na kami ni Kel. Uuwi na dapat ako ng maisipan kong sundan siya. Ito lang ang paraan para malaman ko kung ano bang problema niya. Sinundan ko siya hanggang makarating kami ng Mandaluyong.
"Ano namang ginagawa niya rito?" Tanong ko sa sarili ko.
Naglalakad siya papasok sa isang eskinita, sinundan ko siya at sa tuwing lilingon siya ay nagtatago ako. Nagpalit din ako ng damit para hindi niya 'ko makilala kung sakali. Huminto siya sa tapat ng isang bahay. Kumatok siya sa pinto at bumukas ito. May lumapit sa kanyang batang babae kasunod nito ay isang dalaga.
"May anak na siya?" Tanong ko ulit sa sarili ko. Pumasok sila sa loob ng bahay kaya hindi ko na nasundan.
Nilapitan ko na lamang iyong lalaking naglalaro ng cellphone malapit doon sa bahay na pinagkatokan niya.
"P're puwede bang magtanong?" Sabi ko pagkalapit ko sa binatilyo.
"Teka lang baka mamatay 'tong nilalaro ko, ay puta namatay nga!" Sabi niya at napakamot pa sa ulo.
Binaba niya ang cellphone niya at tumingin sa akin. Kahawig siya ni Kel.
"Ay bakit po kuya?" tanong niya sa akin.
"Kilala mo ba 'yung pumasok na lalaki ro'n?" Itinuro ko pa ang pintuan na pinasukan ni Kel.
"Ay opo, si Kuya Keloy! Bakit po?" Keloy pala tawag nila sa kanya.
"Kaano-ano niya 'yung babae saka yung batang babae?" Tanong ko ulit
"Pinsan po namin si Kuya Keloy, iyong malaki na babae si Ate Rhyne anak niya naman iyong batang babae si Maicy. Ako naman si Dreivin kapatid ni ate Rhyne."
Pinsan lang pala akala ko asawa't anak na niya. Nagtanong lang ako kay Dreivin tungkol kay Kel. Nalaman ko na rito pala siya nakatira noon bago pa siya lumipat sa apartment. Pumupunta pala rito si Kel tuwing sahod namin dahil nag-aabot sa Tita niya at sa mga pinsan. Totoo nga na napakabait talaga ni Kel.
"Salamat Dreivin, sige una na ako! Huwag mo sasabihin kay Keloy na may nagtanong sa kanya." sabi ko sa kanya sabay abot ng pera.
Umalis ako ro'n at bumalik na sa apartment. Buti na lang at walang traffic kaya mabilis lang akong nakarating sa bahay. Kasalukuyan akong naghahanda ng hapunan ng dumating si Kel. Nginitian ko siya ng matanaw niya ako. Pero hindi niya ako pinansin at nagderetsyo lang sa kwarto niya.
BINABASA MO ANG
Pare Mahal Mo Raw Ako?
RomanceAlam nating ang pag-ibig ay hindi isang tanong. Bigla na lang itong dumarating sa atin. Walang explanation, walang kahit anong rason. Pero anong gagawin natin kapag nandiyan na? Tutuloy ba tayo o Isusuko na lamang ito kahit na alam mong sobra kang m...