C H A P T E R • E I G H T

20 1 0
                                    

Mychael's P. O. V.

Nagising ako nang maalimpungatan ako dahil sa ingay ng cellphone ko. Kinuha ko iyon at pinatay, umupo ako saglit at kinusot ang mga mata. Bigla 'kong naisip iyong nangyari kagabi.

"Hindi ko alam p're, baka ano.., baka mag-isip muna 'ko."

Bahagya akong natawa ng maalala ko iyong sinagot niya sa akin. Mag-isip? Hindi naman na kailangan iyon dahil hindi ko pa tinatanong alam ko na agad ang sagot. Bakit kasi ang unfair mo tadhana, sa kaibigan ko pa talaga.

Nang matauhan ako ay tumayo ako at lumabas ng kwarto. Nag-banyo muna ako bago pumunta sa kusina para magtimpla ng kape. Pagkatapos ay inilapag ko muna iyon sa lamesa at bumalik sa kwarto para kuhain ang cellphone ko.

Bumalik ako sa kusina at nag-open ng facebook. May notification doon kaya inopen ko 'yon.

Win Vergara commented on your post.

Sino ba 'yan? Upakan na'tin p're! :{

Upakan? Paano mo uupakan ang sarili mo. Nakakatawang isipin na kahit sinubukan kong aminin sa kanya kagabi e, wala man lang siyang napansin. Gano'n kaba talaga kamanhid Alwin para hindi mapansin lahat ng ginagawa ko?

Nang matapos na ako ay naisipan kong pumunta sa palengke para bumili ng mga sangkap ng lulutuin para sa almusal, tanghalian at hapunan. Pero kadalasan tuwing Linggo hindi na kami nakakapaghapunan dahil galing inuman. Naglakad lang ako papunta ro'n dahil malapit lang naman iyon.

"Ate ito po bayad" abot ko sa tindera.

Nag-ikot pa ako at hinanap ang ilan pang sangkap. Habang naglililingon ako ay may nakabangga ako.

"Oy, sorry-sorry"

"Oy so-, Mychael?" Sabi ng lalaking nakabangga ko.

Tinitigan ko siya para kilalanin at nang mapagtanto ko kung sino siya ay agad napa 'O' ang labi ko.

"Ken?"

"Oo, ako nga, kumusta ka na?"

Nakita ko si Ken, kababata ko. Sobrang close kami nito sa probinsya. Isa siya sa mga una kong naging kaibigan. Ang liit talaga ng mundo 'di ko akalaing makikita ko siya rito.

Nagpatuloy lang kami sa pag-uusap at nalaman kong dito rin pala siya nakatira. Pero kaklipat lang niya, lakarin lang mula sa amin. Dahil sa kabilang kanto raw sila. Inaya ko rin siya na sa bahay na kumain buti at pumayag siya.

Sinamahan ko muna siya sa kanila para ilagay roon 'yung mga gamit na pinamili niya. Mag-isa siya sa isang studio type apartment pero kumpleto na iyon sa gamit. Pagkatapos ay sabay na kaming pumunta sa bahay.

Nakarating kami sa bahay mga bandang 8 na, pinaupo ko muna siya sa sofa at pinagtimpla ng kape. Sinabihan ko siya magluluto lang ako almusal para sa amin. Nag-okay lang siya sa'kin.

Kapagkwan ay natapos na rin ako sa pagluluto.

"Ken halika na rito!" Sigaw ko sa kanya.

Lumapit siya papunta sa kusina at umupo sa tabi ng lamesa. Good for four naman itong dinning table namin kaya kahit magising si Alwin ay okay lang.

Habang kumakain kami ay nagku-kwentuhan tungkol sa aming dalawa. Single pa rin daw siya dahil hindi raw maganda iyong huling relasyon niya. Nagkwento rin ako na dalawa kami rito sa bahay at kung ano-ano pa.

"Good morning kel" sabay kaming napatingin ni Ken sa gawi kung saan may nagsalita. Nakita namin si Alwin kunoot noong nakatingin kay Ken.

"Good morning p're, upo ka na at kumain ka na rin" sabi ko sa kanya na sinunod niya naman.

Pare Mahal Mo Raw Ako? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon