C H A P T E R • N I N E

21 3 0
                                    

Mychael's P. O. V.

Mag-iisang linggo na akong hindi umuuwi sa apartment. Ayokong umuwi ro'n dahil ayokong makita si Alwin. Hindi ko pa kaya sobra-sobra na ang nangyari nitong nakaraan hindi ko alam kung kakayanin ko pa kung may isa pag daragdag. Narito ako sa bahay ni Ken, nakuwento ko na sa kanya lahat ng nangyari dahil alam kong mapagkakatiwalaan ko siya. Alam ko rin na hindi alam ni Alwin ang bahay ni Ken kaya kahit na malapit lang ito sa apartment ay rito pa rin ako tumuloy.

Pati trabaho ko ay hindi ko na pinapasukan. Ni hindi ko alam kung tinanggal na ba ako o ano. Hindi ko pa kayang mag-trabaho.

"Pasensya ka na Ken, nakakadagdag pa ako sa alalahanin mo." sabi ko kay Ken.

Mag-isa lang siya rito sa bahay na inuupahan niya kaya nakiusap na rin akong makikituloy na muna ako rito.

"Ano ka ba ayos lang! Hindi ka na iba sa'kin Keloy para na kitang kapatid." pagkunswelo niya.

Naiisip ko rin namang umuwi na sa apartment pero hindi ko alam kung paano. Hindi ko alam kung anong aabutan ko roon. Baka nakahanda na lahat ng gamit ko para umalis. Baka wala na akong lugar sa apartment na 'yon. Bak nandidiri sa akin si Alwin. Baka galit siya. Baka hindi niya ako matanggap. Baka hindi niya kayang makita ako.

Isa't kalahating linggo ang Lumipas.

Hanggang napagdesisyunan ko nang magpaalam na uuwi na ako.

Kumakain kami ng tanghalian ngayon. "Ken, uuwi na ako sa apartment." pagpapaalam ko

"Um, sigurado ka na bang kaya mo na?" tanong niya pa na agad ko namang tinanguan.

Ilang araw ko na rin namang pinag-isipan ito. Siguro ito na ang oras para harapin ko ang katotohanan. Alam kong hindi magiging madali ang lahat ng ito pero kailangan ko itong harapin. Hindi habang buhay magagawa ko itong taguan.

Nagpresinta pa si Ken na ihahatid ako pero tinanggihan ko siya dahil kailangan kong harapin ito ng mag-isa. Kasalanan ko naman lahat ito dahil hindi ko pinigilan ang sarili kong mahalin si Alwin.

Malapit na ako sa apartment at unti-unti ko naring nararamdaman ang pagkabog ng dibdib ko. Sobrang lakas dahil sa kaba at takot na nararamdaman ko. Ngayon ay nasa tapat na ako ng pinto ng apartment namin. Walang imik ako nakatitig sa pinto. Pinapakalma ko ang sarili ko bago ko buksan ang pinto.

Bago ko pa sana mabuksan ang pinto ay bumukas na ito at tumambad sa harap ko si Alwin. Nagkatinginan kaming dalawa. Bakas sa mga mukha niya ang pagod at hirap. Itim na itim ang ilalim ng kanyang mga mata. Wala na siyang tulog? Pumayat din siya.

"A-alwi--" magsasalita sana ako nang bigla niya akong yakapin.

Sobrang higpit, iyung yakap na parang ayaw niya akong pakawalan. Sa mga oras na iyon ay nawala ang kabang nadarama ko. Na-miss niya ba ako? Bakit ganito siyang yumakap? Kasi ako kahit ang sakit-sakit sigurado ako sa sarili kong na-miss ko siya.

"Saan ka ba nanggaling? Ang tagal kitang hinanap." Hindi pa rin siya bumibitaw sa pagkakayakap niya sa akin.

Hinanap niya ako? Biglang lumukso sa tuwa ang puso ko. So hinanap niya ako? Naglaan siya ng oras para hanapin ako? Hindi ko maiwasang mapangiti ngunit nawala rin iyon. Ano ba ako sa kanya?

Bumitaw na siya sa pagkakayakap niya sa akin.

"Halika pasok ka na." Hinawakan niya ang kamay ko at inaya ako sa loob.

Naglakad kami papunta sa sala at umupo sa sofa. Umalis siya sa harap ko at nagtimpla ng juice para sa akin. Ang dami niyang ginawa, tinanong niya pa ako kung kumain na ba ako at ipagluluto niya raw ako kung hindi pa. Paikot-ikot siya sa sala at parang aligagang ewan.

Pare Mahal Mo Raw Ako? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon